[Kabanata 13 - Isa't Isa]
"HUWAG kang lalapit!" sigaw ko kay Rafael nang sisilipin niya sana kung anong linuluto ko. Hapon na at sabi niya ay siya na raw ang magluluto sa amin pero ipinaglaban kong ako na dahil birthday niya naman.
"Ano ba ang iyong linuluto... Kiara?" mahina ang boses na tanong niya habang nakatayo sa tapat ng pinto kung nasaan ang daan palabas ng bahay niya. Kanina pa rin siya galaw nang galaw para subukang lumapit.
Ako naman ay nasa tapat lutuan at hawak ang sandok ko habang patuloy na nagluluto para kung sakali mang lumapit siya ay hahampasin ko agad siya. Siguro ay medyo kabado siya ngayon dahil nagluto ang babaeng wala namang maalala sa lahat.
"Marahil ay nagluluto ka ngayon ng... menudo." Nanghula na lang siya.
Sa totoo lang ay hindi ako sigurado kung ano ba itong linuluto ko pero sinusunod ko na lang ang bagay na pumapasok sa isip ko. Ginagawa ko nsman ang best ko pero kabado rin dahil magaling magluto ang taong nasa harapan ko ngayon.
Mabuti na lang at hindi na rin siya nangulit pa hanggang sa matapos na akong magluto. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa memorya ko ay ito pa lang ang kauna-unahang beses na nagluto ako. Sinalin ko na sa malaking mangkok ang bagong lutong pagkain bago iyon linapag sa mesa, sinundan naman ako ni Rafael kaya nabunggo ko tuloy siya mula sa likod ko.
"Umupo ka na," utos ko at kumuha ng kubyertos at pinggan para sa amin. Sa kabisera ulit siya umupo habang ako naman ay sa gilid niya.
Nagdasal na kami bago kumain pero nanatili lang ang tingin niya sa akin. Hindi nagtagal ay nagsandok na siya ng kanin at ulam na linuto ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bumagal ang takbo ng sandali habang walang kurap na nakatingin sa kaniya upang makita ang reaksyon niya.
Nang sumubo na siya at ngumuya ay napasulyap sa akin, dahan-dahang na ring bumagal ang panguya niya kaya kumabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!
"A-anong lasa?" abot langit ang kabang tanong ko.
Binasa niya ang labi niya at mabagal na lumunok bago pinili ring tumingin sa akin. "A-ayos lang..." sagot niya na taliwas sa mata niyang tila kaonti na lang ay maiiyak na.
Napatakip ako sa labi ko nang makita ang pagpigil niya sa luha niya habang sinusubukan pa ring ngumiti sa akin. Kinuha ang kutsara niyang nasa plato para tikman ang niluto ko at muntik ko na iyong madura nang malamang napakapait niyon!
Agad naman akong binigyan ng tubig ni Rafael at hinawakan ang likod ko para alalayan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi makapaniwalang tinignan siya, paano niya natiis 'yon?! Hindi ko akalaing sa pagkakataong ito ay hindi na siya naiiyak pa dahil sa kapatid niya kung hindi dahil sa pait ng niluto ko!
"H-hala... sorry, Rafael!" sigaw ko at agad pinainom sa kaniya ang buong pitsel ng tubig dahil baka mamaya'y magkasakit pa siya. Nakakahiya!
"M-marahil ay kailangan mo lang ng kabutihan sa asin habang nagluluto sapagkat sobra na yata ang iyong galit habang ginagamit siya," saad niya at natawa kaya napanguso na lang ako.
"Ngunit sa kabila niyon, maraming salamat pa rin sa iyo dahil sa putahe na iyong hinanda ngayong kaarawan ko. Walang salita ang makatutumbas sa aking saya dahil ngayong araw ay may taong nagawa akong samahan sa kabila ng aking pag-iisa," patuloy niya at ngumiti sa akin.
Nakakalungkot at nakakahiya man dahil pumalpak ako pero naroon pa rin ang saya dahil sa kabila ng isang pagkakamaling gaya ko ay mayroon namang perpektong gaya niya na kaya akong tanggapin sa kabila ng lahat.
GINAWAN na ng paraan ni Rafael para masalba ang linuto ko. Ayon sa kaniya ay rinetoke niya raw ito para makain pa rin. Hanggang ngayon ay nahihiya talaga ako dahil sa ginawa ko. Sobrang confident ko pa kanina, palpak naman pala!
BINABASA MO ANG
Kisapmata
Historical Fictionkisapmata // historical fiction story Matapos ang aksidenteng nakaharap, si Kiara na nagmula sa isang malaking pamilya ay nawalan ng ala-ala sa isipan at nakalimutan ang kaniyang totoong mundo. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng ka...