CHAPTER 22

576 64 32
                                        

Sandro's POV:

He guided Hiraya pababa ng sasakyan.

She looks so beautiful wearing that black dress.

Pumasok na sila ng restaurant and they seated sa may bintana banda.

He helped Hiraya sa pag-ubo.

She smiled at him and Simon was definitely excited.

I can see it in his eyes.

And yun lang din ang bukang bibig nya sa akin pagkatapos ng meeting namin.

"Ugh." I rest my head sa upuan ng sasakyan as I looked at them again.

A waiter was taking their orders na.

And then Simon started texting at tumunog naman ang cellphone ko.

I read it and it was a text from him.

"Everything is going great. She looks stunning. Thanks bro."

"Fck." I mumbled under my breathe.

You may think I am crazy for following them sa date nila pero hindi ako mapakali.

I looked at them once more and Hiraya was laughing with him.

Ngayon ko lang din nakitang masayang masaya si Simon.

I decided to leave them alone.

I looked like a creeped from following them around.

Dumiretso naman ako sa isang convenience store para bumili ng beer.

I need a drink.

I was about to open one of the fridges when my hand bumped into someone else's hand.

"Sorry." I answered at yumuko konti dahil baka makilala ako.

"Oh no.. sorry din--"

"Sandro?" I looked at her and it was Mirana.

"Oh hey." Agad naman akong ngumiti sa kanya.

"Oh my God.. you.. you're here... in front of me--"

"Shhh"

Agad ko naman siyang pinigilan. Baka biglang sumigaw eh.

"Sorry... Medyo nagulat lang." She smiled at me.

She was trying to compose herself at ngumiti ulit sa akin.

Maganda pala ang babaeng to.

"It's fine." I answered her.

Binuksan ko naman ang fridge ulit.

"What do you want? Ako na ang kukuha." I told her as I grabbed two bottles of beer.

"Yan din." She said.

Napangiti din ako sa kanya.

"So.. why are you drinking?" I asked her habang naglalakad kami papuntang cashier.

"May.. pinagdadaanan lang." She said.

"Eh ikaw? Ba't ka din iinom?" Tanong nya din sa akin.

"May pinagdadaanan lang din." I answered.

Napayuko naman ako ulit ng parang napansin ko na nakikilala ako ng cashier.

"Ako na magbabayad. Hintay ka na lang doon oh." Mirana immediately grabbed all the bottles and pointed me sa labas.

I nodded at agad ng lumabas.

Thank goodness for her.

Lumabas naman sya agad at dala dala ang paper bag na may laman na apat na bote ng beer.

"Where are you planning to drink this?" I asked her.

"Dyan lang oh." She answered pointing the bench na nasa labas ng convenience store.

I looked around and may mga kalalakihan din sa palagid.

This place is not safe for her.

"This is not safe for you. Babae ka tapos mag-isa ka lang and then iinom ka pa?" I told her.

She leaned closer to me then whispered...

"I am police officer. Remember?" She said smiling at me.

Napatingin naman ako sa mga mata nya habang magkalapit  ang mga mukha namin sa isa't isa.

Her eyes sparkle as she stared into mine.

"Hey bro." We were interrupted.

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin and my heart sunk as I saw Hiraya beside Simon.

Agad naman akong lumayo kaunti kay Mirana.

She looked at me and Mirana simultaneously na parang nagseselos.

Wait is she jealous?

The Universe of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon