Hiraya's POV:
"Raya... sige na please..." Mirana was begging me na sya na lang ang maging escort ni Sandro kasama si Joshua.
"Mirana, kakabalik mo lang. Nakakapagod yung sumunod lang sa paglalakad kay Sandro." I said habang nagtitimpla ng kape.
Nasa station kami ngayon at nagpi-prepare ako bago pumunta sa kapitolyo.
"Hindi.. kaya ko na. Promise" She embraced me so tight.
"Please please please." She said.
"Oh look who's back." Nilapitan naman kami ni Joshua at niyakap ng sabay.
"Hi Joshua." Mirana said.
"Kamusta ka. Namiss kita." Joshua was pinching Mirana's cheeks.
"Okay lang. Namatay na si Nay Brenda." She said.
"I'm sorry Mirana." Niyakap naman siya ng mahigpit ni Joshua.
"Hindi.. okay lang. Adoptive mother ko lang naman si Nay Brenda eh." Nakangiti naman ito.
"So.. Raya? Payag ka na?" She tried to convince me again.
"Sa alin?" Joshua asked.
"Na ako na ang maging escort ni Sandro.. kasama ka." She was grinning at us.
Natawa naman bigla si Joshua.
"Naku.. hindi mo gugustuhin maging escort nila. Nakakapagod." He said at kinuha ang kape ko at ininom ito.
"Oh come on.. kaya ko."
"Kakabalik mo pa nga lang..." I said.
Bigla naman syang nalungkot.
"Oh sige, ganito na lang... magpahinga ka muna ng one week... after that magrequest tayo sa regional office. Okay?" I told her at ngumiti naman ito agad.
"Yes yes yes thank you." She said at niyakap ako.
"Hay naku.. halika na nga Hiraya... madami tayong pupuntahan today." Joshua said at sumunod naman ako sa kanya.
Pagdating namin sa kapitolyo, naghahanda na sila para sa itinerary namin ngayon.
"Good Morning Sir." Agad naman namin binati si Sandro.
"Good morning. Kumain na ba kayo?" He asked us pero sa akin nakatingin.
"Yes sir." I answered.
Napansin ko naman na nagtinginan si Sandro at Joshua.
"Anyways, one of you will be riding with me today." Sandro said.
"Ikaw na? Sa patrol car na ako sasakay. " Joshua told me.
"Sige." I answered.
Nakangiti naman si Sandro ng tingnan ko ito.
"Let's go?" He said at sumunod naman ako sa kanya.
He assisted me pagsakay ng sasakyan.
"Are you ready for today Hiraya? Madami dami tayong pupuntahan." He said
"Yes sir." Sagot ko naman.
Nasa biyahe na kami and he was quiet the whole time.
Hindi naman ako pwedeng makipag-daldalan sa kanya ng bigla bigla lang.
"Hiraya?"
"Yes sir?
"Can I ask you something?" Medyo seryoso naman sya.
"Um.. yes po.. ano po yun?" I said.
"Is there... something.. going on with you and your partner?" He looked at me na parang naiiyak.
Hindi ko naman alam kung akong sasabihin ko.
"Magkaibigan po kami ni Benitez sir." I said.
"Magkaibigan... lang?"
I nodded yes.
"I see."
"I'm sorry.. it's just that... the way he looks at you... parang may---"
Bigla naman prumeno ang driver namin at agad kong hinarang ang katawan ko para hindi masaktan si Sandro.
"What is going on?!" Sandro asked.
Nilingon ko naman ang paligid at napansin ko na nilihis nya ang daan sa may damuhan
"Sino ka? - -" I was about to pull my gun out pero nakatutok na ang baril nya sa akin.
"Wag mong susubukan kung gusto mo pang mabuhay." The fake driver said.
Tinaas ko naman agad ang kamay ko.
I looked at Sandro and he seemed shocked and startled.
I gestured him to calm down.
Nakatutok din ang baril ng security nya na nakaupo sa front seat sa kanya.
"Sino kayo?" Tanong ko.
"May gusto lang kaming iparating sa tatay niya." Sagot ng fake driver.

BINABASA MO ANG
The Universe of Us
FanfictionFanfiction #5 Hiraya Manawari Valdez. Yep. That is her name. A young student studying Psychology with a special gift of seeing the future happened to bump into the one and only Sandro Marcos when he deliver the speech of his dad, Bong Bong Marcos in...