Hiraya's POV:
"Hiraya!" I looked back and halos manginig ako ng makita ko siya.
Sandro Marcos.
"Hi!" Agad naman tumakbo palapit sa akin si Simon at hindi na ako makagalaw.
"Sir!" Agad naman nag-salute ang kasama ko sa kanya.
Pero nakatitig lang ako sa kanilang dalawa.
Dahan-dahan naman naglakad palapit sa amin si Sandro.
"Mate!" Siniko ako ng kasama ko and I realized na nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang naka-salute ang kasama ko sa kanila.
"Uh.. sorry." Agad naman akong nag-salute sa kanilang dalawa.
Natawa naman si Simon sa akin at tinanggal ang kamay ko sa pagsasalute.
"No need for that." He said then smiled at me.
"Wow... how are you... ang tagal natin hindi nagkita ah." He said.
Sandro just stood beside him at nakatingin sa akin.
Is he mad?
"Police officer ka na ngayon?" Simon asked me.
"Opo... I join the force after I graduated." Sagot ko.
"Wow.. good for you." He said.
"How long has it been since last natin nagkita?" Tanong ni Simon.
"Umm—"
"Six years." Sandro interrupted me.
I looked at him and he just glared at me.
"Six years na ba talaga?" Simon asked me.
"Yes, Sir." I said.
"You don't have to call us 'Sir'. Ano ka ba." Simon said.
"So..." Sandro uttered.
"Dito ka na-assign sa Ilocos?" He asked me.
I can sense na galit talaga siya.
"Yes po..."
"Pero you're not from here. Bakit dito ka nagpa-assign?" He asked.
Hindi ko naman masagot yung tanong niya.
"Sandro, Simon!" Their parents called them.
It was Ma'am Liza and Sir Bong Bong Marcos.
"We have to go now." Their mom said at agad naman silang sumakay mag-asawa sa sasakyan.
"We have to go. It's nice to see you again." Sandro said then tumalikod na palayo.
"I'll find you here. I'll see you soon, Hiraya." Simon told me then sumunod na sa kapatid niya.
Naiwan naman kami ng kasama ko.
I looked at her and tulala ito.
"Mate... kilala ka nila?" She asked.
Nakalimutan ko, kasama ko pa pala siya.
"Magkakilala kami dati pa." I said then naglakad na.
"Ipakilala mo naman ako. Matagal ko ng crush si Sandro eh." She said smiling as she locked arms with me.
"Hmmm."
"Pag-iisipan ko muna." I said smiling.
"Sige na please." She leaned closer to me.
"Oo na. Ang kulit mo, Therese, ha." I said.
"Yeheeeey. Tara libre kita kwek-kwek." She said pulling me papunta sa may nagbebenta ng kwek-kwek.
After our duty, agad akong umuwi sa apartment na tinutuluyan ko dito.
I washed up a bit.
At naglinis na ng kwarto ko.
Buti na lang talaga at nakakain na ako bago umuwi.
Naaalala ko naman bigla yung huling pagkikita namin ni Sandro.
I saw another prediction for him.
Ako nga yung pangalawang babae sa prediction.
But I got scared sa mga nakita ko.
Kaya I decided na hinding-hindi na magpapakita kay Sandro or Simon.
I know he went back for me.
Dahil palagi akong tinetext ng katabi kong stall sa divisoria na may naghahanap daw sa akin na poging lalaki.
Halos araw-araw daw bumabalik.
Napilitan din kaming lumipat ng bahay nila mama pagkatapos makulong ni papa dahil sa drugs.
Kaya kahit ilang beses din ako pinuntahan ni Sandro sa dati naming bahay, hindi niya na ako nahanap.
Kaya talagang maiintindihan ko kung bakit galit siya sa akin.
Tinigilan ko din ang panghuhula at naghanap ako ng trabaho para mataguyod ko ang pamilya namin at ang pag-aaral ko.
Nakapag-graduate naman ako at nakapasa ng civil service pero 3 months lang pagkatapos ng graduation ko, namatay na si mama.
I decided to become a police officer para makapag-simula ako ng bagong buhay ko.
Napapad lang ako sa Ilocos Norte dahil kinakailangan ko talagang pumunta dito, sa ayaw at sa gusto ko man.
The next day, habang busy ako sa mga paper works, bigla akong pinatawag ng chief of police namin.
"Valdez. Pumasok ka sa office ko. Ngayon na." He said in a firm voice.
"Yes, Sir." I said at agad tumayo.
"Hala ka." Therese was teasing me at hinampas ko naman siya.
Pagpasok ko ng office, mga titig ni Sandro Marcos ang sumalubong sa akin.
"He is looking for you." Our chief said.
BINABASA MO ANG
The Universe of Us
FanfictionFanfiction #5 Hiraya Manawari Valdez. Yep. That is her name. A young student studying Psychology with a special gift of seeing the future happened to bump into the one and only Sandro Marcos when he deliver the speech of his dad, Bong Bong Marcos in...