CHAPTER 30

534 54 10
                                    

Hiraya's POV:

"STOP THE CAR!" Agad akong napasigaw.

Nagulat naman si Sandro, pati ang driver at ang kasama nito.

"Bakit ma'am? Anong nangyari?" They looked suspicious.

"Hiraya... what happened?"

I had a vision.

Dudukutin nila si Sandro.

Pero hindi ako pwedeng magpahalata sa kanila.

"Um.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

I was waiting for Joshua na lumapit sa sasakyan namin dahil naka-convoy lang sila sa amin.

I heard three knocks on my window at paglingon ko, it was Joshua.

"Hiraya...anong nangyayari?" Sandro tried to stop me ng palabas na ako sa sasakyan.

I looked at Joshua, hoping maintindihan nya ako.

"Anong nangyari?" Joshua asked.

"What happened?" Sumunod naman si Via sa likuran ni Joshua.

"Um.. sir Sandro, can we have a word with you? May bagong protocol po yung chief of police." Joshua told him.

"Hindi ba pwedeng later yan? I mean.. madami pa tayong pupuntahan." He was hesistant.

I looked at Sandro at agad naman itong natahimik.

Confused  na confused naman si Sandro pero agad naman itong bumaba.

"Sumunod na lang po kayo sa akin sir. Pati kayo ma'am Via. " He told Sandro at agad itong sumunod sa kanya.

I immediately walked towards the head security to conduct a head count sa mga kasamahan nila.

"Why would I do that?" Pasigaw nito.

"For safety purposes lang sir." I answered.

"Nakaka-isturbo kayo ng schedule. Kilala ko lahat ng tauhan ko!" He shouted again.

"Please sir.. pa-check na lang po--"

"No! Kayong mga police kayo, akala nyo alam nyo lahat! Eh escort lang naman kayo dito!" He shouted at my face again.

"Do a head count." Bigla naman pumasok si Sandro.

"But sir.."

"I know you're good at doing your job. But this is for our safety." He said at natahimik naman ito.

"Yes sir."

"Martinez! Head count now!" He shouted at his subordinate at agad naman itong sumunod.

Sumunod din kami para makita ang lahat ng security nila.

"27, 28, 29, 30, 31, 32, 33..." Nagtaka naman ang head nila at kulang ng dalawa.

"35 kayo ah? Sino ang wala?!" He shouted again.

"Sir, nawawala po si Gomez at Tamayo." One of the security said.

"Saan sila?!"

"Sir, may nakita po akong dalawang security na tumakbo papunta doon banda sa damuhan."

One of Sandro's staff said.

"Sino?" Tanong ni Via.

"Yung mga kasama po ni sir Sandro sa sasakyan."

Hindi naman makapag-salita ang head of security nila.

His face was so pale at ramdam ko ang kaba sa mukha nya.

"Oh my God." Via exclaimed at hindi naman makapaniwala si Sandro.

He looked at me at agad na nilapitan.

"How did you know? Nakita mo ba sa vision mo to?" He whispered and I nodded yes.

"Sir.. bumalik na po muna tayo sa Kapitolyo." Joshua said at agad niyang pinasakay si Sandro sa sasakyan.

"Hiraya.. let's go." He tried to grab my hand but I let go.

"Hiraya.."

"Kailangan po namin magreport ngayon sa chief of police sir tungkol sa nangyari." I said.

"May susunod pong patrol car sa inyo ngayon, sila po muna ang mag-eescort sa inyo." Joshua told him.

"Sir.. let's go." Via told him at wala naman syang nagawa.

We watched their car habang papalayo ito.

I am just glad na naiwasan ko na mangyari ang nakita ko.

"Paano mo nalaman yun Hiraya?" Biglang tanong sa akin ni Joshua.

"Totoo ba yung mga sinasabi ng mga kasama natin dati?"

"Na nakikita mo yung future?" He was so curious.

I looked at him at matagal ko ng nakita ang future ni Joshua.

The Universe of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon