Hiraya's POV:
"Magka-kilala pala kayo ni Sir Sandro?" Bigla naman lumapit sa akin si Joshua.
"Ah.. oo.." I was hesistant to answer.
"Mukhang may gusto sayo yan ah." He whispered habang nakatingin kami kay Sandro na nakikipag-usap sa mga tauhan nya.
"Ano ka ba.. magkaibigan lang kami." I said ng nakakunot ang noo.
"Mukhang, may karibal ako sayo ah." He whispered again.
Hinampas ko naman sya ng very light.
"Tumigil ka nga Benitez." I said.
"Pero okay lang.. kung hindi ka na pwede, edi si Mirana na lang." He said again.
Natawa naman ako sa kanya.
"Chick-boy ka talaga." I told him habang naglalakad palabas ng office nila Sandro.
"Anong chick-boy... good boy ako noh." He said following me.
"Saan nga pala si Mirana?"
"Is she on leave?" He asked me.
"Oo. Namatay daw yung adoptive mother nya." I said.
"Ay kawawa naman. Kailan ba yun babalik?" Tanong ni Joshua.
"Bakit? Akala ko ba ako yung gusto mo?" I raised my eyebrow on him.
"Kayong dalawa actually." He said as he put his arm around me at nagtawanan naman kaming dalawa.
Kaming tatlo talaga ang magkasama palagi kahit noong nasa training pa kami sa pagpupulis.
"Ehem" Bigla naman may umubo sa likuran namin and when we looked back agad naman akong binitawan ni Joshua and we stood straight.
"What is going on here?" Sandro asked habang naglalakad palapit sa amin.
Bigla naman ako nakaramdam ng kaba.
"We were just talking sir." Joshua answered.
"Mukhang close kayo ah?" Sandro asked us both pero sa akin nakatingin.
"We are colleagues sir." I said.
"Huh...colleagues... right." He said at naglakad papalayo sa amin.
"What was that?" Joshua asked.
"May gusto talaga sayo yun."
After our duty, I decided na kumain muna sa jollibee.
Since wala naman si Mirana, sya palagi ang kasabay kong kumain eh.
"Pa-order na lang ako miss, ng isang C1, tapos 1 solo spaghetti, isang coke float at tatlong peach mango pie." I said.
"Is this for one person only po?" The cashier asked.
Medyo na-offend ako doon ah.
"Yes miss. Don't judge. I am hungry." I said.
"Okay ma'am--"
"Make that for two please." Bigla naman may nagsalita sa likod ko.
"Anong ginagawa mo dito?" I asked Sandro.
He was wearing a black cap and black face mask.
"I am starving Hiraya." He said at agad na binigay ang bayad sa cashier.
"Oh no, it's okay.. ako na ang magbabayad ng sa akin--" I was about to get my wallet pero pinigilan nya ang mga kamay ko.
May kuryente naman akong naramdaman when he touched me.
"Don't worry about it Hiraya. Baka magalit pa yung colleague mo pag pinagbayad kita." He said as he took the first tray.
"Halika na, doon tayo sa taas" He said
I just rolled my eyes on him at kinuha na din ang pangalawang tray at sumunod na sa kanya.
Pagdating namin sa taas, wala masyadong tao.
"Okay... let's eat." He said at kinuha ang plato ko at binuksan ang wrapper ng kanin ko.
He also sliced the chicken into bite size bago ito binigay sa akin.
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na ngumiti sa harapan nya.
"What?" He asked smiling at me.
"Wala.." I said.
"Don't smile at me like that Hiraya, you'll make me fall in love with you." He said.
Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.

BINABASA MO ANG
The Universe of Us
FanfictionFanfiction #5 Hiraya Manawari Valdez. Yep. That is her name. A young student studying Psychology with a special gift of seeing the future happened to bump into the one and only Sandro Marcos when he deliver the speech of his dad, Bong Bong Marcos in...