Inclement 37

6 4 0
                                    

Inclement 37

Mathilda's Standpoint;

   "Laban lang! Kaya mo yan! You Must Survive!" Aking bulong sa halamang malapit ng malanta.

   Nalalagas na ang kanyang mga dahon at ang bulaklak nito ay palanta na din kung kaya't diniligan ko ito ng diniligan.

    "As for my Caladiums, Lumago kayo! Sige magparami kayo!" Diniligan ko din ang mga caladium plants ko.

     Sabi ng aking nanay, Ang mga halaman ay nakikinig lamang sila sa mga saloobin. Free to open up kung may pinagdadaanan ka. Sabi pa nga nya ay Balang araw mahihiligan ko daw ang halaman at kakausapin ko sila sa tuwing nag iisa ako at massabi kong tama nga si Mama.

   Maganda pala pag nakakausap mo ang mga halaman. It's like they're just listening to you at kalaunan ay sumasayaw din sila sa tuwing may hangin na humahampas sa kanila.

     "Surprised!"

  "Ayyt Nalaglag ang kaluluwa ni San Pedro!"

    "Aray ko naman!" Daing nya, Ginulat nya kasi ako kaya ayun. Naihampas ko sa kanya yung hawak hawak kong sprinkle na ginagamit kong pandilig sa mga halaman ko.

    "Uyy alagang alaga ang mga Babies mo ahh? Gusto mo ba gawa na tay—Arayyy nanaman. Ang Bigat kaya ng Hawak hawak mong sprinkle! Tapos kung ihampas mo lang sakin parang wala lang!" Sigaw nya nanaman. Kabastusan nanaman kasi ang nasa isip nito ehh kaya ko hinampas sa kanya tohh. Bastus animal!

    Nilipag ko sa gilid ang sprinkle at tumingin sa kanya. "Kanina ka pa nakangiti, Anong meron?" Tanong ko sa kanya at pumasok na kami sa loob ng condo ko.

   "Mat I have Good News and a.... Bad News din. So? Which want do you want to hear first. The Good or Bad?" Nakangiti nitong sambit.

    I don't want the sound of that thing. Sa tuwing may Good News talaga ay di maiiwasang May Bad News na kalakip. Tsk!

   Kinakabahan man ako sa pabungad nito ay pinilit kong kinalma ang aking sarili. Napaupo ako sa couch at tumangan sa kanya. I smiled at him.

  "The Bad News" Sabi ko, Ewan ko pero parang mas magandang sabihin nya muna ang Bad News para sa ganon ay after non ay ang Good News naman ang aking maririnig.

   "Hmm.... Okay yan ang sabi mo ehh" I heard him sighed at bigla namang lumungkot ang kanyang pagmumukha.

   "Mawawala ako ng 4 months" Sabi nito saakin na hindi na bago para saakin.

  There's no doubt na makakarating sya sa puntong ito.

   Ang mawawala sya sa piling ko.
 
"The Good News?" I asked. Then bigla naman syang ngumiti saakin. Ngiting tagumpay.

   "The Good News is, Naipasa ko ang Course ko! And dahil dun isa na akong ganap na Seaman!!! Isn't great Mat? Unti unti ko ng natutupad ang pangarap ko!!!" Malakas na sigaw nito na halos halabugin nya ang mga taong nasa ibang unit.

   Nagsi talon talon pa sya na parang ulol. Topakin pala toh! Baliw na nga may pagka saltik pa. Ano ba yan.

    First of all, Ang Saya ko para sa kanya. Natutupad nya na kasi ang ipinangako nya sa kanyang sarili. Todo support na talaga ako para sa kanya. In this time, I know he needs me more of my attention than anything else.

   "See? I Passed! I can now say that—Wait, Are you crying Mat?" Dun ko na realize na may pumatak na palang luha sa aking mata.
Lumapit sya sakin at tumabi sa aking kinauupuan.

   "Sira! May pumasok lang na alikabok. Of course I'm happy for you!!! Di ba yan ang pangarap mo! I'm proud of you!!!" Saad ko sa kanya sabay patid sa aking mga luha.

Lady Sungit Is Here! (Maldita The Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon