Inclement 23
Mathilda's Standpoint;
This is it! Ito na yun!!! Kinakabahan na ako.
Bumibilis ang heartbeat ko na parang tatalon na ito mula sa dibdib ko.
Gabi na at nandito ako sa Kusina kasama ko si Rayuma at iniisip ko ngayon kung ano ang iluluto ko. Kinakabahan ako talaga.
Ngayon kasi ay sinundo daw ni Raiden ang parents nya sa mga trabaho nila ayos sa sinabi nitong si Rayuma.
At ako naman, Syempre kailangan magpa impress sa kanila para sa kahit papano ay magustuhan nila ako.
Sana nga magustuhan nila ako.
"Anong hilig kainin nyo? Ako na magluluto" Sabi ko kay Rayuma.
"Ate, Chill ka lang. Nanginginig ka oh! Hindi naman kita kakainin kaya wag kang matakot, Haha!" Nice one Rayuma, Thank you sa pagpapakalma mo. Mas lalo tuloy akong kinabahan tong batang toh.
"Hindi ako masyado magaling sa Japanese food ehh, Sushi lang alam kong gawin" Sabi ko dito kay Rayuma.
"Ate, Kalma lang. Kung ano ang gusto mong iluto ay okay na rin
samin—""Ehh paano kung ayaw nyo!?" Okay, Mas lalo ata akong kinakabahan at nasigawa ko pa tong batang to.
Biglang hinawakan ni Rayuma ang aking kamay. "Ate, Matagal na kitang kilala. Walang gabing hindi tumatawag si Kuya samin at alam mo ang topic nya? Ikaw yun Ate! Kaya wag kang mag alala magugustuhan ka nina mom at Dad!" Pagpapakalma sakin ni Rayuma.
Huminga ako ng malalim. Kahit papano ay nabawasan ang aking pagkaalala. At teka nga, ano yung sabi nya??? Laging tumatawag si Raiden sa kanila at lagi akong kinekwento nya sa kanila? Totoo ba yun?
Medyo kinilig yung kidney ko dun at hindi ko namalayan na nagluluto na pala ako. Iba pala epekto ng tinatawag nilang 'Kilig' kase tignan moko, Wala sa sarili at nakangiti habang niluluto ang mapag tripan kong pagkain.
"Wow ate! Ang bango nyan haa!" Reaction ni Rayuma ng buksan ko ang takip ng Kaserola.
"Mechado yan!" Proud kong saad sa kanya.
"Pwedeng tikman?"
"Pwede rin, Kuha ka na"
"Yey!!!" Reaction nya muli at nagsandok nang niluto ko atsaka niligay sa kanyang mangcock.
Tinikman nya ito atsaka...."Ate, Kulang sa lasa" Matamlay nyang saad at maging ako ay nagulat.
"Huhh? Ehh ano Ahmm, Teka saglit lalagyan ko lang ng—"
"Itchaprank!!! Haha! Joke lang ate! Ang sarsp kaya. May dugo ka bang chef? Ang sarap talaga as in!!!" Sabi nito na syang kinahinga ko ng maayos.
Ayyt Rayuma wag mokong nerbyosin at baka ipukpok ko tong takip ng kaserola sayo pagako nainis. Batang toh!
*Beep! Beep!*
"Oops, Andyan na yata sila Mama, Ate maghain ka na sa mesa buksan ko lang yung Gate" Paalam ni Rayuma at umalis na.
Tinikman ko ulit ang lasa ng niluto ko. Mahirap na baka binibiro lang ako nung batang yon ehh.
Nang okay na ito sa aking panlasa ay agad kong inayos ang lamesa sa Dining area nila at naghain na ng mga pagkain.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ay isang Babaeng naka Office attire at parang nasa 40 na siguro ang edad. Yung sumunod naman ay isang Lalaking matanda na singkit, nasa 40 rin ata ang edad at naka suot ito ng Office Attire din.
Ako naman ay kunwaring busy sa pagaayos ng hapagkainan. Dapat magpa impress ka Mat! Dapat lang!
"Oh, You must be—ahmm..... Mathilda? Right?" Umupo sa may pangatlong upuan yung nanay ni Raiden.
"Ahmm Opo!" Nakangiti kong tugon at nag bow pa sa kanila.
"Take off your apron, You're a Visitor so take a seat" Napalingon naman ako sa tatay ni Raiden. Naghuhubad ito ng Blazer coat nya na black at ni-loosen ang kanyang necktie.
"Ahhm, Nature ko lang po kasi ang magluto" Wow Self! Sinungaling ka talaga! Hindi ka marunong mag luto nohh! Pasalamat ka kay Mr. Google! Hindi mo nature ang pagluluto upakan kita self dyan ehh!
Bigla namang lumapit saakin si Raiden. "Mom, Dad This is Mathilda, My Girlfriend" Inakbayan ako ni Raiden. Huyy! Rai! Itigil mo to! Napaka straight forward mo naman ehh.
"I know, By the way welcome to our family Mat" Bigla namang tumayo yung nanay ni Raiden at lumapit sakin atsaka niyakap. Nag beso-beso pa sya sakin kung kaya't naki beso na din.
"Oww sorry nabigla ata kita, By the way ako si Chanshan Haslee. Sana magtagal kayo ng anak ko!"
Okay, Nasan yung part na itatakwil nila ako at sasabihing 'Hindi kayo bagay!' nasan yon? Halaa!!! Welcome to family agad ehh mag jowa pa lang kami. Kung si Raiden napaka Straight forward, ito namang nanay nya ay napaka advanced magsalita. Hayyts!
"Ikaw nagluto dito?" Yung matanda namang lalaki ang nagsalita.
"Ahh Opo" Tugon ko dito.
"Pano mo nalaman na paborito ko to? Sinabi ba ni Rayuma?" Ayyt wow! Wala akong tinanong sa anak nyo haa!!! Ako nagisip nyan.
"Papa naman ehh, Sya mismo ang nagluto nyan di ko nga sya tinulungan ehh" Sabi pa naman ni Rayuma.
"Okay then, Ima Tabemasu! Saluhan mo na kami Mat!" Naka ngiting saad naman ng tatay ni Raiden.
Ewan ko kung nagiimagine lang ako pero sana wag naman kase tignan mo naman tanggap agad ako hindi ba maganda yon???
Para tuloy akong ewan na nakangiting kumakain.
Teka—Alam na ba nila na mas matanda ako kay Raiden para magsama kami???
****
🍙
BINABASA MO ANG
Lady Sungit Is Here! (Maldita The Series #3)
Ficção GeralOne word to describe Mathilda Savagge, 'Maldita' Which is accidentally common to her name. "My School was created to educate people, Not to become the place where you find your true love!" Her Motto. Mathilda Savagge is the Owner of the W...