Inclement 22

8 4 0
                                    

Inclement 22

Mathilda's Standpoint;

    "Uyy Sorry na!" Agad kong tinulak ang pagmumukha ni Raiden.

  "Umayos ka nga ng upo!" Pag sermon ko dito at tinungo na lang ang aking tingin sa bintana ng eroplano. Pinapanood ang himapapawid.

     "I don't want to spend our time in japan kung may sama ka naman ng loob sakin. Pleaseee~" Lumingon ako sa kanya.

  "Stop the puppy eyes, It doesn't suit you" Pagsusungit ko ulit dito atsaka binaling ang aking tingin sa bintana.

     "Promise Mat! Di ko na talaga gagawin yon! Yun na ang una't huli na gagawin ko sayo yun" Bigla nya na lang akong niyakap.

  "Huyy Ano ba! Ang daming tao. Umayos ka nga!" Singhal ko dito Niyakap nya kasi ako sa likod.

     "I don't care about them, As long as you can forgive me" Sabi pa nito.

  Ngayon ay nilingon ko na sya. "Gusto mong mapatawad kita? Sige basta sapakin muna kita!"

    "Go ahead! Hurt me until your ready to forgive me" At walang ano-ano ay binatukan ko na sya.

   "Subukan mong gawin ulit yon! Ipapa salvage kita! Wag mokong subukan may kilala akong mga Taong gumagawa ng ganon!" Sabi ko dito atsaka sinungitan ko na sya.

     "Yes! I promise, Next time I will never do that again" sabi pa nito atsaka niyakap ako ulit nito.

  "Umayos ka!" Suway ko dito pero ang totoo ay napapangiti ako na parang ulol.

   Ngayon lang kasi ako nakakita ng taong malambing. Dati naman kasi itong tukmol na to ay napaka bwisit nya sa totoo lang at sobrang kontrabida ng buhay. Subukan nya ulit gawin yon at baka di ako maka tiis at kukuha ng chalk powder at ibuhos sa pagmumukha nya tas sabihing pulbos lang yon, Tignan natin kung di sya magkaroon ng
An-an dyan.

                             *****

    Nakarating kami sa Japan, Christmas nga talaga dito. Ang lamig ehh.

   Bandang tanghali na kami ng makarating dito sa Japan.

   Nasa waiting area kami ngayon dito sa Airport. Nakaupo ako at sakto naman na kadadating lang ni Raiden may hawak hawak na Bottled water.

    Umupo na sya sa tabi ko then he handed the bottled water to me. "Raiden, Sino ba yung hinihintay natin dito? Huhh?" Di makapakaling tanong ko. Ehh kasi naman ehh naiinip na ang aking pwet dito sa upuan.

     Uminom muna sya then saka sya sumagot. "A Friends." Tipid nitong sagot.

     "A Friends? Sino sila?" Taas-kilay kong tanong.

"There they are!" Napalingon ako sa tinitignan nya then nagulat ako—

    "Ma'am Mat?!! Ikaw ba yan???" Si Asuka. Oo, Yung Asuka nandito! Kainis.

  "I didn't expecting you to come here, Anyway Welcome to our Country" Sabi naman ni Akira saakin.

  Ako naman ay litong lito. "Teka, Nandito rin kayo?" Tanong ko.

   "Aba syempre lang, Bansa namin to ehh!" Binatukan naman ni Akira si Asuka dahil sa pagsasagot nya sakin.

      "Ito naman kung maka batok kala mo di masaket. Try mo kaya!" Si Asuka paeang batang nag tatantrums.

     "Gomenasai, Ma'am Mat" Isang malumanay na saad. Napalingon naman ako kay Ichiro. Buti may galang pa rin toh.

   "Where's the car?" Tanong naman ni Raiden sa kanila.

  "Nandun sa Parking Lot, Ma'am let me carry it" Naka ngiting sabi sakin ni Asuka.

    "No, Ako na lang" Tanggi ni Raiden sabay bitbit sa mga maletang dala ko.

   "Ayieee!!! Sana ol! Kainggit naman, Tayo kaya Akira! Gawin natin yan!" Si Asuka.

  "Mukha mo!"

                            ******

   Nakarating kami ngayon sa Bahay—teka, Bahay ba toh? O baka naman Spa?

   "Let's go" Sabi ni Raiden and that's the cue na papasok na kami.

   Binuksan nya ang pinto—Sliding door atsaka pinauna na akong pumasok. Nilibot ko ang aking tingin, Kala ko Spa hindi pala. Puro made of wood yung mga furnitures at may mga japanese silang mga gamit.

    Sure enough, Kala ko maliit lang to pero pag pumasok ka ay bubulaga sayo ang napakaluwang na loob nito.

     Nagtungo kami sa Second Floor ng Bahay ni Raiden at nagtungo kami sa isang kwarto. For sure this is his room.

    Pumasok na ako sa loob. Bumuluga saakin ang mga anime na sketch na nakadikit sa mga dingding.

    "Drawing mo?"

  "Yep!"

   End of Conversation, Oh di ba ang awkward na namin. Tsk! Kala ko naman sasaya ang Christmas Vacation ko dito sa Japan.

     "Wait me here, May titignan lang ako" Sabi nito sakin atsaka isinara ang pinto ng kwarto.

   Nang makaalis sya, I started to organized my things.

"Ang galing naman!!!" I said Sarcastically. Nasabi ko na lamang yan na animo'y may kausap ako. Pano ba naman kase iisa lang ang bed dito sa kwarto so that means... Share kami dito. Magaling Raiden! Magaling ka!!!

    Habang nagaayos ako ng gamit ay biglang bumukas ang pinto.

  "Okay Raiden, dito ka sa sahig matulog at ako naman dito sa bed. Kala mo ha—"

    "Ohayo Gosaimasu! Mathilda-Chan"

Napalingon ako sa gulat at nakita si—wait sino toh?

  "Ahhmm, Ohayo. Who are you? Please talk to me in english, I don't know what are you saying" Sabi ko dito. Maganda syang babae, She's Cute and ang puti nya.

     "Hahaha! Magtagalog na lang ako since tagalog ka din naman ate" Siguro alien toh? Ulol eh.

  "Ako nga pala si Rayuma, hindi yung Rayuma na sakit haa! Basta Rayuma name ko haha!" Sabi nya nang naka ngiti saakin.

   Naiilang ako dito sa batang to—Teka, parang nakita ko na sya! Aha! Sabi na ehh, Sya yung nakita ko sa picture ni Raiden. Yung kaakbay nya na inakala kong girlfriend nya pero kapatid nya.

    Magkamukha sila haa!

  "Ate! Tulala ka, Maganda ba ako? Haha!" Isa rin pala tong hangin ehh, Ang yabang kala mo naman—oo na kagandahan kana punyeta!

     
                             ***

                             🎎

TBC...

   

 

 

Lady Sungit Is Here! (Maldita The Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon