"Saan ka na naman pupunta Lorain?" patay nahuli pa ako ni kuya.
"dyan lang sa plaza kuya"
"at anong gagawin mo doon?" tanong na naman nya. Nagsisimula na kaya yong laro?
"manonood ng basketball kuya" sagot ko.
"ng ganitong oras?" pano ba ako makatakas dito.
"kuya please kahit ngayon lang" pagmamakaawa ko.
"kuya dave? lorain? bakit nasa labas kayo?" napatingin kamin ni kuya Dave kay kuya Darwin. Bago pa makasagot si kuya tumakbo na ako.
"lorain bumalik ka dito" sigaw ni kuya Dave. Hindi ko na sya nilingon pa baka hindi ko na maabutan yung laro. Di baling mapagalitan ako mapanood ko lang silang maglaro.
"girl ang gwapo talaga ni Raven no?"
"go raven"
"raven, I love you"
"raven ang gwapo mo talaga"
Pagdating ko sa gym yan agad ang bumungad sa akin.Nagsisimula na nga ang laro. pumwesto na ako sa kung saan makikita ko sya. Ang gwapo nya talaga. Kailan kaya nya mapapansin ang tulad ko?
"prrrrrrrrt,prrrrrrrt" pito ng referee, tapos na agad ang first half. Sabagay late na akong dumating 25-35 ang scores lamang sila raven.
"ang galling talaga ng kabilang team. si raven yong captain diba?"
"oo, girl at alam mo ba crush ng campus pala ang lalaking yan"
"sino naman kasing hindi magkakagusto sa kanya, package deal na yan girl"
Tsk! maraming tsismosa dito sa likod ko.
"ang swerte ng girlfriend nyan girl, nakukuha lahat ng gusto"
"nakakainggit naman sya girl"
Isa pa pala sa problema ko may girlfriend sya at malayong-malayo ang agwat naming dalawa. Kumbaga langit sya lupa ako.
Nakikinig lang ako sa nag-uusap sa likod ko. Mukhang marami silang alam tungkol sa kanya. Ito kasi yong pangalawang pagkakataon na napanood ko syang maglaro. Unang kita ko pa lang sa kanya nagustuhan ko na sya. ang astig nya kasi.
"woooh! panalo na naman tayo tol" Narinig ko na lang na sigaw ng kasama nya. Sino namang makakahabol kung ang lamang nyo ay 20?
"celebrate na tayo tol" sigaw naman ng isa sabay pasa sa kanya ng bola.
"shit" mura ko.
"miss are you ok?" nanaginip na ba ako? ang sakit ng ulo ko. sa akin lang naman tumama ang bolang pinasa ng walang hiya. "miss?" tawag nya ulit. Bakit ang gwapo nito. Teka nga lang bakit maraming nakatingin sa akin? "miss?" shit! si Raven. OH My Gee! What to do? What to do?
"auhmmm..I-im o-ok" nasabi ko na lang.
"sigurado ka miss?" Tanong nung isang kasama nya.
Ikaw kaya tamaan ko sa ulo ng bola magiging ok ka kaya? Sa isip ko lang yan. Napansin nga ako epic naman. nakakahiya! Tumayo na ako. Bigla akong napahawak sa ulo ko. Nahihilo ako! Ang lakas pa naman ng pagkakatama ko.
"miss? dalhin ka na kaya namin sa hospital." Ang Bait nya naman. Sasagutin ko pa sana sya ng tumunog ang cellphone ko.
Memories are fading, good times and bad times we're together, now i'm longing for your love, longing for your affection (own composition ko yan)
"shit! si kuya tumatawag" patay na talaga ako nito." kuya anong oras na po ba?" tanong ko sa kanila. Hindi pa kasi sila umaalis sa harapan ko.
"alas onse na"
"What!" sigaw ko. napatakip tuloy sila ng tenga. "ay, sorry. Ok na po ako. sige po salamat sa inyo pero kailangan ko na pong sumibat baka mapatay na ako ni kuya" speaking of kuya hindi ko pa nasasagot yong tawag nya. nakailang miss called na pala sya.
"hatid ka na naming miss" mas lalo akong mapapatay ni kuya non.
"wag na po, malapit lang naman yung bahay namin. sige po." Tumakbo na ako bago pa nila ako mapigilan. Pagkakataon ko na sana yon napurnada pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/38892196-288-k224741.jpg)
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
Roman d'amourTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...