Chapter 16

152 3 0
                                    

Chapter 16

Lorain

"beshy may laro daw ngayon sa gym sina raven"

"talaga? Ditto sa school?"

"hindi don sa village nyo. Inanyayahan sila."

"buti naman at malapit lang pwede kong takbuhan sina kuya"

"ikaw talaga puro ka kalokohan"

"hehe. Ganito talaga pag-inlove"

"ang tanong beshy may gusto ba yon sayo?"

"di bale na yan. Kuntento na ako sa tuwing nakikita ko syang naglalaro" Maraming imahe ang pumapasok sa aking isipan. Hindi ko alam kung totoo ba ito o panaginip lang.

"ouch!" napahawak bigla ang batang babae sa kanyang ulo.

"sorry miss. Are you okay?"

"ikaw kaya batuhin ko ng bola magiging okay ka kaya" pagsusuplada nya.

"ang suplada mo naman. Nagsorry na nga diba" nakangiting sagot ng binata. Hindi naman malaman ng babae kung ano ang gagawin dahil sa taong nasa harapan nya. "namumula ka. Ok ka lang ba?" mas lalo lang namula ang babae.

Bakit nakikita ko ang sarili ko na kasama sya?

"tol! Kanina ka pa naming hinahanap---ay may kasama ka pala" tanong ng binatang bagong dating.

Seph? Anong ginagawa mo?

"hindi natamaan ko lang sya ng bola"

"ganun ba? Halika na. Malalate na tayo"

"sorry ulit miss----" hindi sya pinansin ng babae. "miss anong pangalan mo?" tanong ng binatang lalaki sa babaeng nasa harapan nya.

"lovey rain" nahihiyang sagot naman ng isa.

"cute name" nakangiting turan ng binata. "mauna na kami sayo rain" sabay alis ng binata. Rain? We knew each other back then? How come?

Hindi pa natatapos ang mga imaheng aking nakikita.

"go raven! Go raven! Go! Go! Go!" sigawan ng mga tao sa gym. Nakikita ko ang sarili ko sa isang tabi kasama si beshy.

Raven

"bro! Umupo ka nga muna nahihilo ako sayo eh"

"pano ako uupo kung naroon sya sa loob?"

"atleast naman umupo ka diba?" umupo ako. Kanina pa sya nasa loob. Hindi pa din lumalabas ang mga kapatid nya sa opisina ng doctor. Kahit hindi ako makapsok ok lang malaman ko lang na okay sya Masaya na ako.

"bakit ang tagal nila?"

"hindi ko din alam bro. Hintayin na lang natin" maya maya pa lumabas na din yong kapatid nya.

"kamusta sya" agad-agad kung tanong sa kanya. Alam kong galit sila. "please kahit yon lang malaman ko" pagmamakaawa ko sa kanila.

"kuya dave---"

"i know" malungkot na sabi ni dave.

"ok lang ba sya?" tanong ko ulit.

"to tell you honestly, hindi na rin naming alam ang gagawin. Hindi daw malalaman ang result hanggang hindi sya nagigising." Nanlumo ako sa sinabi nya.

Kasalanan ko ang lahat ng to eh. Kung hindi sana nangyari ang bagay na yon hindi sana kami aabot sa ganito.

"maiwan ka muna namin. At kung pwede umalis ka na. Ano mang oras darating ang mga magulang namin."

"please tol" si Darwin. "i know you love our sister kahit ngayon umiwas na muna tayo sa gulo" wala akong nagawa kung hindi tumango kahit masakit wala akong magawa. Kasalanan ko din naman kung bakit ganito.

"tol halika na nandito na sila" sabat ni seph. Wala kaming nagawa kung hindi umalis. Sana bukas okay na ang lahat.

Dave

"doc kamusta ang kapatid ko?"

"Mr. San Pedro, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa"tumingin sya sa amin "hindi na natin nasisiguro ang tunay na kalagayan ng kapatid mo. Sinabi ko naman sayo noon pa na kailangan palagi nyo syang bantayan"

"doc. Gusto po naming malaman ang totoo" sabat naman ng kapatid ko.

"let's wait until she wakes up. Okay naman sya physically."

"thank you doc"

"walang anuman" lumabas na kami pagkatapos.

"kamusta sya" si raven agad ang sumalubong sa amin. "please kahit yon lang malaman ko" pagmamakaawa nya.

"kuya dave---"

"i know" malungkot kong sabi.

"ok lang ba sya?" tanong nya ulit.

"to tell you honestly, hindi na rin naming alam ang gagawin. Hindi daw malalaman ang result hanggang hindi sya nagigising." Dahil yon naman ang totoo. All this time akala naming okay na ang lahat sa kanya. "maiwan ka muna namin. At kung pwede umalis ka na. Ano mang oras darating ang mga magulang namin." Sa ngayon gusto muna namin maging tahimik.

"please tol" si Darwin. "i know you love our sister kahit ngayon umiwas na muna tayo sa gulo" wala syang nagawa kundi ang tumango.

"tol halika na nandito na sila" sabat ni seph. Saka namin sila iniwan. Kailangan pa naming puntahan si lovey rain.



Stalking The Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon