Lorain
Pagdating ko sa gym marami ng tao pero hind pa nagsisimula yong laro. Nagsinungaling ako kina beshy pero ang totoo manonood lang ako ng Basketball. Narinig ko kasi a may laban daw ngayon . Alam nyo naman kapag gusto mo ang isang tao lahat gagawin mo para Makita sya kahit na magmukha ka pang tanga.
Nakita ko rin ang taon hinahanap ko, mukhang naparusahan ata sya. I look for a place na pwede kong mapanood ang laro nya kahit naman kasi sabihing gusto ko sya hindi ko pa rin pwedeng gawin ang ginagawa ng mga taong humahanga sa kanya. Mapapatay ako ni kuya Dave pag ganun kailangan ko daw munang mag-aral. Tsk! kaya minsan tinatakasan ko yon. hehe. protective masyado. Akala naman nya sa akin bata na kapag gumala mawawala, 16 na ako pero kung ituring ako ng dalawa kong kuya parang bata pa rin. the good thing naman is kapag may kailangan ako binibigay naman nila.
"let's start the game. Players pumwesto na kayo" sabi nung MC.
Magsisimula na yong laro. Unang nakaagaw ng bola is yong kalabang school, ang ST. David Univ. Sikat din yong school nila kung hindi lang dahil sa kanya baka don ako nag-aral.
"go Raven"
"i love you Raven"
Ilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga fans nya. Ako? wala. eto nasa tabi-tabi lang nanonood.
"raven for 3 points" sabi nong MC.
"babe, I love you" lahat kami napatingin sa babaeng sumigaw. Maganda sya, maputi, mayaman, matangkad, pang beauty queen ang beauty, that's how you can describe her, Jaira Marquez. Yan yong mga tipong mapapatingin ka kapag dumadaan sila. 2 years na sila ni Raven kahit on and off ang relationship nila. Nakita kong ngumiti si raven non, kinantsawan tuloy sya ng buong team.
"inspired si loverboy"
"go captain"
Masakit din pala satuwing maiisip mo na ang layo layo ng agwat nyong dalawa. Kaya ako narito lang sa tabi-tabi, pasulyap-sulyap, umaasang mapapansin.
Hanggang sa matapos ang laro hindi na nawala ang ngiti nya. mahal nya talaga kaya wala na akong pag-asa pa. Maybe I'll look for someone na hindi taken.
Raven
"congratulations San Pedro Univ." panalo na naman kami. lumapit na kami sa gitna ng court at nakipagshakehands. "thanks for the game"I said sa captain ng St. David. ngumiti lang sya, kahit kalian ang sungit pa din ng taong yon.
"tol, congrats" nginitian ko lang si louie. Pinuntahan ko ang girlfriend kong naghihintay. Thanks to her inspired akong maglaro.
"hi babe" bati nya "congrats"
"thanks babe"sabay halik ko sa kanya."ligo muna ako then well celebrate kasama ng buong team" Mahirap ng makahanap ng babaeng tulad nya, kaya mahal na mahal ko yan.
"sure babe, ill wait here" nginitian ko muna sya bago ko sya iniwan.
"tol, nakita mo ba yong babae kanina sayo lang nakatingin." sino kayang babae?
"eh halos naman lahat ng babae sa kanya nakatingin" sabat ng isa kong team mate.
"sinong babae?" tanong ko"wala naman akong nakita" dagdag ko pa.
"pano mo makikita tol kay Jaira ka lang nakatingin"
"tsk! kayo talaga magsiligo na nga lang kayo ng makaalis na tayo"ako
"si captain gusto lang makaiskor" kantyaw nila.
"nakita ko rin yon tol, at she seems familiar to me, parang nakita ko na sya" akala ko tapos na may karugtong pa pala.
"baka isa lang yon sa mga babae mo tol" sabat naman ng isa.
"tama! naalala ko na tol sya yong babaeng tinamaan ng bola ni Mike nung sa plaza tayo naglaro."
"may babae ka bang tinamaan ng bola mike?" tanong ko. hindi ko na maalala.
"oo tol, parang baliw nga yong babaeng yon., tumakbo agad" mike.
Hanggang sa matapos kaming maligo yon pa rin ang pinag-uusapan nila. Sino ba kasing babae?
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
RomanceTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...
