Chapter 12

192 5 0
                                        

Lorain

"wag po..wag po..maawa po kayo sa akin" umiiyak kong sabi habang hila hila ako ng dalawang lalaki.

"tumahimik ka miss kung ayaw mong masaktan" singhal nung isang lalaki. Hindi ko sila makilala nakatabon ang mukha at hindi ko na gugustuhing Makita pa ito. Iyak lang ako ng iyak. nAtatakot ako. May mga hawak silang baril at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko akalain na sa kasusunod ko sa kanya ito ang kahahantungan ko. Kung nakinig lang sana ako kina kuya hindi sana mangyayari to.

"miss, pasensya ka na napag-utusan lang" yong isang lalaki. Mabuti pa to malumay lang magsalita.

"wag mo ngang kausapin yan" singhal nung isang lalaki sa kasama nya.

"san nyo po ba ako dadalhin?" tanong ko sa kanila. Sana mahanap ako nina kuya. Ayaw ko ditto nakakatakot.

"sa amo namin...wag ka ng umiyak baka masaktan ka pa nitong kasama ko." Pilitin ko man ngunit hindi ko magawa.

"PASOK!" pasigaw nyang utos sa akin.

"bakit? Sa lahat ng tao bakit ikaw pa?" hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

"diba ito naman ang gusto mo ang mapansin ko? Ayaw mo non natupad na ang gusto mo?" hindi ito maaari. Hindi sa ganitong paraan.

"Raven? Seph? Hindi! Hindi!" mas lalo lang akong umiyak. May pumokpok sa ulo ko at nawalan na lang ako ng malay.

"sis! Sis!" naalimpungatan ako ng may yumuyugyog sa akin.

"lorain! lorain! Gising" may tumatawag ulit sa akin.

Bakit? Bakit pakiramdam ko nangyari na yon?

"lorain, gumising ka"

"kuya dave? Kuya Darwin? Bakit narito kayo?" nasa tapat ko na kasi ang dalawa kong kuya na nag-aalala.

"Narinig ka naming sumisigaw kaya napatakbo kami ditto" kuya Darwin

"kanina ka pa namin ginigising. Ano bang nangyari? Anong napanaginipan mo.?" Panaginip lang pala ang lahat akala ko totoo na.

"wala kuya masamang panaginip lang" masama naman talaga.

"sabihin mo sa amin kung ano yon?" kuya Darwin.

"hindi ko na maalala ang nangyari ang alam ko lang may pumokpok ng ulo ko" Nagkatinginan sila. May hindi ba ako alam? "kuya may inililihim ba kayo sa akin" this time alam ko ng may itinatago sila. "maiintindihan ko naman kung ayaw nyong sabihin" sa loob loob ko gusto kong malaman. This past few days maraming bagay na ang bumabagabag sa aking isipan.

"soon sis, you'll know. Promise us one thing na kung ano mang malalaman mo hindi ka magagalit sa amin?" Nakikita kong malungkot sya kahit nakangiti. I know them well.

"kahit anong mangyari kuya, maiintindihan ko kayo." Sabi ko sa kanila. Nagyakapan muna kami. Sana hindi talaga totoo yong panaginip. Nagsinungaling ako sa kanila. Tandang tanda ko pa kung ano yong nangyari. Bakit naroon sila? Nasobrahan lang ba ako ng kakaiisip?

"Kumilos ka na malelate ka na. Kailangan ko na ring kumilos papasok na din ako."

"ako din kuya dave. Mauna na ako sayo sis. Wag mo ng isipin yong panaginip mo. Panaginip lang yon." Naroon din kayo kuya sa isip ko.

Pagkaalis nina kuya sa kwarto kumilos na ako. May laro ako ngayon intrams na namin. Kung tinatanong nyo kung nanood ako ng laro nina raven. OO. Nandoon ako kasi nanood ang mga kuya ko. Pinatawag kasi sila hindi ko lang alam kung bakit. Kaya ang swerte ko nasa unahan kami. Dalawang gwapo yong kasamaa ko. Hehe. Nakita ko din si Seph doon akala ko nga maglalaro sya Hindi naman pala buti na lang hindi nya ako pinagtripan nandon pa naman sina kuya.

Stalking The Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon