Chapter 13

165 7 0
                                        

Lorain

Pagkatapos ng laro umalis na ako ayaw kong magtagal don madaming mga matang nakatingin. Nahihilo ako. Bakit nitong mga nakaraang araw sumasakit na lang bigla ang ulo ko. Himdi ko naman maintindihan kong bakit. Hinahanap ko si beshy hindi ko na Makita papasama pa naman ako sa clinic. Wala akong nagawa kung hindi umalis mag-isa. Nasan ba kasi ang babaeng yon?

Naglakad lakad lang ako papuntang clinic ng may marinig akong nag-uusap.

"layuan mo sya" bakit parang familiar sakin ang boses parang si beshy.

"lumalayo na nga ako diba. Ano pa bang gusto nyo? Hindi nya naman ako maalala diba?" lalaki yong sumagot. Hindi naman boses ni marlon. Bakit ditto pa sila nag-uusap sa loob ng classroom? Nagtataksil ba si beshy?

"may gusto sya sayo" tama nga ang hinala ko si beshy nga. Ang gusto kong malaman eh kung sino ang kasama nya.

"hindi ko yon pwedeng pigilan sya may hawak ng puso nya hindi ako."

"yon na nga eh. Kaya kung pwede lumayo layo ka sa kanya. Lalo na ngayon."

"bakit? Anong meron?"

"wala ka na don. Sana naman tumupad ka sa usapan. Wag ka ng lalapit sa kanya ulit"

"hanggang tingin na nga lang nagagawa ko ipagkakait mo pa pati yon. Alam mong mahal ko sya. Naroon ka."

"oo. Pero ikaw din ang dahilan kung bakit ganun sya ngayon."

"alam ko. Alam ko. Hindi mo kailangang ipagduldulan sa isip ko. Dahil ako mismo sinisisi ko ang sarili ko. Kung alam ko lang na mangyayari yon" sino bang pinag-uusapan ng dalawang to?

"wala ka ng magagawa nangyari na. Sana lang layuan mo na si lo--"

BOooOOoogshhhhh! Patay! Mahuhuli pa ata ako. Walang mapagtataguan.

"sino yan?" si beshy. Kailangan ko ng tumakbo.

Takbo! Takbo! Takbo. Sa kakatakbo ko nakarating ako sa clinic.

"miss anong nangyari sa---lorain?" may tumawag sa akin. Nakayuko kasi ako. Hinahapo ako. "ikaw nga! Kamusta ka na? Matagal din tayong hindi nagkita auh..tatlong taon din" napatingin ako sa taong kumakausap sa akin. Sino ba to?

"sino ka?" tanong ko.

"ikaw nman tatlong taon lang tayong hindi nagkita nakalimutan mo na ako. Nakakatampo ka naman"

"huh? Eh sa hindi talaga kita kilala eh." Napatanga sya sa akin. Seriously magkakilala ba talaga kami?

"wag ka ngang magbiro ng ganyan."

"hindi ako nagbibiro"

"seriously? Hindi mo talaga ako naaalala? Eh nong elementary nga hindi tayo mapaghiwalay. Hindi naman tayo magkagalit nong umalis ako papuntang America." Kahit anong isip ko hindi ko talaga sya matandaan. Auh. Ang sakit ng ulo ko.

"are you okay?"

"yes. Im sorry but i couldn't remember you. All i know is i have one bestfriend during elementary and its sunshine"

"I know that. We're always together." Masaya nya pang sabi para bang may inalala sya. "do you know raven and seph? Im sure kilala mo sila heart throb yon sa school dati eh. Nagging kayo nga ni ra---" hindi ko na narinig ang sinabi nya. Bumagsak na lang ako bigla. Masakit talaga ang ulo ko. Bago pa ako mawaln ng malay naalala ko na kung sino sya.

Raven

Pagkatapos ng laro umalis na kami. Nanalo yong educ. Team. Ang galing nila eh.

"bilib talaga ako sa girls na yon, lalo na si Number 29. Ang galing."

"haha. Di ka pa naka move on mike? Ibig sabihin magaling pa sya sayo"

"oo tol. Ikaw kaya pasok lahat ng three points"

Nakikinig lang ako sa usapan nina louie ng may biglang tumawag sa akin.

"raven" si sunshine pala.

"ano?" ano na naman kaya kailangan nito.

"pwede ba tayong mag-usap?" sabay tingin kina louie "ng tayong dalawa lang"

"mauna na kayo tol" tumango namaan yong dalawa. Babatuhin na naman ako ng tanong mamaya.

"ano bang dapat nating pag-usapan? Diba dapat hindi mo na ako kilala?"

"hindi na ako magpapaligoy ligoy pa" tungkol na naman to sa kanya. "layuan mo sya"

"lumalayo na nga ako diba?. Ano pa bang gusto nyo? Hindi nya naman ako maalala diba?"

"may gusto sya sayo" Masaya ako sa narinig ko. Tama nga ang kasabihang makalimot man ang isip hindi ang puso.

"hindi ko yon pwedeng pigilan sya may hawak ng puso nya hindi ako." Kung pwede lang magsaya ginawa ko na.

"yon na nga eh. Kaya kung pwede lumayo layo ka sa kanya. Lalo na ngayon."

"bakit? Anong meron?" tanong ko. May nangyari na naman ba?

"wala ka na don. Sana naman tumupad ka sa usapan. Wag ka ng lalapit sa kanya ulit"

"hanggang tingin na nga lang nagagawa ko ipagkakait mo pa pati yon. Alam mong mahal ko sya. Naroon ka."

"oo. Pero ikaw din ang dahilan kung bakit ganun sya ngayon."

"alam ko. Alam ko. Hindi mo kailangang ipagduldulan sa isip ko. Dahil ako mismo sinisisi ko ang sarili ko. Kung alam ko lang na mangyayari yon" masakit isipin ang nakaraan kahit tatlong taon na ang nakalipas.

"wala ka ng magagawa nangyari na. Sana lang layuan mo na si lo—booogshhhhh" may nakaring sa amin. Dali dali akong kumilos papunta sa pintuan ng pinigilan nya ako gamit ang kamay. "ako muna" bulong nya.

"sino yan?" walang sumagot. Wala naman palang tao. "mamaya ka na lumabas" saka nya ako iniwan sa silid na iyon.

Hindi ko mapigilang isipin yong nangyari. Malapit na nga kami ngayon. Hindi ko naman basta-basta pwedeng lapitan. Maya-maya umalis na din ako. Pagsara ko ng pintuan may napansin akong isang bagay pinulot ko ito.

"nasa iyo pa rin pala to. Nakakaalala ka na ba?" itinago ko yong singsing saka umalis na ng tuluyan. Pano kita makakalimutan ng lubos kong palagi mong pinapaalala ang nakaraan?.



Stalking The Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon