Lorain
"oi girl may laban daw sina raven ngayon" nagpanting agad ang aking tenga ng marinig yon. Manonood kaya ako? Syempre... "sa villa san pedro" villa san pedro? Don ulit sa lugar namin? Buti malapit lang.
"girl quiet ka lang alam mo na" sabay tingin ng makahulugan sa akin.
"tama ka dyan girl..baka landiin nya lang si raven" Tsk! Hindi pa pala totally patay yung issue. Lumabas na muna ako baka kung ano pang mangyari don sa loob.
"girl alam mo ba kung anong reason kung bakit hindi na kumalat yong issue about kay raven at don sa kung sino mang girl yon?" napatigil ako ng marinig ko yan.
"hindi nga eh..naalala mo nong dumating si Raven don diba umalis sya agad at pumunta don sa principal office" girl 2
"pero hindi eh kasi mga estudyante lang yong nag-alis ng photos" girl 1
"oo nga no, may mga tao nga na dumating non at inisa isang tanggal ang mga yon" girl 2.
Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila. Ibig bang sabihin nito hindi si Raven ang dahilan kung bakit nawala agad ang issue? Kung ganun sino?
"beshy anong ginagawa mo dyan?" napatingin sa amin yong dalawang babaeng nag-uusap. Pinandilatan nila kami ng mata.
"girl alis na tayo. Baka mahawa pa tayo sa kalandian ng babaeng yan" sabay alis nila.
"beshy?" tawag ni beshy sabay kulbit sa akin. "wag mo ng pansinin ang mga yon wala lang magawa ang mga yon"
"ok lang.." kahit sa loob loob ko masakit. "masasanay din ako" dagdag ko pa. Pinipigilan kong umiyak. Hindi ko naman ginusto na mangyari to.
"wag mo nga akong lukuhin wag mo ng pansinin ang mga yon" sabay yakap sa akin. Ayaw kong umiyak. Kaya ko to. "halika na, pasok na ulit tayo."
"beshy may alam ka ba dun sa nangyari?" hindi ko na kailangan pang sabihin kung anu yon halata naman yon. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room. KAilangan ko pa palang isipin kung anong event ang sasalihan ko.
"wala beshy diba magkasama tayo" Nakapagtataka na talaga ang mga nangyayari. "auh. Beshy may sasabihin sana ako sayo eh pero wag kang magagalit ha." Tiningnan ko naman sya napatigil kami sa paglalakad. "hindi mo na kailangang mag-isip ng event na sasalihan—" hindi ko sya pinatapos magsalita.
"anong ibig mong sabihin?"
"promise ka muna?" sabi nya sabay pout. Natawa tuloy ako.
"siguraduhin mo lang na hindi mo ako sa volley ball isinali beshy magagalit talaga ako." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"ayan ngumiti ka din beshy." Napailing na lang ako. Kilala talaga ako ng babaeng to. "hindi beshy sigurado matutuwa ka ditto" ang lapad lapad ng ngiti nya.
"ano na?"
"sasali tayo sa battle of the band" may patalon talon pa syang nalalaman samantalang ako nakatingin lang sa kanya.
"sinong sasali ng battle of the band?" may biglang sumingit pagtingin naming yong team mate ni raven na si mike. Ano namang kailangan nito?
Raven
"nakita nyo ba si Mike? Bakit wala pa sya?" Baka hindi yon makasama mamaya" Kanina ko pa kasi hinahanap ang isang yon may sasabihin pa naman ako kung kalian mo kailangan hindi mo Makita.
"hindi pa tol" sagot ni louie. "wala daw si sir labas muna tayo"
"hanapin nyo na lang yong isa, canteen lang muna ako."
"ok" kinuha ko ang cellphone sa bag tatawagan ko n asana si Jaira "ayon si mike tol oh" sabay turo ni louie may kausap syang mga babae. "sina lorai yon tol tara lapitan natin" napatingin sya sa akin "wag ka ng tumanggi halika na ng makilala mo naman ang babaeng nagpapangiti sayo" babatukan ko na sana sya kung hindi lang sya tumakbo palayo. Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Iiling-iling akong lumapit sa kanila.
"tol pumuporma ka na naman" narinig ko pang sabi ni louie kay Mike.
"grabe ka na naman tol may itinatanong lang ako eh" sagot naman ng isa.
Tiningnan kong maigi si lorain. Bakit hindi sya makatingin? Nahihiya pa rin ba sya don sa nangyari ang tagal na non auh. "beshy mauna na akong pumasok sayo" narinig ko pang sabi nya. Hindi naman sya pinapasok ng kaibigan nya, hinawakan nito ang kanyang kamay.
"hi girls. Wag kayong maniniwala sa kung ano mang sasabihin nito playboy yan..hahaha" natatawang sabi ni louie. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Hindi ko din kasi alam kung pano papasok sa usapan. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa alam kung anong reason kung bakit nawala agad yong issue.
"wag mo naman akong siraan sa kanila tol"
"halina kayo kailangan nating mag ensayo." Singit ko. Hindi ko na kasi mapigilang tumitig sa kanya baka kung ano pang mangyari.
"beshy pasok na tayo andyan na si maam" halata din namang umiiwas sya.
"sige mauna na kami sa inyo" yong beshy nya.
"ok alis na din naman kami basta yong sinabi ko goodluck sa inyo" Tango lang ang isinagot nilang dalawa.
"ano na namang tinanong mo sa kanila tol may pagodluck good luck ka pang nalalaman." Si louie.
"gumagana na naman ang pagiging chickboy mo mike" sabi ko sa kanya.
"hindi auh! Kayo talaga hi ndi ba pwedeng nakikitanong lang" sya.
"wag ka na, mga palusot mong bulok..hahaha.." louie
"wag mong pilitin baka umamin tol" sabi ko. Hahaha! Buti na lang hindi pikon ang isang to.
"sino bang pinopormahan mo don tol?" tanong ni louie habang tumatawa.
"wala nga" wala raw pero nakangiti.
"yong maganda ba?" mausyoso talaga ang lalaking to. "baka naman si lorain?"
"sinong lorain?" nagtatakang tanong nya.
"yong babaeng kasama ni ganda" maganda naman si lorain diba? "kaya lang tol wala ka ng pag-asa don patay na patay yon ditto kay raven eh..hahaha" tuumawa na naman sya.
"kung bigwasan kaya kita dyan? Gumagawa ka na naman ng issue" naiinis kong sabi.
"kilala nyo pala yon?"mike
"easy ka lang...hahaha"louie
"ayaw ko na ng gulo" ako.
"oo"sagot naman ni louie. "sya kaya yong kahalikan ni raven" Hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
"talaga tol?" wag mong sabihing hindi nya napansin? Sobra naman ata yon.
"oo..hahaha..nakakapagtaka nga eh..isang araw lang yong issue, ay mali hindi nga umabot ng isang araw nawala na agad" louie
Tumingin naman sa akin si mike.
"hindi mo naman sya type diba tol? May jaira ka na naman" wag mong sabihi ng type nya talaga yon?
"type mo talaga yon tol? Nagjojoke lang ako eh" natigil din sa pagtawa si louie.
"wala naman akong sinabi." Bakit parang may kirot akong naramdaman? Hindi pa naman kami ganun ka kilala.
"Bilisan nyo na, praktis na tayo" sabi ko sa kanilang dalawa. "LETS practice" sigaw ko sa loob ng gym.
"anong nangyari don?" narinig ko pang tanong ni mike. Iling lang ang nasagot ni louie. Hindi to pwede.
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
RomanceTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...
