Chapte 21
Lorain
"kaya ngayon pati magulang ng tatlong bata dinamay mo?" sya ang pumaty kina mommy?
"hahaha..gantihan lang yan"
"kapag naghiganti po ba kayo magiging okay naba ang lahat?" tanong ko. Hindi ko maiwasang sumingit.
"lorain!" saway ni kuya dave
"bakit kuya? Total narito na naman tayong lahat bakit hindi na lang natin pag-usapan" napatingin ako sa taong itinuring kong ama. "dad, ay mali pala. Lolo. Please"
"anong gusto mong malaman iha?" singit ni lolo jack. "ako ang pumatay sa mga magulang mo at ako rin ang nag-utos na ipapatay ka ng araw na tumakbo ka palabas ng gym"
Flashback
"lolo jack bakit po kayo narito?" tanong ko.
"may hinihintay lang ako" sagot nya. "kamusta ka naman? Mukhang Masaya ka ta ngayon?"
"napansin nyo pala lo?" ngumiti ako sa kanya. "manonood po ako ng laban nina raven alam nyo naman po na idol ko yon"
"inlove ka nab a iha?"
"hindi kop o alam lo..basta ang alam ko Masaya ako kapag kasama ko sya"
"ikaw talaga..oh sya iha maiwan na muna kita"
"sige lo papasok na rin ako sa gym mukhang magsisimula nap o yong laro" paalam ko sa kanya.
Hindi ko na magawa pang pumasok sa loob. Naninikip ang dibdib ko. Akala ko ba kami na? Bakit may kahalikan syang iba? Laro lang ba ang lahat? Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili. Tumakbo ako sa labas. Alam kong hinahabol ako ni raven pero hindi ko sya magawang lingunin. Natatakot ako. Natatakot akong malaman ang totoo.
Nakita ko si lolo jack nakangiti sa akin. Ngiting hindi ko maipaliwanag. Bago ko pa sya mapuntahan may mga kalalakihang lumapit sa akin. "miss sumama ka ng maayos kung ayaw mong masaktan" sabi ng isa.
"kamusta ka lorain? Masakit ba? Pasensya ka na ha?"
"lolo jack tulungan mo ako"
"hindi pwede iha. Sige dalhin nyo nay an" wala akong nagawa kung hindi umiyak. Naaalala ko na ang tagpong yon.
End of Flashback
"walang hiya ka talaga" sigaw ni kuya Darwin.
"patahimikin yan" sigaw ni lolo jack. Napatingin kaming lahat sa kanya. Wag mong sabihing papatayin nila si kuya.
"lolo jack maawa po kayo" ako.
"wag ang apo ko. Ako na lang" si lolo/daddy. "nakaganti ka na diba, nawala na ang mga magulang nila"
"kulang pa yon sa hirap na dinanas ko."
"buhay ang apo mo" biglang sabi ng lolo ni raven. Kanina pa sya tahimik kaya lahat napatingin sa kanya ng magsalita ito.. "buhay sya, buhay na buhay"
"anong ibig mong sabihin? Niloloko mo ba ako?" lolo jack.
" pinagpalit namin ang mga bata"
"kung ganon nasan ang apo ko?" biglang bumukas ang pintuan.
"walang kikilos ng masama"raven?
"apo bakit kayo narito? Diba sinabi ko sa inyo lumayo kayo sa gulo" galit na sigaw ng lolo nina raven.
Raven
"walang kikilos ng masama" sabi ko pagkatapos kung buksan ang pintuan. Ginala ko ang akong mga mata sa paligid.
"apo bakit kayo narito? Diba sinabi ko sa inyo lumayo kayo sa gulo" sigaw ni lolo. Bakit sya narito?
"lolo nike? Lolo jack? Lolo nilo?"singit ni seph.
"anong ibig sabihin nito lolo?" tanong ko. "bakit ganun na lang kayo kung magalit?" nakita ko si marlon inanguan ko lang sya. I know his on our side.
"mabuti naman at dumating na kayo hindi nap ala naming kailangang maghanap" nakangiting sabi ng isang matanda. Sya siguro si lolo jack na sinasabi ni seph. Kilala ko ang lolo ni rain. "at nagtawag ka pa pala ng kasama" may kamukha sya hindi ko lang matandaan kung sino.
"lolo" may babaeng tumawag.
"what are you doing here?"galit nyang tanong. Maglolo pala sila.
"jacky? So totoo nga?" nalulungkot na sabi ni rain. They're good friends back then.
"oi kamusta kayo? May reunion pala ngayon.?" Natatawang sabi nya. "hai raven" sabay halik sa sa akin.
"pwede ba tumigil ka" sigaw ko sa kanya.
"why? Don't you like it?" nanunukso nyang sabi.
"kahit kalian hindi kita magugustuhan"
"ouch" tila nasasaktan nyang sagot.
"kalian ko pa sinabin pwede kang pumunta ditto?" napatingin si jacky sa lolo nya.
"its boring outside..dito Masaya" hindi nya man lang pinansing galit na ang matanda.
"hindi mo na kailangang hanapin ang apo mo, nasa harapan mo na sya" singit ni lolo. Hindi ko maintindihan kong anong pinag-uusapan nila.
"what do you mean?" nagtatakang tanong nito.
"the girl your talking to is your grand daughter" lolo na ni rain ang sumagot.
"hindi yon maari. Inampon ko lang sya"
"sinadya naming ang lahat" lolo ni rain. Kalian pa ba matatapos ang gulong to?
"hindi ito maaari..papatayin ko kayong lahat" sigaw nya at tinutok ang baril nya sa amin ni seph.
"wag" sigaw ni lorain at tumakbo sa harap ko. Hindi ko na alam kung pano sya nakawala. Hindi ko inaasahan ang buong pangyayari.
"rain. Rain. Raaaaiiiiiinnnnn" sigaw ko. Nagkagulo na ang lahat.
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
Roman d'amourTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...
