Lorain
"lovey ditto tayo. Dali" tinatawag ako ng batang babae. Hindi ko na maalala ang kanyang pangalan. Shine si sunny dalhin mo ditto. bakit sya lang ang hindi ko matandaan?
"lovey, congrats. Kayo na pala?" sinong kami? Bakit may mga bagay ngayon na hindi ko alam na nangyayari pala?
"i love you" isang pangitain na naman ang aking nakita. Hindi ko sya kilala. Familiar sya.
"go san pedro high school...go! go! Go!" sigaw ng mga kababaihan.
Asan na ba ako?
"sis?"
"asan ang kapatid ko?" nagising ako na mga boses ni kuya ang naririnig ko.
"huminahon lang po kayo sir nahimatay lang po sya"
"asan si shine?"
"kakaalis lang po sir. May tinawagan po sya hindi pa po nakakabalik"
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Magkakilala ba sila? Gusto kong magtanong pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa kung ano mang maririnig ko.
"sir sa tingin ko po bumabalik na ang alaala nya" natigilan ako. Ako pa rin ba ang pinag-uusapan nila. Hanggang sa nakatulogan ko na lang ang isiping iyon.
Dave
Hindi pa ako tapos magturo ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Sino na naman kayang tumatawag?
"excuse class." Sabi ko saka ko sinagot ang tawag. "please continue answering the activity"
"hello..napatawag ka?----anong nagyari sa kapatid ko? Papunta na ako" saka ko binaba ang tawag. Bumalik ako sa loob ng klase ko. "ill dismiss you early please continue the activity at your home"
"yes" sigaw ng mga estudyante. Hindi ko sila pinansin. Natatakot ako sa kung anong mangyayari ngayon.
"good day class"
"good day and thank you sir" nauna pa akong lumabas sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Darwin.
"Darwin pumunta ka sa san pedro univ. Sa clinic. Si lovey. Mamaya ko na sasabihin sayo magkita na lang tayo." Hindi ko sya hinayaang sumagot. Nagmamadali na akong umalis sumakay sa kotse ko.
"kuya anong nangyari?" bungad agad ni Darwin sa akin
"nahimatay raw sya. Sumasakit daw ang ulo nya"
"pumasok na tayo kuya" binuksan ko ang pintuan."sis?"
"asan ang kapatid ko?" tanong ko agad pagpasok ko. Nilapitan naming sya.
"huminahon lang po kayo sir nahimatay lang po sya"
"asan si shine?" tanong ko. Sya kasi yong tumawag sa akin.
"kakaalis lang po sir. May tinawagan po sya hindi pa po nakakabalik" kanina pa yon tumawag sa akin.
"sir sa tingin ko po bumabalik na ang alaala nya" natigilan kaming pareho. Buti na lang tulog pa sya.
"pano mo naman nasabi?"
"hindi po kasi si shine ang naghatid sa kanya ditto."
"sino?" tanong ko. Baka si raven na naman. Ito na nga bang sinasabi ko.
"kuya"
"alam ko..di magtatagal sasabihin na natin sa kanya nag lahat"
"si Jacky po si sir"
"sinong jacky?"
"kuya baka yong pumuntang America?"
"shit!"

BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
RomanceTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...