Lorain
"Nakakainis! Nakakainis! Gwapo nga..este...hindi pala gwapo ubod ng gwapo..auh..mas gwapo pa din si Raven sa kanya mabait pa"
Memories are fading
Good times and bad times we're together
I'm longing for your love
Longing for your affection
"sino kaya tong tumatawag?" sabay kuha ng cellphone sa bag. Pagtingin ko sa cellphone. Oh my Gee..si kuya Dave..alam na kaya nya yong nangyari? Anong gagawin ko? Kinakabahan kong sinagot ang tawag ni kuya.. "hello kuya..napatawag ka?..wala akong pasok ngayong umaga mamayang 1pm pa, bakit kuya" tiningnan ko yong orasan 12 na pala "ok ...see you there kuya..bye" kala ko kung ano na kakain lang pala kami..yes! libre ang lunch ko..hehe..
Memories are fading
Good times and bad times
Bago ko pa mabalik ang cp sa bag may tumawag na naman akala ko si kuya si beshy lang pala. "oh beshy napatawag ka?..lunch..kasama ko si kuya papunta na nga ako don..sasabay kayo?..ok..see you there..bye"
Kung nagtatanong kayo kung anong work ng mga kuya ko, kuya Dave is a teacher San Pedro din sya nagtuturo pero nasa elementary department sya at hindi kami nagkikita kasi malayo. Si kuya Darwin naman engineer yon, matalino sa math at magaling pang gumuhit..kabaliktaran ako ng mga kuya ko boplaks ako sa math..hehe..kaya English major kinuha ko, same with beshy, si marlon naman magiging businessman yan tagapagmana eh..
Narito napala ako sa resto nakita ko na nga si kuya Dave. "hi kuya" batik o sabay halik sa pisngi nya.
"late ka na naman" heto na naman tayo
"kuya ilang minute lang yon" eto pa pala conservative yan sa oras. "at maaga ka lang talaga" sabay ngiti ko sa kanya. Iiling-iling na lang sya.
"kahit kalian ka talagang bata ka kalian ka kaya magtitino?"
"hindi na ko bata kuya, tingnan mo college na ako at isa pa matino na ako" hahaba na naman ang usapan nito "Sasabay daw sa atin sina Beshy kuya" pag-iiba ko. "si kuya Darwin pala kuya hindi sasabay?"
"yong bestfriend mong sobrang ingay" wag kayo gusto nya si beshy but not in a romantic way, good influence daw kasi yon..kung alam nya lang. "papunta na sya and speaking of him nariyan na sya kasama yong dalawa mong friends" lumingon ako sa may pintuan nakatalikod kasi ako kaya hindi ko nakikita kung sino ang mga pumapasok.
"bro sorry na late loaded kasi sa trabaho" sabi ko sa inyo pati nga si kuya Darwin takot dyan.hehe "hi sis..kumusta"
"i'm fine kuya" hinalikan ko din sya sa pisngi. Kung wala lang yong asungot.sa isip ko lang yan baka malaman pa ni kuya dave "how about you kuya?" balik tanong ko sa kanya.
"hi beshy..kuya dave" bati ni beshy ko.
"hi bro" Si marlon yan close kasi ang dalawang yan sa mga kapatid ko.
Tinanguan lang sila ni kuya.
"busy sis..daming paper works" sagot ni kuya Darwin
"don't push yourself too much" kuya dave "let's take our order may klase pa ako"
"we too" sabat ko.
Tinawag na naming yong waiter tahimik po kaming kumain alam nyo na kung bakit, hehe.
Raven
"babe ditto na lang tayo kumain" sabi k okay jaira.
"sure babe" pag-sang ayon nya.
Tiningnan ko ang mga kasama ko "dito na lang tayo kumain 12 na may klase pa tayo" sabi ko sa kanila. Good boy kasi kami..
"sure captain..alam naman naming gutom ka na..hehe" that's Louie, hindi ko alam kung pano ko nakasundo ang lalaking to minsan di mo maintindihan.
"gutom na gutom sa pagmamahal ni Jaira" sabat naman ni mike.
"kayo talaga puro kayo kalokohan pumasok na nga lang tayo" sabay iling ko. "let's go babe, pasensya ka na sa mga yan wala lang yang magawa"
"i'ts ok babe sanay na ako sa mga yan" natatawang sagot ni jaira.
Wala masyadong tao sa resto medyo mayo din kasi to sa school pero masarap ang mga pagkain. "let's take our order" gutom na ako hindi pa ako nakapagbreakfast. "anong sayo babe?"
"anything babe" jaira.
"tol mukhang tinadhana talaga na magtagpo kayo dito" tiningnan ko kung saan nakatingin si louie. Yong mga taga St. David pala narito din.
"ano naming mayron sa kanila? Kumain na nga lang tayo, gutom na ako" wala naman akong sama ng loob sa kabilang school.
"saan ka ba tumitingin tol? Hindi naman sila yong sinasabi ko" sino bang tinutukoy nito st. David lang naman kilala ko. "yong babaeng sinasabi ko sayo tol, ayon oh" sabay turo nya.
"babe sinong tinuturo ni louie" hindi kasi narinig ni jaira ang pinag-uusapan naming dalawa. Louie knows na selosa ang isang to.
"yong kalabang team naming kanina babe..why?" saka ko tiningnan ng masama si louie.
"nothing babe, let's eat" Jaira.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi ko na napansin ang babaeng tinutukoy ni Louie nakatalikod kasi sya sa gawi namin.
Seph
Mukhang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana akalain mo yon nandito pala yong nakalaban naming team at may bonus pang kasama I Saw also the girl na tinamaan ko ng bola, si maldita girl at hindi sya nag-iisa may mga kasama pa sya.
"anong nginingiti-ngiti mo dyan captain? May nakita kang maganda?" Vin
"there here Vin" maco
"who?" vin
"the San Pedro boys" maco
"yong team na nakatalo sa atin?"
"yup"
"kung alam lang nila"
"tumahimik na kayong dalawa at umorder may pasok pa tayo" tsk! Bakit ang ganda nyang tingnan kapag ngumingiti? "ano ba tong iniisip ko?"
"bakit captain ano bang iniisip mo?" tanong ni Vin sabay tingin sa gawi ng tinitingnan ko. "crush mo yong babaeng kasama ng San Pedro captain?" tanong nya pa. Sa isip ko lang sana yon eh.
"maaganda naman talaga kasi captain" maco
"Tsk! Let's eat" sabi ko na lang. Ano bang ginagawa mong babae ka?
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
Lãng mạnTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...
