Chapter 18
Lorain
"ano ba talaga ang nangyayari?" bago pa sila makaalis gumising na ako. Kailangan ko ng malaman ang totoo. Oo nakakaalala na ako pero hindi yon yong tinatago nila eh. Napatigil sila sa pag-uusap. Nakatingin lang ako sa kanila naghihintay ng sagot."mom? Dad? Anong tinatago nyo? Bakit ayaw nyong malaman ko na pumunta kayo?" naiiyak kong sabi.
"anak" hindi ata nila inaasahan na gising ako.
"rain" my mom call me.
"3 taon nyo po akong niloko. Akala ko wala na talaga akong magulang."
"anak, were sorry pero para sa iyo din yong ginawa namin"
"nakatulong ba mom?" hindi ko maiwasang mainis. Oo! Para sa ikabubuti ko nga ang ginawa nila may naidulot ba?
"lovey rain, gumalang ka" sita ni kuya.
"kalian ka pa natutong sumagot?" si dad.
"anak" nalulungkot na sabi ni mom. Hindi ko sila sinagot. Hindi naman ako galit naiinis lang talaga ako.
"nasan si raven?"
"hindi sya dumalaw" kuya dave.
"gusto ko syang Makita" sabi ko.
"hindi pwede" dad
"bakit?"
"baka nakakalimutan mo sya ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan" dad
"anak, please" mom.
"okay kayo naman palagi ang nasusunod eh. Simula pa noon" pagtatampo ko. "kahit nung hindi ako makaalala" tiningnan ko sila kuya.
"layuan mo ang lalaking yon"
"but dad—"
"and that's final" tiningnan nya sina kuya "bantayan nyo ang kapatid nyong yan"
"hon"
"para rin sa kanya yan. Im sure sinabihan na yon ng lolo nila kung ayaw nilang magulo ang buhay nila lalayo sila" natigilan ako. Kaya pala.
"anak aalis na kami" hindi ko sila inimik. Tumalikod ako.
"lorain" si kuya Darwin. Nasasaktan ako. Hindi na umimik si mom umalis na lang sila ni dad.
"hindi mo sana ginawa yon" nagsimula ng magser on si kuya dave.
"tsk! Oo na ako na may mali kuya palagi naman pasensya na hindi kasi ako nakikinig sa inyo eh"
"lorain sumusobra ka na" kuya Darwin. Minsan lang magalit si kuya Darwin kaya tumahimik na lang ako.
"lorain para sa iyo itong ginagawa namin" kuya dave.
"i know. Kalian ba naman hindi kuya. Naiintindihan ko kayo ang hindi ko maintindihan is bakit may mga bagay na tinatago kayo sa akin." Tumahimik sila. "noon akala ko si shine bestfriend ko pinsan ko din pala sya" napatitig ako sa kanila. "kuya please hindi ako magagalit sa inyo.
Darwin
Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan ng dalawa kong kapatid ayaw ko ng makisawsaw pa alam na naman ni kuya kung anong sasabihin nya.
"lorain hindi dapat ako ang magsasabi sayo nito narinig mo naman si dad kanina diba?" kuya dave.
"gusto ko ng malaman ang totoo kuya, alam ko naman na hindi lang ito tungkol sa pagkawala ng alaala ko"
Kahit strikto kasi si kuya dave pagdating naman kay lorain lumalambot yan. Mahal na mahal kasi naming kahit pasaway kung minsan.
"all right sana pagkatapos nito malinawan ka din"
"kuya bakit ganon na lang kung paglayuin kamin ni raven? May mali ba sa amin?"
"walang mali sa inyo, sa kanila ang meron. Ang mga lolo natin"
"anong meron sa kanila kuya? Hindi ko pa nga nakikita si lolo"
"si dad si lolo"
"what?" halatang nabigla si rain sa kanyang narinig. ako nga rin nung una hindi din makapaniwala.
"our parents died when we were young, hindi din ito alam ni Darwin. Hanggang sanakasanayan na lang na tawagin silang dad and mom"
"but why kuya?"
"ayaw nilang lumaki tayo ng walang magulang"
"anong kinalaman nina raven ditto kuya?"
"dahil sa lolo nila nawala ang mga magulang natin"
"are you sure kuya?"
"oo. Maraming ebidensyang nakuha si dad"
"yun lang ba yon kuya?
"no. You isla de san pedro?"
"hin—booogsh" hindi na natapos ni lovey ang kanyang tanong bigls kasing bumukas ang pintuan.
Raven
"pwede ko na bang marinig ang sasbihin nyo?"
"captain sobrang yaman pala ng family ni lorain akalain mo yon"
"alam ko na yan"
"talaga captain? Akala ko noon mahirap lang sya kay ng sy pinagtitripan ng mga estudyante"
"yan lang ba ipinunta nyo ditto?" naiiria kong tanong.
"no captain, bago kami pumunta ditto may dinaanan kami----"
"tapos?"
"patapusi mo kaya muna" seph
"tsk"
"yon nga louie kaw na magkwento ikaw naman talaga nakarinig"
"papatayin sila" diritsahang sabi no louie.
"grabe ka naman lou wala man lang suspense" mike
"tsk. Sinong sila?" ako.
"ang mga san pedro" mike.
"akala ko ba ako magsasabi bat sumisingit ka?" reklamo ni louie.
"pwede ba wag nga kayong magbiro ng ganyan"seph.
"totoo yon narinig naming yon captain ng papunta na kami ditto"
"kanino nyo narinig?"tanong ko. Kinakabahan na ako.
"kay jacky" sagot nila.
"shit! Ang babae na namang yon" si seph "tol san ka pupunta?"
"sa ospital kailangan ko syang Makita bago mahuli ang lahat" saka ako tumakbo palabas.
"sama kami" sigaw nila sabay sunod sa akin.
Hindi ko gusto ang iniisip ko. Natatakot ako hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
RomanceTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...
