Chapter 1

341 6 0
                                    

Lorain

Napagod lang ako kakatakbo yon naman pala walang pasok. Alam mo bang yong energy mo nasa pinakataas na at pagdating mo bigla na lang sasabihing wala si sir may sakit to think na nasa 4th floor ang klase ko. Nahagard tuloy ang beauty ko. sandali lang meron ba ako non? haha.. Masyado ko atang binababa sarili ko. San kaya pwedeng tumambay? aha! tama! sa library, hindi ko pa napupuntahan yon eh. Naninibago pa rin ako dito sa bago kong school.

Ako nga pala si Lovey Rain T. San Pedro but they called me Lorain. May dalawa akong kapatid si kuya Dave at kuya Darwin. Pareho na silang may trabaho ako na lang yong nag-aaral. Sa Koronadal City pala kami nakatira. Nag-iisang babae lang ako at syempre ako ang bunso.

"Lorain" isang malakas na sigaw ang narinig ko. Lahat tuloy ng tao napatingin sa gawi ko. Nakakahiya talaga tong bestfriend ko kung makasigaw parang wala ng bukas. Nakangiti syang lumapit sa akin. "I miss you beshy" sabay yapos sa nya.

"tsk! Makasigaw wagas beshy? Hindi ka na nahiya?"

"parang hindi ka na nasanay sa isang yan" sabay akbay kay beshy. Siniko naman sya nung isa sa tagiliran. "aray babe" reklamo ni Marlon.

Nasa iisang university lang pala kami nag-aaral. San Pedro Univ. Magkasintahan yang dalawang yan. Beshy is my childhood friend. she's Sunshine Martinez. Simula pagkabata magkasama na kami. Si marlon naman high school na namin nakilala. Silang dalawa ang matuturing kong pangalawang pamilya.

Naiingit ako sa kanilang dalawa, buti pa sila Masaya ang lovelife ako eto NBSB pa rin. Wala kasi talagang nanliligaw sa akin kahit isa at yun yong ikinakasama ng loob ko. Alam ko namang hindi ako kagandahan at hindi rin ako sikat pero mabait naman ako, mabait pag tulog. Hehe.

"wala si sir beshy, gala tayo"

"hindi ako pwede beshy, may gagawin pa ako"

"ano namang gagawin mo?"

"magbabasa ng libro" walang gana kong sagot.

"tsk!tsk! kaya wala kang lovelife beshy eh, palagi kang nasa libro nakatunganga, diba babe?" tumango lang si Marlon.

"Alam nyo namang kailangan kong mag-aral ng mabuti" Hindi ko naman makakasama ang dalawang yan kung hind dahil sa scholarship.

"oo na, oo na. Sa susunod na lang" magtatampo na naman to panigurado."pero sa susunod kailangan mo ng sumama beshy bawal ang tumanggi"

"oo na"

"promise?"

"promise"

"kayong dalawa, hindi pa ba kayo matatapos dyan?" kahit kalian mainipin pa rin ang isang to.

"di ka pa rin nagbabago mr. bugnutin" ang bilis kasi nyang mainip.

"tara na babe, mukhang uusok na yang ilong mo" sabi ni beshy, ginatungan pa yong sinabi ko. hehe.

"ingatan mo yan, kung hindi malalagot ka sa akin."

"opo nanay. Alam ko na po yan."

"naninigurado lang" sabay ngiti ko sa kanya. "o sya lumayas na kayo" pagtataboy ko.

"bye beshy, see you later"

"bye" hinintay ko muna silang maglaho bago ako pumuntang gym.

Raven POV

"anak gumising kana, malelate ka na"

"anong oras na mom?"

"8 am na anak"

"shit! may laro pa ako mom. mamayang hapon pa klase ko" dali-dali akong naligo. Pagtingin ko sa cp ko, shit! daming missed calls. Patay ako kay coach nito.

"bakit ngayon ka lang? alam mo ba kung anong oras na?" eto na nga bang sinasabi ko."Raven, captain ka tapos ikaw pa ang nalate?" hindi porket captain ako hindi na ako malelate. "50 push ups" tsk! bakit kasi napasarap ang tulog ko naparusahan tuloy.

"coach?" baka pwedeng tumawad, napagod na ako sa pagmamaali ko tapos may parusa pa, langya!

"mag-umpisa ka na kung ayaw mong dagdagan ko pa yan" tinawanan lang ako ng mga ugok sa gilid. Mabait naman yan si coach pag wala sa laro.

Raven Domingo is my name, junior college na ako.

"oh tol, congrat's" that's louie my best budd. "bakit ka ba nalate? alam mo namang may laro" hindi naman ito unang beses na nalate ako. Iba lang kasi ngayon, may laban kami sa kabilang school.

"napasarap tulog" walang gana kong sagot.

"louie Martinez bakit nariyan ka pa? gusto mo ring maparusahan?" sigaw ni coach.

"sige tol maiwan na muna kita baka maging halimaw na si coach" halimaw naman talaga yan. sa isip ko lang yan baka madagdagan pa tong push up ko.



Stalking The Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon