lorain
"good morning babe"
"sinong babe mo?" naiinis kong tanong.
"sino pa edi ikaw. Ikaw lang naman ang tao ditto" nakangiti nyang sagot.
"ewan ko sayo". Iniwan ko sya don.
"hoy girlfriend" sigaw nya. Hindi ako lumingon. "girlfriend naman binibiro lang kita eh" naabutan nya ako.
"hmp." Umupo ako sa damuhan. Narito kami ngayon sa likod ng puno.
"wag ka ng magtampo" ngumiti sya. Ngiti nya pa lang nakakainlove na. Napangiti din tuloy ako. "sinasabi ko na nga ba hindi mo rin ako matitiis."
"oo na. Ngiti mo pa lang nakakainlove na"
"kaya patay na patay ka sa akin eh"
"mayabang ka talaga" hay totoo naman kasi. "ikaw kaya ang patay na patay sa akin may patama tama ka pa ng bola sinadya mo naman pala." Nakangisi kong sabi sa kanya.
"tsk! Sana di ko na lang sinabi sayo"
"haha sana nga sinabi mo ng maaga na may gusto ka"
"nakakahiya kaya yon."
"at kalian ka pa nahiya? Sikat ka kaya lalo na sa mga babae"
"iba naman yon. Iba na kapag ang taong mahal mo na ang kausap mo nagiging torpe ka na"
"hahaha, kaya pala"
"first year pa lang kaya kayo crush na kita kaya lang hindi ka malapitan"
"ang bata ko pa kaya non"
"ano namang pinagkaiba ngayon? Isang taon lang naman ang lumipas"
"ako naman yong baliw na baliw kasusunod sayo"
"kaya pala palagi kitang nakikita"
"hindi mo naman ako makikita kung hindi mo ako hinahanap..hehe"
"ikaw talaga" ang sarap balikan ng nakaraan. Raven asan ka naba? Sana dumating ka na.
"mabuti naman at gising na kayo?" napatigil ako sa pagbabaliktanaw ng may biglang nagsalita. Napatingin ako sa kanya. Lolo jack? Pagtingin ko kina kuya nagtataka din sila. Akala ko ba si jacky?
"anong ibig sabihin nito lolo jack?" tanong ni kuya dave.
"lolo?" nasambit ko na lang bigla. Nabaling tuloy ang atensyon nya sa akin.
"kamusta kana lorain? Long time no see" napatingin sina kuya sa akin. Tinging may pagtataka.
"magkakilala kayo?" tanong ni kuya Darwin.
"oh bakit ganyan ang mga tingin nyo sa akin?" nakangisi nyang tanong.
"kuya may dapat pa ba akong malaman?" tanong ko sa kanila. Hindi ako pinansin ni kuya.
"bakit mo to ginagawa?"
"bakit gusto mo talagang malaman?"
"sagutin mo na lang ang tanong ko" sigaw ni kuya dave.
"wala kang karapatang sigawan ako" sigaw nya pabalik kay kuya. "saktan nyo yan" utos nya sa mga lalaking kasama nya.
"lolo jack wag po" pagmamakaawa ko sa kanya.
"tumahimik ka" turo nya sa akin.
"lorain okay lang ako"
"kuya" hindi ko maiwasang umiyak.
"tawagin nyo si marlon" utos nya. Napatahimik ako. Marlon? Pati ba naman ikaw? Akala ko ba? Hindi ko na talaga mapigilng umiyak. Lahat na lang ban g taong mahalaga sa akin paglilihiman ako. Si sunny kaya? Hindi ko na rin sya nakikita.
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
RomanceTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...