Chapter 19

127 1 0
                                        

Lorain

Bigla na lang bumukas ang pintuan at biglang pumasok ang limang kalalakihan.

"sino kayo?" tanong ni kuya dave. Lumapit na si kuya Darwin sa amin nakatago ako sa likod ng mga kuya ko.

"kuya" natatakot kong tawag sa kanila.

"dyan ka lang"bulong ni kuya Darwin.

"sumama kayo kung ayaw nyong masaktan" sabay hablot sa aming tatlo. Hindi kami makalaban. Pano nakapasok sa ospital na ito ang mga taong may dalang mga armas.

"anong kailangan nyo sa amin?" tanong ulit ni kuya dave. Gusto kong lumaban kami pero alam kung hindi pwede lalot may mga armas silang lahat.

"wala ng maraming tanong. Lakad!" sigaw ng lalaking pinakamalaki sa kanila. Sya siguro ang pasimuno nito.

"maawa po kayo sa amin" pagmamakaawa ko.

"lorain anong ginagawa mo?" kuya Darwin.

"hindi nayan uso ngayon miss." Sagot naman ng isa.

"pera ba? Magbibigay kahit magkano doble pa sa ibinayad ng amo nyo" kuya dave.

"5 million kaya mo ba?" tanong ng isa pang lalaki.

"kahit sampung million pa yan" sagot ni kuya dave.

"pare mas malaki makukuha natin ditto sa kanya." Sabi naman ng isa pang lalaki.

"oo nga no?" sabat naman ng isa.

"payag naba kayo?"

"hindi! Ano kami uto-uto? Baka tumawag pa kayo ng pulis at makulong pa kami." Hanggang sa nakaabot na kami sa labas ng ospital ayawpa rin nilang pumayag. Walang tao ang tumulong sa amin kahit isa takot din sila. Hindi lang pala limang tao ang nanloob sa ospital.

"kuya ano na ba ang nangyayari? Bakit ganito?" gusto kong umiyak.

"hindi ko alam kung sino ang mga taong to Lovey. Ang alam ko lang nasa panganib tayo. Pasensya ka na ha hindi ka maipagtatangol ni kuya." Kuya dave.

"kuya naman eh..ano namang laban natin dyan. Mabuti sana kung tatlo lang yan magaling naman kayong lumaban ni kuya Darwin." Sagot ko.

"baka mapahamak lang tayo kung lalaban pa tayo ang dami nila."sabat naman ni kuya Darwin.

"anong binubulong-bulong nyo dyan?" tumahimik naman kami. Sumama naman kami ng maayos. Siguraduhin lang nila na magagawa nila ng maayos ang trabaho nila kung hindi malalagot sila.

"pasok!" sigaw ng malaking mama. "bantayan nyong mabuti ang mga yan. Itali nyo na. Tatawagan ko na si maam jacky" sabay alis nya.

Jacky? Ikaw na naman ba ang magiging dahilan ng lahat?

"umayos kayo kung ayaw nyong maagang bawian ng buhay" nagbabantay.

Raven

"captain pano kayo nagkakilala ni lorain?" team mate ko.

"mahabang kwento" sagot ko. Hindi na ako ang nagmaneho natakot ata sila na mamatay ng maaga. Sana umabot pa kami.

"hahaahaha" si seph. Ano na naman kayang iniisip nito?

"anong nakakatawa captain?" tanong ng team mate nya.

"wala may naalala lang" sagot nya.

"tsk!"

"captain kaano ano mo sya?" team mate ko.

"ex" sagot ni seph.

"ex?" sigaw nila.

Stalking The Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon