Chapter 5
Lorain
"Hi girlfriend" nabigla ako ng may kumalabit sa akin at sinabi ang mga katagang yan. Isang tao lang naman ang naaalala kung tumawag sa akin ng ganun "kaya pala ayaw mong makipagdate dahil may kasama kang iba" nalintikan na, tama nga yung iniisip ko yung walang hiyang nambato sa akin ng bola buti na lang at wala na sila kuya.
"beshy boyfriend mo ang captain ng St. David? Kalian pa?" eto na naman po ang bestfriend kong naka megaphone lahat tuloy napatingin sa gawi naming, kung pwede lang lumubog dahil sa kahihiyan ginawa ko na.
"lorain kailan pa yan?" si marlon.
Oh My Gee! Narito pala sina Raven? Ano na lang ang iisipin nya?
"pwede ba tumahimik kayong dalawa! Pano ko magiging boyfriend ang lalaking hindi ko nga kilala?" Nakakainis! Sino ba to? Bakit hindi ko kilala?
"girlfriend dinedeny mo na ako? Huhuhu... ang sama mo naman" sya na kunwaring umiiyak.
"Mister pwede ba hindi kita kilala kaya tumahimik ka dyan" tumayo na ako. I hate this guy.
"sandali lang naman"
"bakit ba?"
"ang maldita mo talaga" tsk! Nakangiti pa sya habang sinasabi yan. Walang-hiya! Hindi ko sya pinansin at naglakad na ako palabas sumunod naman yong dalawa.
"babe mauna na ako...lorain we'll talk later" patay talaga ako ni kuya siguradong sasabihin nya yon.
"Beshy! Beshy! Naka jackpot ka don auh! Gwapo na sikat pa at bonus ng mayaman sya" nagtitli sya na parang baliw. Buti pa sya Masaya.
"eh di kayo na lang" naiinis kong sabi. "sinong magkakagusto don ang sama kaya ng ugali" maldita pala huh!
"ahmp..beshy naman eh! Alam mo namang hindi na pwede yon.." inlove kasi. "sabi mo hindi mo sya kilala bakit nasabi mong masama ang ugali non?"
"kanina ko lang sya nakita dahil natamaan nya ako ng bola. Tapos!"
"hmmmm! Beshy di mo ba talaga sya kilala? Sikat din kaya yon"
"hindi nga eh! Unli lang beshy?"
"hmmmmm!"
"ano namang iniisip mo? Makangiti ka dyan wagas" ako. Hinding-hindi ako magkakagusto don.
"wala lang" tsk!
"bilisan na nga lang natin" sabi ko na lang. Baka kung saan naman umabot ang isip nito.
Sunshine
Hahaha! Ang cute talaga ni beshy pag naiinis. Kaya ang sarap pagtripan eh. Ang gwapo kaya ni Seph kung wala lang akong boyfriend baka matagal ko nang nilandi yon. Di joke lang..hehe.
May bago na akong aabangan, susubaybayan ko ang lovelife nito.
Seph
Pagkatapos kung kumain nilapitan ko yong babaeng maldita. Hindi naman maganda at lalong hindi ko rin type. Tsk! Tsk! Umalis na yong kasama nyang dalawang lalaki at ang sweet lang nila huh..
"hi girlfriend" sabi ko sabay kulbit ko sa kanya. "kaya pala ayaw mong makipagdate sa akin dahil may kasama kang iba" haha! Natutuwa talaga ako pag naiinis sya ang cute nya lang kasi.
"beshy boyfriend mo ang captain ng St. David? Kalian pa?" kaibigan nya siguro to. Ang lakas ng boses.
"lorain kailan pa yan?" sabi naman nong kasama nyang lalaki. Boyfriend siguro nitong babaeng kasama nya sweet kasi sila.
Napansin kong napatingin sya sa gawi ng San Pedro basketball team. Wag mong sabihing maybyfriend sya don? Hindi siguro kasi kung meron dapat sabay sila at may lalaki pa syang kasama knina. Bakit ko ba iniisip ang mga to? Pakialam ko naman sa kanya. Ang goal ko lang naman ay inisin sya.
"pwede ba tumahimik kayong dalawa! Pano ko magiging boyfriend ang lalaking hindi ko nga kilala?" hindi nya ba talaga ako kilala? Sa gwapo kong to?
"girlfriend dinedeny mo na ako? Huhuhu... ang sama mo naman" ako na kunwari umiiyak.
"Mister pwede ba hindi kita kilala kaya tumahimik ka dyan" tumayo sya. Napasobra ba ako? Hindi naman diba? Pakialam ko ba.
"sandali lang naman" pigil ko sa kanya.
"bakit ba?"
"ang maldita mo talaga" Nakangiti kong sabi sa kanya.hindi nya ako pinansin at naglakad palabas ng resto. Ang hot masyado mas lalo tuloy akong natutuwa.
"sino yon tol?" may biglang nagsalita. Nawala tuloy ang ngiti ko. Tsk! Pambihira talaga ang mga lalaking to.
"yon pala type mo captain?" tsismoso!
"captain magsalita ka naman dyan kanina lang ang lapad-lapad ng ngiti mo eh"
"let's go" ayaw kong pag-usapan ang bagay na yon.
Raven
"Captain my girlfriend pala sya? Akala ko ba single yan?"
"bakit tol? Type mo?" natawa tuloy kami sa sinabi ni Louie binatukan tuloy sya ni Mike.
"hon bakit hindi familiar yong girl?" Napatingin tuloy kami kay jaira dahil sa sinabi nya.
"oo nga captain, ganyan pala ang mga tipo nya ngayon?" napaisip tuloy ako. Anon a naman kayang iniisip na lalaking yon
"I don't know. let's go" What happened Seph aren't you move on?
"tol yong girl kanina sya yong sinasabi ko sayo na nakita ko nung naglalaro tayo" louie
"ha?" ako.
"tsk! Yong tinuro ko sayo kanina sya yon"
"sya ba yon?" tanong ko. Hindi ko kasi napansin.
"auh ok!" sabi ko na lang.
"hindi ka ba nagtataka?"
"why would I?" pero sa loob-loob ko I felt something different. Bakit kaya?
BINABASA MO ANG
Stalking The Basketball Player
RomanceTypical lang na babae si Lovey Rain. Hindi sya yung maganda na mapapatingin ka kapag dadaan sya. Isa lang syang simpleng babae na humahanga sa isang basketbolista ng kanilang campus. Isa lang ang kanyang pangarap ang mapansin sya ng lalaking matagal...