Chapter 3

227 7 0
                                    

Lorain

"ouch! aray naman! ano na naman bang tumama sa akin?"

Boogsh! bogsh! boogsh! tunog yan ng bola.

"bola na naman? bakit ang hilig-hilig nilang batuhin ako ng bola?" liming-linga ako. sino na naman kayang bumato sa akin. buti hindi na ako sa ulo tinamaan.

"miss ok ka lang ba"

"ikaw kaya batuhin ko magiging ok ka kaya" walang common sense. sino ba naming magiging ok kung tinamaan aka.

"sorry miss. di ko sinasadya"

"may mababago ba yang sorry mo?" pagtataray ko. hehe. madramahan nga.

"maldita" aba't sya pang may ganang magalit. sino ba tong lalaking to at mukhang ngayon ko lang nakita.

Aalis na sana ako ng may marinig ako.

"Oh Em Gee! ang hot nya talaga" sinong hot?

"oo nga girl. alam mo bang sya yung captain ng St. david."

"talaga?"

"at eto pa girl single yan..ayeeee.lapitan kaya natin"

"sure girl"

pagtingin ko sa dalawang babaeng nag-uusap papunta sila sa direksyon namin, kasama ko pa pala ang lalaking ito.

"Hi Seph" yong dalawang babaeng malandi. sorry for the word may babae bang nasa tamang pag-iisip ang magsusuot ng damit na pati kaluluwa makikita na..tsk! tsk!

Tiningnan ko yong lalaking tinawag nilang Seph, hindi man lang natinag, sya ata tong suplado eh..Maiwan ko na nga ang mga to. lalakad na sana ako ng may humila ng kamay ko.

"girlfriend san ka pupunta? magdadate pa tayo"

"what? girlfriend mo ang babaeng yan? you must be kidding me". yong malandi #1

"are you sure? mas maganda pa kami dyan" reklamo naman ni malandi #2

"ano bang sinsabi mong lalaki ka? ngayon nga lang tayo nagkita tapos sasabihin mong boyfriend mo ko? naloloka ka na ba?" nakakainis tong lalaking to ha, sarap tadyakan, tinamaan na nga ako ng lintik na bolang yan tapos ngayon sasabihin nyang girlfriend nya ako.

"sorry girls ha, may tampuhan kasi kami nito eh" saka nya ko hinila.

"ano ba? pwede bang bitiwan mo yong kamay ko?" reklamo ko.

"miss pwede ba, tumahimik ka muna nakakarindi na yang bunganga mo eh" pigilan nyo ko, matatadyakan ko talaga to.

"ewan ko sayo! akala mo kung sinong gwapo hindi naman"

"bakit maganda ka ba?"

"may sinabi ba ako?"

"wala"

"yon naman pala. dyan ka na nga" this time nakaalis na talaga ako. walang hiya nagkaroon pa ako ng instant boyfriend.

Seph POV

hahaha! sarap talaga inisin ang babaeng yon. ano kayang pangalan nya?

"makangiti wagas? anyare sayo?"

"nariyan na pala kayo? alis na tayo" ako.

"bakit ka nakangiti? may nangyari bang maganda nung wala kami?" Hindi ko pinansin ang mga team mate ko, sa halip lumakad na ako.

Kailangan kong makilala ang babaeng yon..haha..nakakatawa talaga itsura nya pag nagagalit.

"ai..pare deadma si captain.."

Sabay-sabay kaming umalis sa SanPedro Univ. Natalo man kami may maganda namang nangyari.

Raven POV

"tol sya yon, sya yon" Minsan hindi ko maintindihan kung bakit ko naging kaibigan tong si louie."ayon tol oh, yong babaeng kausap ng captain ng kabilang team" lahat kami napatingin sa babaeng tinuro nya.

"babe sino sya?" nakalimutan ko kasama ko pala ngayon si jaira.

"hindi ko kilala babe, louie said sya daw yong babaeng natamaan ng bola ni Mike" saka ko sila tiningnan ng masama, baka kung ano pang masabi ng mga to."let's go babe, i'm hungry" sabi ko pa.

"hungry for what captain?" mike

"pagkain. ano pa ba?" kalokohan na naman ang naiisip ng mga to.

Pagtingin ko sa gawi ng babaeng tinuro ni louie wala na sya, nakaalis na. Now, I remember her.


Stalking The Basketball PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon