ON EARTH: CH 1.1

608 30 34
                                    

CHAPTER 1

The image above is Kiethlyne Empyera.

Kiethlyne's POV.

Bigla akong napabangon at hinahabol ang aking paghinga na tila ba ang panaginip kong iyon ay totoo.

Para akong hinabol ng baliw na aso sa asta ng pagtibok ng puso ko.

*Knock,knock,knock*

Rinig kong tunog sa may pinto ng aking kwarto hanggang sa tuluyan na itong nagbukas at pumasok si Mommy.

Pandalas siya na pumunta sa direction ko ng mapansin ang aking kalagayan at umupo sa gilid ng aking kama.


"Anak ayus ka lang ba, anong nangyari, sabihin mo kay Mommy?" takang tanong nya sa akin.

"M-mom... n-napanaginipan ko n-naman po yung napanaginipan ko nung nakaraan," sabay yakap sa kanya.

"Ganun ba anak, parang nagiging madalas na ang panaginip mong iyan ahh. Pero hayaan mo nalang iyon at wag nang pansinin, panaginip lang iyon," saad nya habang hinihimas himas ang aking likuran.

Kahit sabihin ni Mommy na 'wag nalang yung pansinin ay di parin iyon maalis sa isip ko. Hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil sa paulit-ulit nalang na yun yung napapanaginipan ko. Isa itong bangungut, isang napakasamang panaginip na parang nangyari na sa buhay ko.

"Opo Mom," sambit ko at pinakalma ang sarili ko.

"Bumangon ka na dyan, baka malate ka na, 6:30 na, inihanda na dun ni yaya Myline (may-lin) ang pagkain mo sa may dinning area." Paalala nya sa akin.

Oo nga pala start na naman ng pasukan, dalawang buwang bakasyon, kaya eto ako nasanay nang tanghaling magising.

Profile
Name: Kiethlyne (keyt-lin) Empyera
Age: 15 years old
Mother: Mrs. Evilia (e-vil-ya) Empyera
Father:Mr. Kevil Empyera
Only heir of Empyera Corporation, one of the biggest corporation in the world.

Sabi nila nasa akin na ang lahat, mayaman, maganda at may mapagmahal na pamilya. Pero di ko naman kailangan ang iba diyan. Ayus na sa akin na naadyan sila Mom and Dad.

Ngunit kahit na anong ganda ng aking buhay ay hindi parin maipagkakaila na ang isang katulad ko ay may sekreto. Naging sentro ako ng tukso dahil sa kakaibang kulay ng aking mga mata na animoy galing ako sa ibang planeta. Dumagdag pa ang mga panaginip ko na hindi ko matukoy kung totoo.

Bumangon na ako, first day ko ngayon sa Leurwood (le-yur-wud) Academy kaya dapat hindi ako malate.

Bagong lipat lang kami sa lugar na ito nung isang buwan at ang Leurwood Academy ang pinakamalapit na private academy dito sa mansyon kaya dun ako in-enroll ni Dad. It is one of the top rated academy dito sa Pilipinas.


Nag-intindi na ako, tapos na akong kumain. Tapos narin akong maligo. Nakapagbihis narin at napansin ko ang kagandahan ng uniform ng Leurwood Academy, bagay na bagay sa akin.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon