Kiethlyne's Pov.
Saan na kaya nagpunta yun si Princess. Nakakapagtaka lang kasi, sa mga ganitong pagkakataon never pa syang humiwalay kay Barbie. Tuwing aalis kami, kahit sa pagkain. Lagi kaming magkakasama. At saan naman pupunta yun? Nako, kung ano-ano na naman iniisip ko.
"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko kay Hannah'ng titig na titig sa cellphone nya habang nagtytype.
" Tinetext ko si Princess, masyado naman kasi kung mag-alala si Barbie, wala namang mangyayari dun. Paniguradong nasa tabi-tabi lang yun," tugon nya sa akin. Baka nga nasa tabi tabi lang sya. Mamaya siguro nandito nayun.
" Ray, yung jacket mo!!" sigaw ng isang babaeng may hawak hawak na jacket.
Jacket? Ohhhh, oonga pala. Yung blazer ni Aqui, di ko pa nasasauli. Buti nalang at dala ko ngayon.
"May kukunin lang ako sa tent natin," sabi ko dito. Gusto ko nang ibalik ang blazer ni Aqui hanggat naalala ko pa, baka mamaya makalimutan ko na naman at di ko maisauli.
" Samahan na kita," tugon naman ni Hannah.
" Sige," tumayo na kami at nagtungo sa aming tent.
Pagkadating namin ay dadali dali akong nagtungo sa pinaglagyan ko ng gamit ko at hinalungkal ito. Kinauha ko ang blazer at ibinalik din naman sa ayos ang mga damit ko.
Tinupi ko ng ayos ang blazer at kilik kilik ko itong dinala.
"Yan lang ba ang kukunin mo?" tanong sa akin ni Hannah.
" Yup, isasauli ko lang ito sa nagpahiram sa akin," sabi ko dito habang naglalakad. Lumabas na kami ng tent.
" Sinong nagpahiram sa iyo?" tanong nya uli.
" Si Aqui, noong nagkaroon ako at di ko namalayang nagkaron ako ng tagos," medyo pabulong kong sabi sa kanya.
" Sus, parang napapadalas ata ang pagkikita nyo ni Aqui ahhh, yieee, parang kinikilig ako,"
" Ano kaba, hindi naman." Tabig ko dito.
Sayang naman itong blazer na ito kung hindi masusuot muli ng may-ari. Kaya isasauli ko na kay Aqui.
" Alina, wait!" sigaw ng isang babaeng ikinatigil ko. Sa mga katagang yan ay maraming mga imahe ang pumasok sa isip ko. Ang aking mga panaginip. Mga imaheng di ko maintindihan. Tila natriger nito ang utak ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko.
Babaeng nagpa-inom sa akin ng likido at nagbangit ng katagang 'Allenia"
Babaeng hawak ang kamay ko, "Anak, Allenia, halika."
Babaeng kalong kalong ako, "Allenia, tulog na anak."
Lalaking pisil pisil ang pisngi ko, " Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Allenia, kaarawan muna bukas."
Batang lalaking hawak ang aking kamay habang natakbo, "Bilisan mo Allenia."
Batang lalaking kasama kong nakahiga sa damuhan, " Allenia, tingnan mo ang ganda ng mga ulap."
Batang lalaking kasama kong nakaupo sa may ilalim ng puno, " Allenia, pinapaalis na ako ng mahal na hari."
Batang lalaking nakatalikod sa akin at paalis na, " Allenia, babalik ako."
Ayaw ko na. Ano ba ang mga imaheng ito. Ang sakit na sobra ng ulo ko.
Napahawak ako sa aking ulo at tila matutumba. Inalalayan ako ni Hannah at pinaupo sa isang tabi. "Ayos ka lang ba?"
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)
FantasiaI am a normal girl living a normal life with my beloved family. Sabi nila, nasa akin na ang lahat. But, can I really be considered as normal? I feel so different. My eyes, my healing ability, and my physical strength that continuously growing. Matat...