CHAPTER 17
Kiethlyne's Pov.
"Your eyes... it's... beautiful..." ano bang pinagsasabi nito. Umalis ako sa pagkakahawak nya ng tumulo na ang luha ko.
Ano ba Kiethlyne,nasabihan ka lang na maganda ang mga mata mo naging emosyonal kana. Paano ba naman kasi. Sino ba namang tao ang magsasabi na maganda ang malahalimaw kong mga mata. Ano bang maganda sa matang ito?
Pero ang sarap sa pakiramdam. Di ko akalaing hindi nya pupulaan ang mga mata ko. Di ko akalaing magagandahan sya dito.
" Salamat," tanging tugon ko nalang dito habang pinupunasan ang mga luha ko.
Naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin. Naaawa ba sya? Bakit nya ako niyakap?
Tumagal pa ito ng ilang sigundo at hinayaan ko lang. Ito ba ang tema ng pagpapaluwag nya ng nararamdaman ko and I feel comfortable. Parang naramdaman ko na ang mga pakiramdam na ito dati.
" Sa wakas, natagpuan nadin kita," sabi ni Aqui sa napakahina at napakalambing na boses. Ano bang pinagsasabi nya.?
" I really miss you." Naguguluhan na ako. Ako ba ang tinutukoy nya.
Tumiwalag ako sa pagkakayakap nya at tiningnan ang mga mata nya. Nakita ko ang kanyang mga mata na medyo maluha luha na. Ang weird nya ngayon. Siguro may pinagdadaanan din ito.
" Sorry, pero di ko naiintindihan ang mga katagang lumalabas sa bibig mo," tugon ko dito. Muka syang nahimasmasan at dali daling pinunasan ang kanyang mga mata. Ibinalik nya sa dating ayos ang mga buhok na ngayo'y nakataklob na sa kaniyang mga mata.
" Sorry, nadala lang din ako ng emosyon ko. By the way. It's nice meeting you," sabi nito sa akin at tumayo na. Pinagpagan nya lamang ang kanyang pwetan upang tanggalin ang mga duming nakadikit dito sabay umalis na. Di pa man sya nakakalayo ay itinaas nito ang kanyang kanang kamay.
" See you on Wednesday... Allenia," sabi nito na hindi ko masyadong narinig. Iwinagayway nya ang kanyang kamay simbolo ng pagpapaalam.
Ano bang nangyari dun? And what? He miss me. Nononono. Baka naman ibang tao ang nasa isip nya ng lumabas ang mga katagang yun. Yes, yes, yes, tama, tama. Hindi ako yun. Hmmp, hmmp.
Inilagay ko na sa mga mata ko ang aking contact lens at tuluyan nang nilisan ang garden.
-----
It's already Tuesday at bukas na ang punta namin sa Triangle Forest. Exited na akooooo...
Nandito kami ngayon sa cafeteria kasama si Barbie. Sa wakas nakasama din namin ang babaysut na ito. Napakaraming araw narin nung naging busy sya.
Binuklat ko ang mini bag ko at nakita dun ang isang card. Ito yung binigay sa akin ng isang lalaking nakabangga sa akin sa mall. Di ko na naman ito kailangan kasi malinis na yung uniform ko. Itapon ko nalang kaya ito.
Kunuha ko ito sa aking bag at pinakatitigan.
"Kalix C. Vannier," sabi ko habang binabasa ang pangalang nasa card. Maitapon na nga ito.
" Wait, anong sabi mo?" takang nakatitig sa akin si Barbie.
" Kalix C. Vannier," tugon ko naman dito.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)
FantasyI am a normal girl living a normal life with my beloved family. Sabi nila, nasa akin na ang lahat. But, can I really be considered as normal? I feel so different. My eyes, my healing ability, and my physical strength that continuously growing. Matat...