CHAPTER 2
The image above is Aquiron Fonston
Kiethlyne's POV.
Naandito ako sa tapat ng garden at may dalawa itong naglalakihang gate na may taas na 4 meters. Meron din itong mga bakod na halos 2 meters ang taas." ECO-GARDEN Park," basa ko sa malaking nakasulat sa itaas ng gate.
Sumilip ako sa loob at nakita ang kagandahan ng garden. Ang daming makukulay na bulaklak sa loob, mga paru-paru, ibon at malalaking puno.
Nakakapagtaka lang dahil walang tao sa loob, di naman ito nakalock, pwede kayang pumasok dito?
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at itinulak ito at muling isinara.
Naglakad-lakad ako at dinama ang kagandahan ng lugar.
Sa paglalakad ko ay nakakita ako ng napakaraming roses, isa ito sa pinakapaburito kong bulaklak. Nakakita rin ako ng Rosal kaya nilapitan ko ito at inamoy amoy. Mmmmmmmm ang bango talaga... teka wait lang, parang may sumuot ata sa ilong ko....whaaaaaaaa....may sumuot na insekto, whaaaaaaaa.... msuu, msuu (singa,singa)... hay, buti naman naalis. Hindi na nga ako aamoy ng mga bulaklak dito baka mamaya kung ano pa ang masinghot ko. Pero promise ang bango talaga nya, hinding hindi ko makakalimutan ang amoy ng bulaklak na 'yon.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad ng maabot ko ang isang open area. Siguro nasa kalagitnaan na ako ng garden kasi may pahingahan katulad ng bench. Meron din ditong maliit na fish pond na madaming naggagandahang water lilies at iba't-ibang isda.
Naglakad lakad pa ako. Nakakita ako ng isang maze na 2.5 meters ang taas, gawa ito sa halaman. Balak ko sana itong pasukin kaya kinuha ko sa mini bag ko yung mapa ng school at tiningnan kung gaano kalaki ang maze.
Sobrang laki nito at ang daming pasikot sikot kaya nakakalito kahit may mapa ka na.
Napagdesisyonan ko na wag nalang pasukin, wala pa naman akong sense of direction. Baka maligaw pa ako noh.
Nagtingintingin pa ako dito sa may harap ng maze at may nakita akong malaking puno, napakalalaki din ng mga sanga't ugat nito tapos mahangin pa dito. Ang sarap sigurong matulog sa mga ugat nun.
Di na ako nagdalawang isip at agad na sumandal sa puno at ipinikit ang aking mga mata.
Maya-maya ay may narinig akong boses ng mga tao dito sa likod ng punong malaki, dahil sa curyosidad ay tiningnan ko iyon.
Kakaiba ang mga kasoutan nila, medyo pang sinauna. May dalawang batang babaeng na gula-gulanit ang suot. Wala silang malay na nakasandal sa dalawang punong kakaiba na isang metro ang layo sa isa't isa. Puno na stripes na kulay puti at itim ang kulay at napapalibutan ito ng iba't ibang kulay ng alitaptap kaya nagniningning sa mga dahon nito.
I thought iisa lang ang kulay ng alitaptap?
Meron ding babae at lalaki na nakatayo. May inaayos sila na kung ano ano, siguro nasa mid 30's na sila. Pero di ko maaninag ang mukha nilang apat, siguro dahil narin sa madilim na ang paligid.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)
FantasíaI am a normal girl living a normal life with my beloved family. Sabi nila, nasa akin na ang lahat. But, can I really be considered as normal? I feel so different. My eyes, my healing ability, and my physical strength that continuously growing. Matat...