ON EARTH: CH1.24

81 11 0
                                    

Chapter 24

Barbie's Pov.

Napatakip ang aking braso sa aking mga mata dahil sa nakakasilaw na liwanag ng nabasag na bato. Unti-unti itong nawala kasabay nang pagkalusaw ng bato.

Makikita mo ang pagtataka sa muka ni Hannah na tila ba hindi alam ang gagawin.

" What is that stone?" takang tanong sa akin nito habang tinuturo ang naglalahong bato.

" You'll see," and I smirk bilang pang-aasar ko dito. Hindi na kasi nya ako pinahirapan, sya na ang kusang nagwasak ng bato.

" Arrggggg..." sigaw nito ng galit na galit at nagpalabas ng napakadaming usok sa kanyang dalawang kamay. Unti-unti ko nang nararamdaman ang paglakas ng kanyang kapangyarihan.

" First, I didnt know kung saan ba nanggaling ang mahiya mo at kung paano ka nagkaroon nito. Wala namang 'hiya sa lugar na ito, kaya how? Paano?" sabi nya habang tinitipon ang mga lakas nya sa kanyang palad.

" Sa tagal kong pagbabantay sa'yo, bakit di ko manlang namalayan ito. Arggg, naiinis na talaga ako!!" Makikita mo sa muka nya ang pagkadismaya at ang mga usok na nanggagaling sa mga kamay nya ay naging mga bilog na sing liit ng mga kamao. Nakapalibot ito sa kanya at ngayon ay sya naman ang ngumingiti nang nakakapangilabot.

" Maghanda ka dahil ginalit mo na talaga ako ng tuluyan!... Akala ko pa naman magkakasundo tayo pag nakilala mo ang tunay na ako..., kasi parehas lang tayo ng kinalalagyan," sabi nya sa aking at ibinato ang isang bilog na usok. Agad ko rin itong naiwasan ngunit tumalsik ako.

" Explosion?" takang sabi ko nalang sa sarili ko. Sinlaki lang ito ng kamao ngunit nag-iwan ito ng malaking hukay sa lupa na kanyang natamaan. Nailagan ko man ito ay tumalsik parin ako dahil sa impact ng pagkakasabog.

" Masakit ba? Pwes hindi dyan natatapos ang sakit na ipapadama ko sayo!!" Naging seryoso ang muka nito at ibinato ng sunod-sunod ang maliliit na itim na bolang yun. Habang ako ay naglalabas ng malalaking tipak na yelo sa lupa upang maging pananggalang ko sa pagsabog.

" Dahil sayo! Nawala ang kalayaan ko!! Wala na, nawala na ang mga pangarap ko!! Kasama ka pa naman dun Barbie, sayang at sinira mo!!" sabi nya sa akin ng galit na galit habang patuloy parin sa pag atake. Kung ganon, inalis din pala sayo ang kalayaan mo. Dapat nga siguro naiintindihan kita dahil parehas lang tayo ng kinalalagyan. Parehas lang tayong sunod-sunuran sa mas makapangyarihan sa atin.

Pero kung kaya ko lang sana maglabas ng yelo na sing-taas ng dalawang palapag na building, tiyak na mamatalo ko sya.

" Kung nasira ko man ang pangarap mo, sana mapatawad mo ako! Hindi ko rin naman gustong gawin ito pero hindi rin naman tayo pwedeng manakit ng tao para sa kalayaan natin! Napakadami pang paraan Hannah! Napakadaming paraan upang matupad ang mga pangarap natin ng walang nasasaktang ibang tao. Tigilan na natin ito at sabay natin silang harapin!!" Sigaw ko habang dinedepensahan ang sarili ko. Paubos na ang aking lakas, ang dami ko nang nagamit na Hiya.

"Hindi!! Huli na ang lahat... Hindi na mangyayari ang mga pangarap ko," sabi nya at tumigil sya sa pag-atake.

Inalis ko ang malaking tipak ng yelo na nasa harapan ko at nakita si Hannah na nag-iipon na uli ng lakas. Hinang-hina na ako dahil sa kanina ko pang ginagamit ang kapangyarihan ko. Ito ang kauna-unahang ginamit ko ito ng ganito kadami at katagal.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon