Chapter 28
Barbie's Pov.
Hannah, no! Di ko akalaing ikaw pala ang Hannah na nakasama ko sa mansyong iyon. Sobrang saya ko dahil pinili mong makasama ako. Pero yung ganitong paraan. Lalo na't nalaman ko lahat lahat, simula sa simula. Hindi ko na talaga matatanggap ito. Sobrang napaka makasalanan nila.
Hannah, ngayong nalaman ko na lahat. Lalo pa akong magpapakatatag at ipaghihiganti kita sa mga taong yun. Pangako ko, gagawin ko ang lahat para sa iyo. Pangako yan? At patuloy na bumabagsak ang luha ko habang nagkwekwento si Princess sa akin.
And Kiethlyne, Kiethlyne is a good girl. Sana mapatawad mo sya sa lahat nang nagawa nya. Rest in piece Hannah. I love you.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumayo. Hindi ito ang oras nang pag-iyak, marami pa akong kailangang gawin.
"Let's go, hahanapin pa natin si Kiethlyne," sabi ko sa dalawa at agad namang nilisan ang lugar nayun.
Niza's Pov.
Kaharap ko ngayon ang taong nagpapatay sa pamilya ko. Ang taong walang emosyon kung humawak nang dugo at kumitil nang buhay.
"Wala akong oras para sa iyo, get out of my face." Kung kanina ay kakikitaan mo ito nangpa-aalala sa mukha, ngayon naman ay parang singlamig nang yelo ang kanyang pagsasalita.
" Move o magpipirapiraso ang katawan mo."
"Nakakatawa ka. Talunin mo muna ako para masundan mo ang sinasabi mong anak," tugon ko dito.
"Myline," sambit nya at bigla nalang may taong lumitaw sa gilid nito na di ko mahinuha kung saan ba nanggaling.
" Ipakita mo sababaeng yan kung sino ka, wag kang magtitira kahit na isang presensya nya," mariing utos nito sa katabi nyang nakapangkatulong na kasuutan at agad itong umatake sa akin.
Sinipa nya ako sa gilid ko ngunit nadepensahan ko rin naman ang aking sarili gamit ang aking braso. Napakalakas nang atake nya kaya naman kitang kita sa lupa ang bakas nangpagkakaatras ko.
Kahit sinomang tao ay tiyak na hindi ito maiilagan. Ako, kahit wala akong kapangyarihan, di tulad nila, meron naman akong malakas na pangangatawan. Nahasa ko na ang aking sarili sa mga ganitong laban.
Habang nakikipaglaban sa babaeng ito ay nakita kong papaalis na si Evilia, kaya naman nilisan ko ang aking kalaban at lumapit sa kanya para atakihin ito nang pagkakalakas lakas. Inihanda ko na ang aking mga paa sa pagsipa, ngunit, dahil sa sobrang bilis nang maid nya ay naabutan nya ako at sya ang tumanggap nang atake ko.
Sa sobrang lakas nang pagkakasipa ko ay napatilapon sya sa isang puno at animo'y malambot na lapis na napulot sa gitna. Agad syang nakarecover at nakipaglabang muli sa akin. Mas lumalakas ang atake nya sa bawat segundo. Duon nagkaroon nang pagkakataon si Evila na makaalis at di ko na ito napigilan.
Napakalakas nang kalaban ko. Lahat nalang nang bagay dito na madadaanan ng atake nya ay nasisira. Mga lupang nabibitak sa tuwing lalapat ang mga paa nya sa pag-atake, mga nalalaglag na dahon dahil sa impact ng atake nya sa hangin.
Kahit na ganito sya kalakas ay hindi naman ako magpapatalo at mas lalakasan ko pa ang mga kakayahang ipinapakita nya.
Aquiron's Pov.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)
FantasyI am a normal girl living a normal life with my beloved family. Sabi nila, nasa akin na ang lahat. But, can I really be considered as normal? I feel so different. My eyes, my healing ability, and my physical strength that continuously growing. Matat...