ON EARTH: CH 1.29

95 11 0
                                    

Niza's Pov.

Madali lang palang kalaban ang isang ito. Bakit kaya biglaan nalang syang nanghina at di na makakilos. Kung tama ang hinala ko, naayon ang kalakasan nya sa Master nya.

Siguro ay lubhang nasasaktan ngayon ang Master nya.

Natumba na sa lupa ang kalaban ko at ako ay napagod din ng bahagya. Umupo ako sa likod nito upang magpahinga at mag-isip ng sunod kong gagawin.

Humalumbaba ako habang nakapatong ang mga siko ko sa tuhod ko.

Oo nga pala, si Kiethlyne. Agad akong tumakbo at iniwang nakahandusay ang kalaban ko.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Kiethlyne na nakasandal sa isa sa dalawang naggagandahang puno na ngayon ko lang nakita.

Anong ginagawa nya dito, at dito pa niya napiling magpahinga?

Kiethlyne's Pov.

Umupo muna ako sa isang punong nagniningning na ito at nag-isip-isip. Ilang minuto at nagbalik na ako sa tamang hwesyo.

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. Pati ang mga panaginip ko, kitang kita ko ang mga muka nila Mommy habang pinapainom nila sa akin ang likido na nakakapagpatanggal ng ala-ala.

Tumayo ako at tiningnan ang dalawang punong nasa harap ko.

" Hindi nga ba ito ang mundo na kinabibilangan ko?" mahina kong sambit at napabuntong hininga nalang habang naglalakad sa gitna ng dalawang punong pinaliligiran ng napakadaming alitaptap.

Niza's Pov.

Nakita kong dadaan sya gitna ng dalawang punong ito at tinangka kong lumapit sa kanya. Pero bigla nalang syang nawala na parang bula pagkahakbang sa gitna nito.

Ano bang nangyari, nasaan na sya. Nagtungo ako sa harap ng dalawang puno at nagsimulang humakbang sa pagitan nito. Ngunit tila ba ay may isang force na nagtulak sa akin palabas at napatilapon ako. Sinubukan ko uling humakbang at hindi nagtagumpay.

Tuluyan na bang kinain ng dalawang malaki na punong ito si Kiethlyne? Umopo nalang ako sa isang puno at duon nagpahinga. Wala na akong magagawa. Hindi ko rin naman alam kung para saan ang mga punong ito.

Sophia's Pov.

"Ferei, are you still okay?" tanong ko dito sa kasama ko na tila hinang-hina na sa pakikipaglaban.

" Yes, I'm still okay, maybe," tugon nito sa akin ng may kalituhan.

Kailan ba kasi sila dadating, baka mamaya, sa sobrang tagal nila ay bangkay nalang namin ang maabutan nila.

Ferei focus on attacking while I am in defending and boasting. Nanghihina na kami at mauubusan na ng hiya sa mga katawan namin. Thanks to my healing ability, we still can keep up on him.

At itong kalaban namin, ni isang porsyento ng kapangyarihan nya ay di pa nagagamit. Gaano ba kalakas ang isang ito.

This is also a great experience on us. Nakikita kong mas nahahasa ni Ferei ang kapangyarihan nya. Compared before that he always get burned by a little fire he cast on his hand. And now I can see the improvement of our trainings.

In the middle of battle ay bigla nalang tumigil sa pag-atake ang Black Haze na parang may kinitang isang pangyayari.

Inalis nito ang anyong tao at naging usok. Mabilis na umalis at kahit na pagod na pagod na kami ay sinundan namin ito.

Hindi pwedeng makawala sya. Kailangan namin syang mahuli ngayong araw ding ito.

Minutes of chasing at tumigil sya. Duon natagpuan ng aming mga mata ang babaeng nasa ere at si Aqui na nakitingin dito ng walang emosyon.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon