ON EARTH: CH 1.15

88 14 0
                                    

CHAPTER 15

Kiethlyne's Pov.

Dinala namin ni Aqui ang bababeng binubully ni Angelica sa Clinic. Naasikaso na sya ng nurse at agad ding nalinis at natapalan ang sugat.

Nang masiguro naming okay na siya ay lumabas na kami ng clinic. "Thank you sa pagtulong mo,"sabi ko dito habang naglalakad.

Humarap ito sa akin at tinugunan ko ng kibit balikat at nagbigkas ng "Why?"

"Di kaba magpapalit," sabi nito at napatingin ako sa sarili ko. Oo nga pala, may tagos ako ngayon. Haysssss.

" Ibabalik ko nalang ito bukas!" Sigaw ko dito habang papalayong naglalakad.

Narating ko ang locker room at laking pasasalamat ko dahil may extra ako dito. Nagpalit na ako at nagbihis. Tinupi ko ang blazer ni Aqui at binitbit ito papuntang room. Papalabhan ko pa ito kay Yaya Myline para maibalik ko bukas.

***

Barbie's Pov.

Katatapos lang naming kumain. As usual normal food parin ang kinakain ko.

" Barbie, gusto mo bang simulan na nating tanggalin ang Black 'Hiya' sa katawan mo," sabi ni Sophia.

"No it's okay, feel ko sobrang matatagalan ang pagtanggal nito at baka hindi abutin ng one month, as you told me. Mahina tayo pag-walang hiya sa katawan," tugon ko dito. Ang sabi kasi ng Mom, one month lang ang ibinibigay nya sa akin para sa misyon ko. Hindi ako maaaring maging mahina sa araw na yun. Kaya't hanggat maaari ay hindi ko tatanggalin ang Hiya'ng ito sa katawan ko.

" Pero di ka makakaconsume ng White 'Hiya'kung ganon," Sophia. Yun na nga, hanggat hindi ito natatanggal ay hindi tatanggapin ng core ko ang white 'Hiya, so napakatagal pa nun.

" Siguro pagkatapos nalang ng ilang linggo, syaka natin tanggalin ang itim na enerhiyang ito," tugon ko.

Maraming araw narin ang nakalipas. Malapit na ang itinakdang panahon para sa misyong ibinigay sa akin. Hanggang ngayon ay wala parin akong plano at di parin nagpaparamdam ang makakasama ko sa misyong ito. Sino ba sya? At sino sya sa buhay namin?

" Paalala ko lang, on sunday I will be not here. Katulad ng pinag-usapan natin ay kailangan kong pumunta sa Alleyne Kingdom para manghingi ng karagdagang source ng 'Hiya'. At para narin ireport ang mga nangyayari dito," sabi ni Ferei.

" And from now on, kailangan na nating mag training ng mas higit pa. Ikaw Barbie, akala ko ba gusto mong mas lumakas. Sa ilang araw kasi nating pag tretrenaing ay lagi ka nalang nakakulong sa kwarto ng training facilities. Ano bang ginagawa mo dun?" Mahinahon nyang tanong.

" Nothing, I just meditate and feel the flow of my energy," tugon ko naman dito.

" Then, from tomorrow morning ay magtretraining kana ng ayos. We are not professionals and still learning but we can guide you to control your power as much as we can. At yan naman ang pangako namin sa iyo." sabi nito ng napaka seryoso.

"Thank you," tanging tugon ko na lamang dito.

" So, I'll be goin now, may aasikasuhin pa ako sa office. Next-next week na ang founding aniversary ng school na ito. Alam kong mga kasali kayo sa sports, pero, wag nyo namang masyadong pakagalingan. Act like you belong in this world. Okay." Tumayo na si Ferei at umalis na ng dorm.

" Una na rin ako. Ferei, wait stop! Wait for me!" sabi ni Sophia at nagmadaling hinabol si Ferei.

Kami nalang ni Aqui ang natira dito sa dorm. Napaka tahimik. " Una na rin ako. Tiyak na hinihintay na ako ng mga kaibigan ko." sabi ko dito at tumayo na. Ngunit hinawakan nya ang aking kamay na tila may sasabihing kung ano.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon