ON EARTH: CH 1.3

258 21 0
                                    

CHAPTER 3

The image above is Barbie Santos

Kiethlyne's POV.

Kahapon natapos ang first day of school ko doon sa napakagandang garden. Hanggang ngayon inaalala ko parin ang panaginip ko kahapon na parang totoo. First time ko lang na magkaroon ng panaginip na gan'on ang pangyayari, ni hindi ko nga alam kung bakit ko yun napanaginipan. And that child's feelings, bakit ramdam na ramdam ko? Minsan naiisip ko nalang na paano kaya kung totoong nangyari yun sa akin dati? Pero hindi, kailan may di nag eexist ang mga ganong bagay, yung mga taong may kapangyarihan.

Alas kwatro palang ng madaling araw ngayon. Ang aga kong nagising. Exited na kasi akong pumasok, kasi sabi ni Aqui ay ngayon daw ang start ng klase. Kaya makikilala ko na lahat ng classmates ko.

Nakahiga lang ako ngayon dito sa room ko at iniisip na kung ano kaya ang mangyayari mamaya sa school.

Pagkalipas ng oras ay 4:30 am na kaya bumaba na ako sa may dinning area. Nakita ko marami nang nakahayin na pagkain, siguro maaga ring nagising si yaya Myline.

Si yaya Myline ang kalimitang nagluluto dito, kasi yung cook namin dito sa bahay ay may schedule ang pagluluto. Masarap namang magluto si yaya Myline, masarap pa kaysa kay Mommy. Hahahaha.. wag nyong sasabihin kay Mom yung sinabi ko sa inyo readers ha..... hihihihihi.

Kumain na ako, hindi lang ako sanay kasi mag-isa. Nung bakasyon kasi lagi kaming sabay kumain nila Mommy and Daddy, kaya pumunta ako sa may kitchen at duon ko nakita si yaya Myline na may inaasikasong kung ano.


"Yaya," madahang sabi ko kay yaya Myline.

"Bakit po Ma'am," magalang nyang sagot at humarap sa akin. Tinawag pa talaga nya akong 'ma'am'.

"Yaya, Lyn nalang po." Parang bata kong sabi sabay hawak sa braso nya. "At syaka sabay tayong kumain, plssss." Hindi ko na sya hinintay na sumagot dahil hinila ko na sya papunta sa dinning area at binigyan ng upuan dito sa tabi ko.

"Ma'am may ginagawa po ako sa kusina." Angal pa nya sa akin habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato nya.

"Yayaa, its Lyn, Lyyyyn not Ma'am, okey," sabi ko sa kanya at itinigil na ang paglalagay ng pagkain sa plato nya. "Let's eat na,di kasi ako sanay na walang kasabay kumain, kaya mamaya mo nalang gawin yung ginagawa mo sa kusina." Pakiusap ko sa kanya at sumang-ayon naman sya. "Thank you Yaya."

Kwentuhan, tawanan ,sabay subo ng pagkain, gan'an lang ang ginawa namin ni Yaya Myline. Nung una nahihiya pa sya pero may kadaldalan din naman si yaya.

Natapos ang pagkain namin at ngayon ay naandito na ako sa bathroom. Nag bathtub ako kasi maaga pa naman. Si yaya Myline ang naghanda nito kaya maraming red petals ng roses. Nagbabad muna ako. At pagkatapos kong maligo ay nag-asikaso na ako ng iba pang dapat gawin.

***

Naandito ako ngayon sa harap ng classroom namin, ang CLASS 10-A. Di ko rin alam kung bakit nasa section A ako ehh di naman ako ganon katalino.

Pumasok na ako at iisa na namang tao ang nakita ko dito. Sino pa ba, edi si Aquiron na laging tulog. Ewan ko ba dito, tulog na naman. Siguro dahil sa 6:30 am palang kaya kami palang ang tao dito. Wait lang! Dito ba to natulog? Hay, kung ano ano na naman  ang iniisip ko.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon