ON EARTH: CH 1.14

98 17 0
                                    

CHAPTER 14

Kiethlyne's Pov.

Kinuha ko na ang bag ko sa classroom at nagmadaling lumabas. Gumamit ako ng hagdan ngunit tila may nahabol sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan.

" Kiethlyne wait!" sigaw ng pamilyar na boses kaya napatigil ako sa pagtakbo.

"Ang bilis mo namang tumakbo.," sabi nito.

"Princess, Hannah, kayo pala yan. Akala ko naman kung sino na ang humahabol sa akin,"

" Tapos na ba kayong kumain, pasensya na. Na-stock kasi ako sa elevator kaya di agad ako nakapunta," paliwanag ko sa kanila.

"We know, nandun kami nung lumabas ka," sabi ni Hannah.

"So..., nakita nyo (yung pagyapos kay Aqui) ?" tanong ko sa kanila at tumango lang ang dalaw. Napahawak ako sa aking mukha dahil sa sobrang hiya. Dapat kasi hindi ko yung ginawa. Kiethlyne, nadala ka lang ng emosyon mo.

" Haysss, so nakakain na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi pa, wala kasi si Barbie sa dorm nya. Di rin namin alam kung saan sya pumunta. Pero ang sabi nung nakakasurang Sophia na nakita namin malapit doon ay may pinuntahan daw si Barbie at mamaya pa ang uwi," with matching irap pa si Hannah habang sinasabi ang katagang Sophia.

" Syaka kanina ka pa naming hinahanap, nandun kalang pala sa elevator na yun," Hannah.

" Kaya nga ehh, na stock ako sa loob."

Hindi naimik si Princess, hayssss, baka nagseselos na naman ito.

"So, sa cafeteria nalang tayo kakain." at tumango naman silang dalawa.

***

Natapos na naman ang klase ngayong hapon. Bumaba na ako ng building at nakita si Mang belardo na naghihintay.

"Hi Mang Belardo, sa Mall muna tayo. May bibilhin lang ako."

"Yes, Ma'am." Ako ay sumakay na ng sasakyan.

Hayssss, di parin talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Kamusta na kaya si Princess. Nakwento ko na naman ang nangyari. For sure naiintindihan nya naman ako.

Nakita kong natingin-tingin si Mang Belardo sa front view mirror ng kotse. Kaya napatingin din ako sa likod. Nakita ko ang isang itim na sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali ay meron itong sakay na tatlong men in black sa loob. Ngunit di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy ang aming byahe.

Nakarating na kami sa mall at bumaba na ako sa sasakyan. Iniwan ko nalang muna si Mang Belardo sa parking area at nagtungo na sa aking pupuntahan.

Pumunta muna ako sa may parte ng school supplies para bilhin ang mga kailangan ko. Then nagtungo sa Fashion Rene kung saan ako malimit bumili ng mga damit. Bakit ganito ang pakiramdam ko, talagang parang may sumusunod sa akin. Tumingin ako sa likod ko ngunit wala namang kahinahinala. Hinayaan ko nalang ang aking pakiramdam at pumunta so food hub. Bumili lang ako ng isang iced latte.

Baka naghihintay na sa akin si Mang Belardo sa Parking area, kaya nilisan ko na ang food hub. Naglalakad ako ng biglang may nakabangga sa aking lalaki. Mabilis ko namang naiiwas ang aking mga pinamili sa natapon kong iced latte. Ngunit ang kawawa kong uniform ay nabasa nito. Napatingin ako sa lalaki na nabasa din ang itim nyang suit. He is a tall, sharp-looking and well-fitted man. He has a clean haircut and a handsome face. Ibinaba ko ang aking pinamili at kumuha ng panyo.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon