ON EARTH: CH 1.5

156 18 0
                                    

CHAPTER 5

The image above is Princess Castilio

Kiethlyne's POV.

Ang tagal ko nang naghihintay dito sa may gate, nag-uuwian na yung iba pero wala parin si Mang Belardo. Nasan na ba kasi yun, nakakahiya na dito, lagi nalang akong pinagtitinginan ng mga tao.

This is the worst day of my life talaga. Pati si mang Belardo sumabay pa, huhuhuhuhuhu.

Haystt, nandito nadin sya, kaya pagkatigil na pagkatigil nya ay sumakay agad ako.

"Miss Kiethlyne, ano po ang nangyari at ganyan ang suot nyo?" Pag-aalalang tanong ni Mang Belardo.

"Mang Belardo, wag nyo na po akong alalahanin, natapunan lang ako ng juice kanina kaya gan'to ang suot ko." Pabiro kong sabi at umayos na ng tayo.

"Bakit po ba kayo nalate ng pagsundo ngayon?" pagtataka kong tanong sa kanya habang nakatingin sa paligid.

"May traffic po kanina sa dinaanan ko kaya nalate lang ako ng konti, pero di na tayo dadaan dun ngayon."

***

We're here at home, pagkalabas ko sa kotse ay nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni Yaya Myline. Agad ako nitong pinuntahan at tanging ngiti nalang ang naitugon ko sa nag-aalala nyang mukha.

"Ano ba yan Lyn, anong nangyari sayo, bakit gan'to ang suot mo?" sabi niya na parang tinitingnan ang bawat parte ng katawan ko.

"Yaya, it's okay, natapunan lang ako ng juice kanina, tapos wala na akong damit na maiisuot kaya ito nalang ang isinuot ko," sabi ko sa kanya na nakahawak pa sa dalawa nyang balikat para di na sya mag-alala.

"Alam mo namang di ka pinapasuot ni Ma'am Evilia ng gantong damit, tayo na sa loob at magbihis kana, ihahanda ko na ang pagliliguan mo." Concern talaga lagi 'tong si Yaya, at syaka di naman ako papagalitan nila Mommy and Daddy pag sinabi ko ang dahilan.

" Yes, yaya," tanging tugon ko at pumasok na kami sa loob.

Nandito na ako sa bathtub ngayon at nagmumuni-muni. Hay... ang sarap talagang magbabad dito. Pangpatanggal stress. Iniisip ko parin yung mga nangyari kanina. But for sure di na yun mangyayari bukas.

Itinaas ko ang kamay ko at pinakatitigan ito.

" Kiethlyne, bakit ang ganda ng kutis mo." Puri ko sa sarili ko na ikinatuwa ko naman. Hahahahaha, mukha na akong luka luka nito, makaligo na nga at baka mamaya dumating na sila Mommy.

Naligo na ako ng ayos, nagbihis at di na ininda ang mga mata kong kulay berde.

'Knock, knock, knock' rinig kong tunog ng pinto kaya nagmadali akong pumunta dito at binuksan.

"Lyn, iha, kakain na, nandun na sila Sir Kevil sa table," sabi ni yaya Myline. Napatagal pa ata ang pagligo at pagbibihis ko kaya di ko namalayan na nandito na pala sila.

Bumaba na ako para kumain.

"Mom, Dad!" Humalik ako sa pisngi nila bilang pagbati. Nagsimula na kami sa pagkain at tulad ng dati ay di nawawala ang kwentuhan.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon