ON EARTH : EPILOGUE

202 15 4
                                    

Epilogue

Sophia's Pov.

Umalis na si Heneral Arthur at Sir Jared upang magtungo sa Mundo ng Duno, kung saan kami nabibilang. Dala nila si Evila at ang isang itim na kawal ng Black Haze.

Walang nakakalam na kahit sino man sa mga mortal ang nangyari sa Triangle forest. Kahit na si Princess, Kalix at Niza ay tinanggalan ng ala-ala ni Heneral Arthur patungkol sa nangyari.

Natapos na ang buong School Year at napagdesisyonan naming ibenta ang paaralang ito. Dahil hindi na naman namin sya kakailanganin.

Si Barbie na may ari ng isang organisasyon ay nagpaalam na dito at hindi alam kung kailan sya makakabalik, o makakabalik pa nga ba sya.

Kahit alam nyang nahuli na ang Mommy nya ay mas pinili parin nyang sumama sa amin, upang mas hasain pa ang kapangyarihan nya para sa paghaharap nila ng tunay na Black Haze.

Nagpaalam na kami sa lahat ng kakilala namin sa mundong ito at ngayon ay nakaharap kami sa portal patungo sa mundo namin.

" Whaaaa, I miss this air," tugon ko ng makapasok kami at unti-unti nangang nagsasara ang portal.

" Makakatikim narin tayo ng sapat na 'Hiya'," tugon naman ni Ferei.

" Parang wala naman itong pinagkaiba sa mundong kinalakihan ko, muka nga lang nasa probinsya ako," tugon naman ni Barbie.

" Feel the air Barbie," sabi ko dito.

At duon ay dinama nya ang napakasarap na hanging tumatama sa aming mga balat.

And here's Aqui, medyo nawala na ang pagiging palabiro nya. Ano ba kasing nangyari sa kanya at naging ganito sya.  Di ko parin akalain na itim na 'Mahiya'pala ang kapangyarihan nya. Buti nalang at hindi ito nalaman ng Heneral. Kung hindi, pati sya makukulong.

"Let's go," tugon ni Aqui at kami ay nagtungo na sa aming pupuntahan.

After a month

Kiethlyne's Pov.

" Bata ka! Gumising kana tanghali na!" sigaw ni Master Morie (mo-ri) sa labas ng kwarto ko at napakinggan ko ang mga papalapit nitong yapak.

Tumayo na ako sa higaan ko at nagsalamin.

Hindi pa kaya sumisikat ang araw at naapakadilim pa ng paligid. Paano ba nya nasasabing tanghali na?

Narinig kong bumukas ang pinto ng silid ko at duon ay sumandal sya.

" Kanina ka pa bang gising? Bakit di ka manlang natugon sa tawag ko?" tanong nito sa akin ngunit nginitian ko lamang sya.

" Bilisan mo diyan at lumabas na, marami kapang dapat gawin. Unaahin mo ang pagsisibak ng kahoy sa bakuran."

" Bilisan mo at maaglalaba kapa sa may ilog, pupunta pa tayo sa pamilihan mamaya upang magbenta ng mga pananim natin," sunod-sunod nitong utos.

" Opo Master, masusunod po," masaya at masigla kong sabi. Agaaran akong lumabas at kinuha ang palakol na nakabaon sa isang tipak ng kahoy upang simulan ang pagsisisbak.

Nawala ang marangya kong buhay at ngayo'y natututo na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto na akong kumilos mag-isa.

Sa susunod na buwan ay papasok na naman ako sa isang eskwelahan, ngunit, hindi tulad ng sa Earth, isa itong eskwelahan na puro mahika na tinatawag nilag 'Mahiya'. Paaralan na punong-puno ng iba't-ibang bagay at napakadaming makakapangyarihang nilalang.

Kaya ko kayang manatili dito? Kaya ko bang isekreto ang katotohanang isa akong Prinsesa ng mundong ito?

-----------------

END WITH 70,000 WORDS

A/N:

Hi Labhies!! 😁 Thank you for reading this story. Ngayon ay natapos na ang Book 1 at talaga namang ang daming pinagdaanan ng ating bida hanggang sa nalaman nya ang tunay nyang pagkatao. Sya lang naman ang nag-iisang Prinsesa ng Allaine Kingdom. Isa nalang ang katanungan, ' Makakaya nya kaya ang lahat ng pagsubok ng mundong ito?'

Halina't  ating tunghayan ang susunod na kabanata ng storyang ito.

Vote, Comment and Share are highly recommended at appreciated. Thank you for reading Labhies😘😘

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon