PROLOGUE

728 40 25
                                    

Prologue

Kiethlyne's POV.

Sa palasyo.

Nagniningning na kalingitan. Mga kamay kong maliliit na nakahawak sa baranda habang tinitingnan ang mga nangingislap na bituwin.

"Ina! ang laki ng bituwing yun,!"

Tumingin ako sa aking ina ngunit di ko maaninaw ang kanyang mukha, siguro'y dahil medyo malalim na ang gabi at inaantok na ako.

"Ina, maari po bang ihatid mo po ako sa aking silid?" Naaninag ko ang ngiti nya na pagkakatamis at kinusok ang aking mata.

"Sige anak,ihahatid na kita at matulog ka nang maaga dahil bukas na ang seremonya," mahinahon at malambing nyang sabi.

Seremonya para saan? Bakit di ko matandaan?

Naglakad kami ni Ina papunta sa aking silid nang biglang may malakas na pagsabog na nangyari sa labas ng palasyo. Sunod-sunod na pagsabog.

Bigla sumabog ang makapal na batuhang dingding malapit sa amin. Agad akong niyakap ni ina, tumalsik kami ng napakalayo at nagkasugat ng malubha. Magkahawak ang aming mga kamay habang nakatitig sa isat-isa.

Namuo na ang mga luha sa aking mga mata at tuluyan na ngang umiyak. Hindi ako makagalaw at tanging napapakinggan ko lang ay ang mga sigawan ng mga tao, at ang mga pagsabog.

Tumingin ako sa napakalaking butas ng dingding. May itim na makapal na usok ang pumasok dito habang papunta sa direksyon namin. Pumalibot ito sa akin at pilit na inilalayo sa aking ina, nakabitaw ako sa kanya. "Inaaa, inaaa, tulong!!" at pilit na inaabot ang kanyang kamay kahit napakalayo ko na.


Nakita ko ang pagtulo ng likido sa mata nya at ang mga kamay nyang gusto rin akong abutin. Pero wala na, tuluyan na akong nailabas ng itim na usok sa loob ng palasyo.

Habang nasa himpapawid dala ng itim na usok ay kitang kita ko ang nangyayari sa buong paligid, ang mga karumaldumal na labanan. Mga pagsabong na lubhang ikinasira ng buong lugar, nakahandusay na taong sugatan. Ang mga may kapangyarihan na nilalang na nakikipaglaban.

Maraming yelo, apoy, nagkikislapang ilaw at iba pang lumalabas sa kanilang katawan at mga kakaibang nilalang na kapwa ngayon ko lang nakita.

Ang kalangitan ay sobrang itim kaya di na makita ang mga bituwing kanina'y nagniningning.

Hanggang sa tuluyan nang nandilim ang paligid. Wala akong makitang kahit ano. Pero sa dulo ng kawalan ay may unti-unting nagniningning na liwanag ang lumilitaw at doon ko lang napagtanto na nakatayo na pala ako. Hanggang sa ang buong paligid ay naging puti ng lahat. Walang bagay na naririto kundi kulay puting paligid lang.

'Namatay na ba ako, nasa langit na ba ako.'

Tiningnan ko ang aking mga kamay, hindi na ito ang mumunting kamay na nakita ko kanina.

May biglang sumulpot na nakakasilaw na bagay, na mas nakakasilaw pa sa araw kaya napatigil ako sa pagkilatis sa aking sarili at ito'y nagsalita "Bumalik ka sa iyong pinagmulan, kailangan ka nila." Malambing na boses ng babae ngunit wala naman akong nakikitang tao dito. Tanging ang nakakasilaw lang na liwanag ang nasisilayan ko.

"Sino ka anong kailangan mo sa akin?" tanong ko sa nagsasalita.

Nagbago bigla ang paligid at unti-unting itong naging pula. Biglang umulan ng kakaiba, kulay pula ito at malansa na animoy dugo, biglang uminit ang paanan ko kaya tumingin ako sa baba at nakita ko ang nagliliyab na apoy. May mga bangkay ng mga tao at mga bundok ng bungo.

May nagsalita sa itaas, tumingala ako at nakita ko ang malahiganteng tao na nagliliyab.

" Kahit bumalik ka, masisira ang masisira at wala ka nang magagawa. Nakatakda na ang lahat marami ang masasaktan at magdurusa," saad nya sa nakakatakot na lalaking boses, kaya naman nanginig ang buo kong katawan.

Babalik? Saan?

May humawak sa paa ko. Mga taong gumagapang papunta sa akin" Bakit mo kami binawian ng buhay."

" Layo! Layuan nyo ako!"

Hinawakan ako ng mahigpit ng higanteng lalaki, sa laki ng palad nya ay sakop na sakop nito ang buo kong katawan. Pilit akong nagpupumiglas ngunit napakalas nya at akmang isusubo niya ako sa kanyang bibig ngunit nandilim na ang aking paningin at di na alam ang mga sumunod pa na pangyayari.

THE ROYAL EYE : ON EARTH (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon