Call
I grew up in a household that always told me that I should not have a boyfriend until the time is right. But the thing is... I am not the one who decides whenever that right time would happen. It was in their hands.
I grew up with a mindset that I should climb up on top without any hindrance on it, and as I grew up and reached my teen years, I opted to think that everything is a hindrance, including men.
Papa countlessly reminds me not to fool him. Huwag namin siyang lolokohin at huwag magtatago ng kung ano sa kaniya. I have nothing to hide anyway and I grew up aloof around men. Hindi ko alam kung ito ba ang dahilan kung bakit hindi ko gusto ang mga lalaki o dahil galit lang ako kasi lalaki sila?
It was not lonely to be single. I was born single anyway. Wala namang um-accompany sa akin nung nilabas ako sa tiyan ni mama. Hindi ko naman kailangan ng lalaki para maging masaya.
Nagiging batayan na kasi ang pagkakaroon ng lalaki para sumaya. E hindi naman lahat dapat kasama yung mga lalaki. May sarili naman tayong buhay. Pwede naman akong sumaya ng mag-isa o kasama ang mga kaibigan ko. Ano pa ba ang hahanapin ko?
Pero sa kabila ng lahat ng ito; ang pagiging NBSB at aloof ko sa mga lalaki, ay alam ko kung paano tumingin ng pogi. To make it simple, mahilig kaming magsight ng mga pogi ng mga kaibigan ko kahit saan. Vitamins kumbaga. Hindi naman namin jojowain ang mga iyon kaya ayos lang. Ano lang ba naman ang simpleng paghanga namin sa mukha nilang talagang nilaanan ng oras para gawin ng Panginoon? In other words, they're blessed.
Ngayon ngang nasa mall kaming lima ng mga kaibigan ko talagang pinapalakas namin ang radar ni Ishi tutal siya ang lapitin ng mga gwapo dito.
"O my gosh, nakasight ako!" sabi ni Ishi habang pasimpleng binubulong iyon sa akin.
"Saan, gagi?" natutuwa kong tanong dahil talagang pag itong si Ishi ang kasama ko, parang namamagnet namin ang mga pogi.
"One o'clock." gigil niyang bulong habang pinipisil ang braso ko.
Napansin na kami ng iba pa naming kasama dahil nahuli kami sa lakad nito. Nanlalaki ang mga mata ni Ishi sa mga kaibigan namin at saka nilabas ng kaniyang phone. Agad naman nilang nakuha ang gustong iparating ni Ishi kaya kanya kanya rin sila ng dukot ng phone nila sa mga bag at bulsa nila. Sunod sunod ang naging pagvibrate ng phone ko dahil sa mga chat-an nila sa GC.
Ishi was right. Man looks so handsome with his cream sweater, and black slacks, and to add up to his fashion, he is wearing glasses.
Ian:
Swerte talaga ni Ishi sa ganitong bagay.Sej:
Oo nga HAHAHAH. Samantalang ako tuyot na tuyot pag usapang pogi na.Anni:
Gagi, ba't ang tahimik ni Aer? E siya yung pumapangalawa kay Ishi sa mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
Teen FictionEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...