House Visit
Having fun with Shone today also means that the conflict between us fades, right? Kasi hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin pag bumalik na naman kami sa dati. We shared so many things today and this day is to treasure.
Nang magsimula ang klase ay hindi ko alam kung ano ang una kong ipagdadasal. Kung maging matiwasay ba ang pamamalakad ng paaralan o tuluyan na sana magising si Shone sa katotohanan na hindi niya ako matatakasan kahit na ilang beses niya akong iwasan.
Sa totoo lang, hindi ko naman na dapat prinoproblema pa itong si Shone pero hindi ko na lang mapigilan dahil nakita ko noong nakaraan na magkaklase na naman kami. And once again, nahiwalay na naman ako kay Ishi at Ian.
"Ready ka na ba, 'nak?" Mama asked as she gave me the lunchbox that she prepared for me.
"Oo, Ma, pero kinakabahan yata ako." Hindi ko ba alam kung ano itong nararamdaman ko. Dapat nga sanay na ako dahil ilang beses ko ng nararanasan ang first day of classes.
"Ba't na naman?"
"Hindi ko alam, Ma. Siguro kailangan ko ng extra allowance since mabait naman akong anak," pagbibiro ko rito.
"Naku, inuuto mo na naman ako. Kakaumpisa pa lang, 'di pa nakakatapak paa mo sa eskwelahan, extra allowance na kaagad ang hinihingi mong bata ka." natatawang balik sa akin ni Mama.
"Sige, Ma. Sa susunod na lang 'yung extra pero kinakabahan talaga ako na ewan."
"MagCR ka kaya muna? Baka matae ka sa kaba d'yan."
"Ma naman!" nakakunot noo kong saad. Alam kong concern lang siya pero hindi naman na dapat niya sinabi 'yun. What if dahil sa sinabi niya matae talaga ako?
Excited din naman ako dahil hindi na ako maiiimbak sa bahay ng matagal at saka magkakapera ako. Nung bakasyon namin kung hindi pa ako sumasama kay Mama sa bakery ay hindi pa ako magkakapera. Nahihiya kasi akong humingi ng pera lalo na kung ipanglilibot ko.
Gusto ko pag aalis ako ay ang gagamitin kong pera ay hindi ko hiningi mismo sa mga magulang ko.
"Good luck sa classes, 'nak," Papa cheered when he dropped me off the school.
Maaga akong gumayak dahil may flag raising ceremony. Ayoko naman na makakuha ng slip dahil first day na first day.
"Aer!"
Nagulat ako nang tawagin ako ni Shone habang papalapit pa lang ako sa pila ng section namin. Akala ko pa naman ay ang dalawang kaibigan ang bumati sa akin dahil iyon ang nakagawian pero... siya pala. I didn't expect that.
"Uy, aga mo siguro," saad ko rito dahil wala na sa kaniyang likod ang bag. Siguro ay sa sobrang aga niya ay naabutan pa niyang bukas ang classroom.
The ceremony wasn't starting and yet the classrooms were closed to prevent the student from not attending the ceremony.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
أدب المراهقينEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...