Chapter 05

26 2 1
                                    

Towel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Towel

After having a coffee with Shone, I didn't expect him to ignore me on school grounds. Takang taka ako dahil akala ko kahit papaano ay may improvement naman na ang relasyon namin pero wala, walang nangyari.

It was a foolish move to assume.

Hindi ko naman inexpect na friends na kami agad kasi that takes time but I also didn't expect him to give me the same treatment as before. Dumaan lang ang Linggo at nagkita kami ng Lunes pero parang hangin na lang ulit ako sa kaniya.

I tried so hard to remember the happenings lang Saturday, wala naman siguro akong ginawa bukod sa pagpili ko ng mas rich na espresso at saka he didn't have a foul mood because of that.

Abot ang taas ng nguso ko habang nakatingin sa nakatalikod na si Shone. Matalim ang binibigay kong tingin sa kanya. Sana alam niyang nabubwisit ako.

Who wouldn't be upset in this situation?

"Ba't ba ang haba ng nguso mo? At saka kawawa 'yung sandwich, piyot na," puna ni Ishi.

Agad ko namang ibinaba ang walang kamuwang muwang kong sandwich na nadadamay sa sama ng loob ko. Kung alam ko lang na sama ng loob lang din pala ang mapapala ko matapos ng libre nung Kuminanginang lalaki na 'yun, sana 'di na lang ako nagpunta.

Hindi na ako matetemp sa libre, I swear.

"Ang sama ng tingin niya kay redacted," saad ni Ian habang ang mata ay nakatingin sa grupo ng mga lalaking kumakain din ng lunch nila ngayon.

"Buti naman sanay ka na magcensor ng names, nakakahiya na kasi," sarkastiko kong usal dito. Nakakahiya na talagang marinig nung mga nasa kabilang table na palagi na lang sila ang pinag-uusapan namin over lunch.

"Uy, Ishi, beh, hindi tinanggi."

"What's the point, e halata naman." singhal ko sa kaniya. Sino ba naman kasi ang hindi sasama ang tingin pag ginawa sa iyon yun? Kung sa kaniya nga iyon ginawa, baka ipaghiyawan na niya iyon sa buong mundo.

"Init ng ulo mo, ah. Chill nga."

Inirapan ko lang ito pero imbes na tarayaan ako pabalik ay nagkatinginan lang silang dalawa na parang may konklusyon na nabuo sa pagitan nila.

"Did we just miss chapters? May 'di ka kinukwento."

"Why would you miss a chapter? E lahat naman alam niyo," pagsisinungaling ko. Hindi nga nila alam na ang magaling na si Shone ang nakatulak sa akin sa hagdan. I am not stupid to fall on a stair just because I am sleepy. Pasalamat si Shone, mas pinili kong maging tanga sa harap ng mga kaibigan ko dahil kung sakali ay nagkakanda samid na siya dyan dahil binabash na siya nung dalawa.

"Some parts are missing e."

"Kahit naman mabuo, wala rin. Ano ba sa tingin niyo ang posibleng mangyari at bakit ganito ang kaganapan ngayon?" tanong ko at marahas na kinagat ang sandwich. Sarap talaga ng tinapay ng bakery namin.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon