Chapter 12

27 2 0
                                    

Mood

Most of my things for school were ordered online. Medyo nagdidiwara pa nga ako dahil mapangit ang texture ng yellow pad ko samantalang thirty pesos ko lamang iyon na-order. Nasa NBS na kasi ako nung nakaraan pero hindi pa ako bumili dahil kulang ang pera kong dala. Sa susunod nga ay pipilitin ko si Mamang klumuha ng online banking para sa akin para hindi ako nagagahol ng ganoon sa pera.

Nagpahatid ako kay Papa sa mall dahil iyon na ang magmimistulang last lakad ko bago magsimula ang klase. Magpapakastrong independent woman muna ako dahil solo flight lang talaga ang lakad ko ngayon.

Ilang taon na akong nabubuhay sa mundo pero ngayon pa lang ako nakalabas ng ganito na walang kasama dahil madalas ay nagpapasama ako sa mga kaibigan o 'di kaya ay sa mga pinsan ko pero talagang pinanindigan ko ang pagiging mag-isa.

Before, I was afraid to go alone. Pakiramdam ko kasi ay manliliit ako sa mga tingin ng mga tao pero talagang nilakasan ko ang loob ko ngayon, ako na nga ang umo-order ng order namin sa jollibee nung nakaraan kaya kaya ko naman na siguro mag-isa ngayon sa mall.

At saka as long as makapal pa ang peso bills ko sa wallet ko ay kampante akong makakauwi sa bahay.

Nag-ikot ikot lang muna ako sa mall bago ko maisipang pumasok sa national bookstore. Nagtingin-tingin muna ako ng books kahit na wala akong planong bumili. It just give off a therapeutic feeling whenever I am looking at it.

I decided to take a shot of the books and posted it in my IG and Facebook story. Inilagay ko rin ang location. Flex lang na nakapunta ako rito ng mag-isa.

Tinago ko naman na ang phone nang matapos ako roon. I purchased a ream of bondpaper but regret it after because I realized that it would be such a hassle to carry that around. Hanggang mamaya pa naman ang plano ko rito at mukhang mas mauunang sumuko ang braso ko bago ako mangawit kakalakad.

Kipkip ko sa aking braso ang bondpaper habang nag-iikot. Sa laki ng mall at dami ng floor, hindi ko alam kung ano ang uunahin kong puntahan.

It is too early for lunch. Siguro ay magtitingin na lang muna ako ng mga damit.

Ilang botique na ang aking napuntahan at nakakailang baba at kuha na rin ako ng bondpaper. Kung hindi lang makapal 'to, kanina pa ito nalukot.

I went out to the botique with the two paperbags on my hand. Feeling a little ease, I even stretch my arms backwards. Pero... parang may kulang.

I just shrugged the thought and went to greenwich so I could enjoy the pizza that I'll be ordering. Halos puno na rito, kung hindi lang ako nagc-crave ng pizza, aalis na talaga ako at maghahanap na lang ng ibang makakainan.

Mabuti na lang ay nakahanap naman ako ng upuan. Two chairs lang ang mayroon sa table and it would be more than enough for me. Iniwan ko sa lamesa ang ilang gamit para may palatandaan na may tao na roon at pumila para um-order.

Dalawang maliit na pizza lang ang in-oder ko at isang chicken with rice. Hindi ako tatayo sa aking upuan hanggang hindi ko 'yun nauubos.

Masaya akong bumalik sa aking upuan pero nahiwagaan nang makitang nasa gitna na ng lamesa ang isang ream ng bond paper at isang maliit na panlalaking bag, at saka ko naalala na nakalimutan ko ang akin sa kung saan.

And wait a minute. Kanino 'yang gamit? It's clear as crystal na it's already occupied because my belongings was placed at the table. It was a rude move to just place your things on the table without asking permission from the one who found it first.

My arms are folded above my chest while standing. Hindi ako agad umupo at talagang hinintay pa ang kung sinong mapangahas na naglagay ng gamit niya dito sa table ko.

Entangled Series: PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon