Icing
Morning came and yet I felt like I am already restless. Hindi pa nakakatulong ang patingin-tingin sa akin ni Papa. Pag nagkakatinginan kami ay masasabi ko talagang may laman ang kaniyang mga tingin.
Siguro naikwento ni Mama 'yung kay Shone. Sana na lang nasa mga kumpare niya si Papa mamaya para hindi ako kabahan nang ganito pag dumating na ang tatlong lalaking bisita ni Mama.
"Ma, Ishi and friends will go here din later ah," sabi ko para madagdagan na ang gawa niya.
"Ishi and friends ka d'yan," sabi ni Mama at saka tumawa pa. She's extra smiley today. Kanina pa maganda ang mood niya at nag hu-hum pa habang minemeasure ang flour.
"Inanyayahan ko rin si Shone kasi you know... classmates kami." nagkibit balikat ako, nagtatapang-tapangan kahit na kinakabahan na talaga.
Hindi ko naman kasi in-expect na dadalhin ko rito sa bahay si Shone kaya nung nagsumbong ako, tuloy tuloy talaga ang bibig ko. Lahat nga yata ng sama ng loob ko nasabi ko nung gabing 'yun.
"Oo, 'nak. 'Yung nanulak sa'yo, right?"
"Ma." I let out a nervous chuckle. Baka mamaya pag nandito na 'yun, hindi na bumalik dahil natakot na sa parents ko.
"Ano na naman?"
"He gave me meds for the bruise naman at saka nilibre niya na ako. Consolation hehe." Nagkamot ako ng ulo habang pinapanood kung paano umusbong ang nguso ni Mama.
"Ano naman kung binilhan ka ng meds? At libre? May gamot din naman dito at kayang kaya ka naming ilibre ni Papa mo."
"He already apologized. 'Wag mong gisahin, please lang."
"Oh, nagsorry naman na pala." Nakahinga ako nang maluwag dahil doon pero sa itsura ng ngisi ni Mama at sa mga sumunod na salita na lumabas sa kaniya, hindi ko na alam. "Pero 'di mo sure."
Pagkatapos naming maglunch, saka lang ako pumanik sa kwarto para makapag-ayos na. One hour ang ahead time na binigay ko kila Ishi para naman at ease na 'yung pakiramdam ko pag dumating na sila Wonyr.
"Aer! Aera! Nandito na si Anni at Sej!" hiyaw ni Mama mula sa ibaba. As expected, maagang dumating ang dalawa kaysa sa dalawa.
Kung pwede lang na bigyan ko ng magka-ibang oras si Anni at Sej, at Ian at Ishi ay ginawa ko na para sabay sabay naman silang dumating.
"Yow yow yow!" bati ko sa dalawa nang makababa ako.
I was only wearing a short and a white printed oversized shirt so that it would be comfortable to move around. Hindi naman sobrang ikli nung short ko. It was mid length habang ang damit ko ay nakatuck in.
"Sino ba ang bisitang sinasabi mo sa GC mo na kailangan naming makita?" bulong ni Anni na sapat lang para kaming tatlo lang ni Sej ang makarinig.
"Vitamins see 'to, mga madam." I winked at them and giggled. Parang duda pa ang dalawa kaya tinawanan ko na lang ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Entangled Series: Promised
Ficção AdolescenteEntangled Series | Shone Pachero Aera Eloise Villaroman seems to hate men in general because of the ugly shit that has been clicked with that particular word, but all along, she just has the nasty idea of a man. She hasn't explored the world yet tha...