YEARS of training were the only reason that Myka still managed to hide her shock. Hindi lang siya basta natunton ni Luke. Nalaman din nito ang kanyang pangalan. How the hell did that happen? Sigurado siyang naging maingat siya. Nabansagan siyang isa sa mga pinakaparanoid na STAID agents. At hindi niya matatanggap na dahil ito sa kapabayaan niya. Naalala niya ang mga salitang binitiwan ni Stone kagabi. Something was really happening here. Somebody compromised her. Sigurado siya doon.
Biglang humakbang palapit sa kanya si Luke. As reflex, Myka released the safety catch of the gun. "You won't shoot me," nakangising wika ni Luke. Sa kasamaan palad, tama ito. STAID agents don't shoot civilians. Kahit pa ang mga sibilyang iyon ay may mapanganib na ngisi. "Myka-"
"Don't call me that," Myka snapped. Agad na bumangon ang inis niya sa sarili. Dapat ay umalis na lang siya kanina. Nagkaroon na siya ng pagkakataon para tuluyang makalayo kay Luke pero ano ang ginawa niya? Siya pa ang lumapit dito. Hindi niya naisip na makikilala siya nito. Hindi nga ba o ayaw lang niyang isipin?
Shit, Myka, you screwed up!
No. That can't be. Hindi ba mata lang naman niya ang nakita nito kagabi? Pero sa paraan ng pagmamasid sa kanya ni Luke ngayon, pakiramdam ni Myka ay tumatagos ang mga titig nito sa kaloob-looban niya at kaya nitong basahin ang nilalaman ng isip niya.
"Okay I won't call you that." Pinanood ni Myka ang tipid na pagtango ni Luke. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong itinaas ang mga kamay. "Pero pwede ba tayong mag-usap? Preferably yung walang baril na nakatutok sa mukha ko," then he flashed one of those dangerous grins again.
Napu-frustrate na nagpakawala ng malalim na hininga si Myka. She should just leave him there. Kayang-kaya niya iyong gawin. Isang simpleng distraction lang at makakaalis na siya. Iyon ang dapat niyang gawin. Iyon ang nakasaad sa protocol na sinusunod ng mga STAID agents. Pero ayaw namang gumalaw ng mga kamay at mga paa ni Myka. There was just something about Luke that made her want to forget all about protocol.
"Myka, may problema tayo," singit ng tinig ni Robbie sa kanyang earpiece. Noon lang naalala ni Myka na hindi nga pala niya pinutol ang koneksiyon nila kanina. Hindi siya sumagot. Hinayaan lang niyang magpatuloy si Robbie sa pagsasalita. "My search about Luke Marasigan just caused an alarm."
"Ano?" hindi napigilang bulalas ni Myka. Nakita niyang napataas ang kilay ni Luke.
"Kailangan mong pumunta dito sa HQ ngayon din. Gideon asked me to call you in."
This was turning out to be one of Mykas's worst days. "On my way." Then she fired her gun on one of the garbage cans beside Luke. Tulad ng kanyang inaasahan, napaatras ang binata. Ginamit niya ang pagkakataong iyon para makaalis ng mabilis.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...