7.1

14.9K 384 10
                                    

MYKA stared wide-eyed at Luke. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siya nitong inatake. As far as she knew, the Marasigans were the good guys. Pero ano ang ibig sabihin ng biglang pag-atake sa kanya ni Luke? Before Myka could think of the possible reasons, Luke attacked her again. Wala na tuloy siyang choice kundi ang maglabas ng sariling patalim.

Noon naisip ni Myka na mukhang in-underestimate niya ang kakayahan ni Luke. The way he was attacking her, she knew he wasn't a weakling like she initially thought. He moved with practiced speed and precision. Pero masyadong madaming beses nang naka-engkwentro ng mga kawatan si Myka. Yung mga halang ang kaluluwang nakaharap na niya, mayroon silang kakaibang aura. Those men had a distinctive air of evilness around them. Hindi niya nararamdaman iyon kay Luke. Isa pa ay napansin agad ni Myka na ang mga galaw nito—kahit pa nakadisenyo iyon para manakit—ay hindi naman nakadisenyo para pumatay. She knew a lot about fighting styles and Luke's style was far from being deadly.

"Luke, bitiwan mo ang—" Hindi natapos ni Myka ang sinasabi dahil muling umatake si Luke. "Damn it, don't make me hurt you."

"Actually, kanina ko pa nga hinihintay na gawin mo yon."

Naningkit ang mga mata ni Myka. What the hell was this guy's problem? Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagngiti nito na parang nababasa nito ang iniisip niya. But damn it, she couldn't stop thinking about how good he looked when smiling like that.

"Come on, Myka, I'm expecting you to be better than that." Luke was clearly taunting her. And it was working.

Napapailing na nagsagawa ng mabilisang review si Myka sa mga bagay sa paligid niya. It was like her mind went into attack mode. She took note of the positioning of the furniture. Pati na ang kinalulugaran ni Jared na halatang hindi makapaniwala sa nakikita nito. She also mentally computed the distance between her and Luke. Speaking of Luke, nakangiti nanaman ito sa kanya. Makikita ang challenge sa mga mata nito habang dahan-dahang itinataas ang kamay na walang hawak na patalim. Ang akala ni Myka ay ipoporma lang nito iyon bilang panangga. But Luke turned his palm upward and with a boyish grin, he moved his fingers in a come-and-get-me gesture. Damn, if that wasn't sexy, she didn't know what is.

Puno ng inis na gumalaw si Myka. "Play time is over." Tatapusin na talaga niya iyon. Hindi na siya natutuwa sa pinatutunguhan ng "pag-uusap" na ito. Mabilis na kumilos si Myka para siya naman ang umatake.

"It ain't over until—"

Myka and Luke landed on the floor with a grunt. Mabilis na gumalaw si Myka para pumaibabaw sa malaking bulto ni Luke. She straddled his hard stomach.

"Until you're under me," tila aliw na aliw pang tinapos ni Luke ang sinasabi nito kanina. Lalo namang nainis si Myka dahil sa totoo lang ay agad na na-imagine niya ang sinasabi ni Luke. Napatigil tuloy siya sa akmang pagpigil sa mga kamay nito. Sa imagination kasi niya ay wala silang hawak na kahit anong patalim. She would just be under him. No fighting. No knives. No clothes?

Don't even think about it, Myka, mariing sita niya sa sarili. And for a moment she seemed to lose herself as Luke moved his gaze from her eyes to her lips and lower. Sigurado siyang binibigyan na niya ng first class na silip si Luke sa kanyang cleavage. Ngumisi nanaman ito at lalo pang nawala si Myka sa sarili. That kind of smile should really be considered illegal and dangerous because it could get someone killed, specifically her. Dahil kung tunay na laban ito, siguradong kanina pa siya tumumba dahil sa distraction na ibinibigay ni Luke. Lalo na nang gamitin nito ang panandalian niyang pagkadistract para pagbaliktarin ang kanilang mga posisyon.

Luke loomed over Myka. Napamura naman si Myka ng mahina dahil sa ipinakitang kahinaan. Sino ba ang STAID agent sa kanilang dalawa? Sino ba ang sumailalim sa napakadaming training para maging walking killing machine? Hindi ba siya? Pero isang ngiti lang ni Luke ay bumibigay na si Myka. It's just pathetic. You're pathetic, Myka.

"Ano ang nangyayari dito?"

Umangat ang ulo ni Luke para tumingin sa nagsalita. Mabilis na ginamit ni Myka ang pagkakataong iyon para muling pagbaliktarin ang posisyon nila ni Luke. This time, Myka wasn't taking any chances. Matapos niyang pumaibabaw kay Luke ay itinulak niya ito sa tagiliran upang mapadapa. Then she grabbed his wrist and twisted it behind him. Yumuko si Myka at nagsalita malapit sa tenga ni Luke. "Never let your guard down. It will get you killed."

"That's enough." Hindi na kailangan pang mag-angat ng paningin ni Myka para malaman na si Striker ang nagsalita.

"Mga anak," singit ng mas malumanay na tinig ni Tita Rose. Myka winced a little when she heard what the older woman called them. "Bitiwan niyo ang mga hawak niyo. Dahan-dahan lang." Malambing pa rin ang boses nito. But Myka was sure there was a hint of command there somewhere. "Then step away from each other."

Humugot muna ng malalim na hininga si Myka bago sumunod. She kept her eyes trained on Luke just in case he moves. Pero hindi na ito gumalaw. Nanatiling nakadapa sa sahig si Luke habang si Myka ay walang ingay na lumayo. Nang masigurong nasa ligtas na distansya na siya mula dito ay saka niya hinawi ang bestida. Then she smoothly returned her knife in the knife sheath that was clipped on her leg holster. Pero bago pa niya maibalik sa ayos ang kanyang bestida ay napalingon siyang muli kay Luke. Nagtama ang kanilang mga mata. She could see admiration in his eyes. But there was also fire and passion. Wala sa sariling napalunok si Myka. Yup, there was definitely passion there.


S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon