"Kuya Luke? Kuya Luke!"
"Ha? Ano?"
"Hindi ka naman nakikinig eh."
Nagpakawala ng buntong-hininga si Luke at tiningnan ang kapatid. "Sorry, you we're saying?"
"Totoo ba?"
"Ang alin?" Wala talagang ideya si Luke kung ano ang pinagsasabi ng kapatid.
"Si Kuya Adam, is it true that he's alive?"
Sa sinabi ni Raen ay mabilis na hinanap ng mga mata ni Luke si Stone. Nakita niya itong nakasandal sa sulok na malapit sa banyo. Hindi ito agad na makikita dahil natatakpan ang posisyon nito ng isang mababang cabinet na may nakapatong na vase na puno ng mga bulalak. His location was positioned on the side that wasn't visible from the door. Kaya siguro hindi ito nakita ni Raen. Idagdag pa na nakayuko ito at medyo nakaslouch.
"Kuya Adam?" pabulong na tanong ni Raen na para bang may kausap itong bata at ayaw nitong takutin ang batang iyon. Stone's head immediately shot up. Mabilis na bumaling ito sa direksiyon ni Raen. Walang kahit anong mababasa sa ekspresyon ng mukha nito. "K-Kuya...?" dahan-dahang umalis sa pagkakasandal si Stone at tahimik na humarap kay Raen at sa kanilang lahat.
Noon napansin ni Luke na mahigpit na hawak na ni Myka ang kanyang kaliwang kamay. Parang kinakabahan din siya at ewan ba niya pero pigil na pigil ang hininga niya habang hinihintay na sumagot si Stone. When Stone's face became gentle, Luke's palm began to sweat. Shit! This was so much worse than the very first time that he waited for the judge's decision on his very first case as a lawyer.
Then Stone smiled fondly at Raen. "Hey, Raenie Tiny," Stone said softly. Tila iyon lang ang hinihintay ni Raen bago nito ibinato ang sarili kay Stone. Napaatras pa si Stone dahil sa lakas ng impact.
"Are you okay?" Napabaling si Luke kay Myka nang magtanong ito sa mahinang boses.
"Oo, pahinga na lang daw ang kailangan ko."
"Hindi yan ang ibig kong sabihin." Itinuro ni Myka ang cast ni Luke sa kamay. "Ang ibig kong sabihin ay yun." Pagkatapos ay itinuro nito ang direksiyon nina Stone at Raen.
Then something registered in Luke's mind. Noon niya nakita na hindi makikitaan ng pagkagulat ang anyo ni Myka. "Alam mo na?"
May kung anong damdamin na dumaan sa mga mata ni Myka na mabilis ding nawala. "Oo," sagot nito kasabay ang isang tango.
"Kayo din?" bumaling naman si Luke sa kanyang mga magulang. Hindi sumagot ang mga ito kahit tango lang. Hindi na nila kailangan pang sumagot dahil kitang-kita sa mga mata nina Abel at Rose ang katotohanan.
Hindi makapaniwalang ibinalik ni Luke ang atensiyon kina Stone at Raen. Si Raen ay nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib ni Stone habang si Stone naman ay matamang nakatitig sa kanya. "So everybody else knew except me?" Hindi naman sinasadya ni Luke na palabasing matigas at iritado ang boses pero ganoon ang lumabas. Naramdaman niya ang pagpisil ni Myka sa kanyang kamay pero hindi niya iyon sinagot. He was still reeling in the fact that they all knew. Damn! All these time ay alam pala nilang lahat.
"And me," Raen said against Stone's chest.
"You don't count, babe," sagot ni Luke na siyang naging dahilan para humiwalay si Raen kay Stone at humarap sa kanya.
"I don't count?" Raen sounded hurt but Luke didn't answer her or looked at her. Nanatiling nakatitig si Luke kay Stone. Pagkatapos ay bumaling siya kay Myka.
"Kailan pa?" Then Luke turned to his parents. Makikita sa mga mukha nina Abel at Rose yung klase ng ekspresyon na hindi basta-basta pwedeng kwestyunin. Na-realize ni Luke na mahihirapan siyang makakuha ng sagot mula sa mga ito kaya bumalik ang mga mata niya kay Myka.
Tila hindi makatingin ng diretso kay Luke si Myka. "It's not what you think, Luke," Myka said in a soft but firm voice.
"Kailan, Myka?"
"Teka, ano ba ang pinag-uusapan niyo?" singit ni Raen pero walang sumagot dito.
Maya-maya ay nagawa nang bumaling ni Myka kay Luke. "Nalaman ko noong araw na dalhin mo ako sa bahay niyo."
"Noong araw na...?" Mabilis na dumaan sa isip ni Luke ang lahat ng nangyari nang araw na iyon. He already suspected it then. Pero tumanggi si Stone at ni wala man lang kumontra dito. Tumingin si Luke sa mga magulang niya at nakita niya doon ang kompirmasyon. Shit! So it's true then that all of them knew all these time. Hindi iyon nagustuhan ni Luke. Hell, he felt hurt and somewhat betrayed.
"I'm sorry," mahinang wika ni Myka saka pinisil ang kamay ni Luke. But Luke was still feeling wounded so he didn't squeeze her hand back.
"Don't say sorry, Myka," wika ni Stone saka naglakad palapit sa kama ni Luke. Stone crossed his arms against his chest and looked intensely at Luke. "I don't like explaining myself but..."
Sandaling kinalimutan ni Luke ang pagtatampo at hinayaan lang na mag-sink-in sa kanya na ang lalaking nasa harap niya ngayon ay si Adam. Binalikan niya sa isip ang binatilyong version ni Adam. Madalas silang hindi magkasundo noon pero alam niya na kahit anong mangyari ay matibay ang samahan nilang magkapatid.
"I was the one who decided not to tell you," pagpapatuloy ni Stone. "So if you want someone to blame, blame me." Short, direct to the point, and can speak while looking directly into his eyes. Ayaw mang aminin ni Luke pero gusto talaga niya ang mga ugaling iyon ni Stone. Walang duda na isa nga itong Marasigan. At kahit noong mga pagkakataon na naiinis siya kay Stone ay nararamdaman pa rin ni Luke na mapagkakatiwalaan at maaasahan ito. If this was the kind of man that his annoying little brother turned out to be, then Luke decided that he didn't want to complain.
Napatingin si Luke sa kanyang mga magulang. Nakita niya ang pagmamahal at pagmamalaki sa mata ng mga ito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito. Stone was a good man and a good agent. Saka naisip ni Luke na tama lang na isa sa mga anak ng legendary STAID duo ang sumunod sa mga yapak ng magulang nito. Sasabihin na sana iyon ni Luke nang biglang tumalikod si Stone at lumapit kay Raen.
"Now if you'll excuse me," hinawakan ni Stone ang kamay ni Raen. "I just remembered that I owe my little sister a chocolate ice cream." Raen shrieked with delight and looped her arms around Stone.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...