"SORRY, babe, I can't explain anything right now." Pinanood ni Myka ang pagtango ni Raen sa sinabi ni Luke. "Kailangan naming umalis agad ni Myka."
Tahimik na tumango si Raen na ipinagtaka ni Myka. Ni wala kasing reklamo o tanong na lumabas sa bibig nito. Parang tanggap na agad nito ang mga sinabi ni Luke. Then she remembered the things that Luke told him a few nights ago. Idagdag pa ang nakita niya kagabing hand gun at ang paranoid-level na door lock at security system ni Raen. Obvious na na-train din ng tama ang bunsong anak ng mag-asawang Striker at Starlight.
"Myka?"
Nag-angat ng paningin si Myka nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Raen. "Yes?"
"Sa'yo ko na lang ibibigay ang mga medical supplies na kailangan ni Kuya Luke."
"Okay." Dinala siya ni Raen sa isang maliit na kuwarto na mukhang stock room. Tahimik lang si Myka habang pinapanood ito sa pagkuha ng mga supplies. Inilagay iyon ni Raen sa isang maliit na bag at saka lumapit sa kanya. Aabutin na sana ni Myka ang bag nang iiwas iyon ni Raen. "Myka, pwedeng magtanong?"
Pinakatitigan muna ni Myka si Raen bago sumagot. "Depende."
"Itong kinasangkutang gulo ni Kuya Luke, is it dangerous?"
"Define dangerous."
"Is it gonna get him killed?"
Nahimigan ni Myka ang pangangatal ng boses ni Raen. Ah, damn it! Myka never liked dealing with people crying. Pero ang inaasahan niyang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Raen ay hindi nangyari. Myka watched as Raen pulled herself up and fought back the tears. Maybe she could like Raen after all. Hindi naman nito kasalanan na nagselos siya kagabi. Teka, anong selos? Shit! She wasn't jealous. She was pissed! Tama, hindi selos yun. Pero tinigilan na muna ni Myka ang pagkumbinsi sa sarili nang makitang naghihintay ng sagot si Raen. Lumapit siya babae at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa bag na naglalaman ng medical supplies. "Walang mangyayaring masama kay Luke," pahayag ni Myka sa matatag na boses. Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ni Raen. "Hindi ko papayagan yun, Raen. I'm going to die first before something bad happens to him. I swear to you."
Ah shit! Mapapaiyak pa yata si Myka. Lalo na nang marealize niya ang ginawa. Hindi niya basta-basta ipinupusta ng ganon-ganon lang ang sarili niyang buhay. She was willing to die while protecting other people because it was her job. But with Luke, it was different. It was more than a job.
Mukhang nakita ni Raen ang sinseridad niya sa mga sinabi dahil ngumiti na ito. Mabuti naman dahil hindi na kaya pa ni Myka na patuloy i-expose ang sarili niya ng ganito. She had always protected her feelings. Kaya hindi madali para sa kanya na ipakitang naaapektuhan siya.
"Sorry nga pala kagabi," biglang wika ni Raen. "Hindi ko naisip na baka pagselosan mo ako."
"Hindi ako nagselos," kaila ni Myka. Pero binigyan lang siya ng makahulugang ngiti ni Raen. Fine, what the hell did she have to lose anyway? "Hindi mo tinawag na kuya si Luke nung pagbuksan mo kami ng pinto," may pag-aakusang wika ni Myka.
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Raen. "Blame my parents. Sila ang nagturo sa akin niyon. Masyado na kayong late na dumating at hindi normal na magpunta dito si Kuya Luke nang hindi nagsasabi. I was just taking precautions. Hindi ko alam kung kaibigan ka ba o kaaway. I wasn't supposed to give away any information until I know for sure."
Hindi malaman ni Myka kung ano ang isasagot. Naisip niyang hindi talaga madali ang maging magulang ang magagaling na STAID agents na tulad nina Striker at Starlight. "You have good instincts," nakangiting wika ni Myka. It was the only compliment that she could think of at that moment.
"Okay lang kung sasabihin mong freak ako. Sanay na ako," biro ni Raen.
She immediately felt compassion toward Raen. "You're not a freak, Raen. You're special."
Ngumiti si Raen. "Talaga? Hindi ka nawi-weirdo-han sa akin kahit pa paranoid ako?"
Ngumiti din si Myka at saka umiling. "No, you're not weird at all. Kung makikita mo lang ang security system na inilagay ko sa apartment ko, siguradong hindi mo maiisip na paranoid ka. So believe me, you're not a freak." Hindi pa natatapos si Myka sa sinasabi nang bigla na lang siyang yakapin ni Raen. For a moment, Myka didn't know what to do. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng interaksiyon sa kahit na kanino. Mabuti na lang at humiwalay din agad sa kanya si Raen.
"Thank you, Ate Myka."
"Ate?"
Pero hindi na siya pinansin pa ni Raen. Nagpatiuna na ito sa paglabas habang hila siya sa kamay. Inabutan nila si Luke na nakaupo pa rin sa harap ng dining table. Biglang lumiwanag ang mukha ng binata nang makita sila. Masuyong ngumiti si Luke sa kapatid nito bago bumaling sa kanya. Myka unconsciously sucked in her breath. It was like she was seeing Luke again for the first time. His hair was unkempt. There was fierceness in his eyes. And he looked totally rugged. Malayong-malayo na iyon sa image nitong high-powered attorney.
Bago ang oras na iyon ay hindi pa alam ni Myka kung bakit ganoon na lang katindi ang nararamdaman niya pagdating kay Luke. Pero ngayon ay malinaw na ang lahat. Importante si Luke sa kanya. Hindi niya alam kung paano nagsimula. Ni hindi niya namalayan na ganoon na pala ang nangyayari. She just knew that she cared about his family and his safety. Hell, she cared about him. Period. And it scared the hell out of her big time.
AFTER some awkward goodbyes, Myka and Luke finally left Raen's townhouse. Si Myka ang nagmamaneho at tahimik lang si Luke habang nakatingin sa labas. For the first time in Myka's life, she didn't feel comfortable with the silence. "What are you thinking about?"
Ang akala ni Myka ay hindi narinig ni Luke ang tanong niya. Nanatili lang kasing nakatingin sa labas ang binata. Palalampasin na sana iyon ni Myka nang mahinang sumagot si Luke. "Everything."
"Everything?" Myka stole a glimpse at Luke. Nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana. Palabas na sila ng Maynila at patungo sa kanyang personal na safe house. Lahat ng STAID agents ay mayroong mga back-up apartments na magagamit nilang safe house sa mga sitwasyong tulad ngayon. Hindi iyon nakarecord sa file nila sa STAID kaya sigurado si Myka na ligtas sila doon.
"Yes," pagkatapos ay sinalubong ni Luke ang tingin ni Myka. "But most especially, about you."
Napalunok si Myka. Parang biglang nagkaroon ng bara sa lalamunan niya na hindi mawala-wala. She wanted to say something, anything. Pero hindi naman niya alam kung ano. She never really learned to make small talks and she doubted that she ever will. Pero mas mabuti na siguro iyon. Because she couldn't afford to be distracted now more than ever. Ang buhay ni Luke ang nakasalalay sa misyong ito. That was reason enough for Myka to decide that it was better to distance herself from Luke. Wala namang mabuting napapala ang pagiging involved sa target. It would only get herself hurt if not killed.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...