PARANG gustong mapaiyak ni Myka nang tumambad sa harap niya ang itsura ni Luke. He was strapped in what looked like a dentist's chair. Maliban sa strap na nakakabit sa upuan ay may mga karagdagang strap pa na pumipigil sa legs, tiyan, at dibdib nito. May nakakabit na parang dextrose sa magkabilang kamay ng binata. Ang ulo nito ay mayroon ding strap.
Sa unang tingin ay parang wala nang iba pang nakakabit sa katawan ni Luke maliban sa mukhang dextrose na mga iyon. Pero nang ibaba siya ni Ryder sa sahig ay saka niya nakita na may wires din pala na nakakabit sa ilalim ng ulo ni Luke. Doon sa may bandang batok nito. Napahikbi na si Myka.
"Shh," wika ni Ryder habang pinupunasan ang dugo na namuo na sa kanyang kanang kamay. "Damn," mahinang bulong pa nito habang binabalot ng tela ang sugat niya doon. Pero parang hindi na iyon napapansin ni Myka.
Myka's heart was squeezing in pain. The agony she felt while seeing Luke like that was so much stronger than the physical pain in her body. Napahikbi nanaman si Myka hanggang sa hindi na niya namalayang umiiyak na pala siya.
"Wag ka nang umiyak, maliit na sugat lang yan," wika ni Ryder sa tabi niya. "Myka—" Then Ryder cursed loudly. "You're not really crying because of the pain, are you? It was all for him."
Sa wakas ay nagawa na ni Myka na tumingin kay Ryder. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakita siya ng simpatya sa mga mata nito. Pero mabilis din niyang ibinalik ang atensiyon kay Luke.
"Just a piece of advice, Myka," bulong ni Ryder. "Try not to show that you care about Luke." Iyon lang at nagpatuloy na si Ryder sa pagsesecure ng mga posas sa magkabila niyang paa at sa kaliwa niyang kamay. Tanging ang kanan niyang kamay na sugatan na ngayon ang walang posas. Nang matapos si Ryder ay basta na lang itong umalis.
It took a moment before Myka was able to tear his gaze away from Luke's unconscious body. Noon niya napansin na nakaupo siya sa puting sahig at nakasandal sa puti ding pader. Luke was actually on another room. May salamin na naghihiwalay sa dalawang kuwartong kinalulugaran nila ni Luke.
"Luke..." Then Myka saw Luke's eyes open. Nahigit niya ang hininga nang makitang kumurap-kurap pa ng ilang beses ang mga mata ng binata. "Luke," mas malakas na ang pagtawag niya dito. Pinanood niya ang pagbukas ng bibig ni Luke upang magsalita. Pero wala siyang narinig na salita. Then she watched him form her name in his lips. He was calling her name. "Luke, thank God!" And for the first time since she was a child, Myka uttered a prayer of thanks.
ILANG beses na narinig ni Luke ang boses ni Myka. She was real, naisip ni Luke. Hindi niya inimagine lang ang boses ni Myka. Then Luke heard the sound of a door opening and then closing. Naging pamilyar na siya sa tunog ng pagbubukas at pagsasara ng pinto kaya sigurado siyang hindi ang pinto sa kuwartong kinalalagyan niya ang narinig niya.
"Hello, Myka, nice to meet you," Luke heard a familiar voice of a man. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ang lalaking may nakakakilabot na tingin.
"Sino ka?" Bumilis ang pagtibok ng puso ni Luke nang marinig nanaman ang boses ni Myka.
"Ako si Fred."
"Fred?" tanong ni Myka. "Hindi kita kilala."
"Alam ko. Siguro mas kilala mo ako sa isa ko pang pangalan. I used to be called Rookie."
Narinig ni Luke ang malakas na pagsinghap ni Myka. Bakit kaya? Ano ang significance ng pangalan na yon?
"R-Rookie?" tila di makapaniwalang tanong ni Myka. "Pero patay ka na. I know you're dead."
"Obviously, I'm not," the man's voice said dryly. "Pero curious ako, paano mo nalaman ang tungkol sa akin?"
"I know," Myka answered in a stern voice. "Because you're STAID."
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...