3.1 (Deleted scene)

5.2K 77 0
                                    

WALANG ideya sina Luke at Jared kung paano o saan kukuha ng impormasyon nang maisipan ni Luke na magcheck ng email gamit ang kanyang cell phone. His work email was public knowledge. Kahit sino ay madaling makukuha iyon. At laking gulat niya nang may makitang email na naglalaman lang ng isang address at sa pinakababa niyon ay ang mga letrang MYKA. It couldn't be a coincidence. Malakas ang kutob ni Luke na may kinalaman iyon sa kung anumang nangyayari ngayon. That's how Luke found himself watching an apartment complex somewhere near the boundary of Pasay and Manila.

"Jared, nalaman mo na ba ang ibig sabihin ng MYKA?" tanong ni Luke habang kausap sa cell phone ang kaibigan.

"Not yet, kumusta naman diyan sa apartment?"

"Walang nangyayari. Hindi kaya acronym ang MYKA na yan?"

"Hindi ko alam. I'm still working on it."

"Sige, tatawagan na lang kita kapag may—" natigilan si Luke nang may makitang babae na lumabas sa apartment. "It's a name."

"Ano?"

Hindi maipaliwanag ni Luke ang kakaibang excitement na biglang naramdaman. He even felt like jumping. "It's a name, Jared. Yung MYKA, pangalan yon."

"Paano mo nalaman?"

"Because I'm looking at her right now."

S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon