28.2 (Deleted Scene)

2.2K 64 2
                                    

DALAWANG bagay ang gumugulo sa isip ni Myka. Una ay hindi nahuli nina Stone si Fred. Hindi din nila nahuli si Ryder aka Ethan. Nang maalala si Ethan ay naalala din ni Myka ang reaksiyon ni Raen nang marinig ang pangalan nito at malaman ang involvement nito sa nangyayari sa pamilya Marasigan. Myka understood that it was a lot to take in. Pero mukhang naha-handle naman iyon ni Raen ng maayos. But still, Raen looked sad and somehow lost. Parang tulad ng nararamdaman ni Myka ngayon. Pakiramdam niya ang nawawala siya. Iyon ang pangalawang bagay na gumugulo sa kanya.

Hindi maalis-alis sa isip ni Myka iyong nakitang ekspresyon sa mukha ni Luke nang malaman nito na itinago nila ang katotohanan. He looked betrayed and Myka felt responsible. Pakiramdam niya ay napaka-unworthy niyang tao. Oo nga at naroon siya palagi sa tabi nito para protektahan ito. Pero mostly ay dahil iyon sa kanyang trabaho. Kahit pa sa huli ay inamin na niya sa sarili na hindi lang basta parte ng misyon niya ang pagprotekta kay Luke. Hindi pa rin niyon mababago ang katotohanan na ginagawa lang niya ang kanyang trabaho.

Pero si Luke, damn, kahit pa siguro sa mata ng ibang tao ay wala namang kakaiba sa mga ginawa ni Luke para sa kanya, sa mata ni Myka ay napaka-espesyal ng mga iyon. Mainly because no other person had ever done something like deliberately break his shoulder so he could try to escape and save Myka. Siya lang siguro ang natatanging babae sa mundo ang iisiping sweet ang pagbali ng balikat. But who cares? She had a man who would go to great lengths for her and she considered herself lucky because of that. Pero ganoon din kaya ang naiisip ni Luke? Did he consider himself lucky for having her?

Humarap si Myka sa salamin at pinag-isipan ang sagot sa kanyang tanong. Pinakatitigan niya ang sarili hanggang sa makaisip siya ng magandang sagot. "Bakit ko ba ini-stress ang sarili ko?" malakas na kinausap na niya ang sariling repleksiyon. "Kung hindi iniisip ni Luke na swerte siya sa akin, so what? I could just change his mind or," Myka paused a little. "I could reinvent myself to make him feel lucky for having me."

Hinanap ni Myka ang kanyang cell phone at tinawagan si Stone. "Myka? May problema ba?"

"Wala," mabilis na sagot ni Myka. "Have you heard from Gideon?"

"Yes."

Hinintay ni Myka na mag-elaborate si Stone pero wala na siyang nakuha pa mula dito. Obviously, kung mayroon siyang gustong malaman ay dapat niyang tanungin ng diretso. "Kailan? Ano ang sinabi niya? At bakit wala ka man lang sinasabi sa akin?"

"Hindi ba naka-indefinite leave ka? Technically, I'm not supposed to call you about work during your leave."

Myka almost cursed at Stone's response. "Fine, kaya ako tumawag ay para ipaalam sa'yo na aalis ako para magbakasyon. I was actually going to suggest a mode of communication in case you need to reach me. Pero mukhang hindi na pala kailangan, since you're not supposed to call me."

"Teka, alam na ba yan ni Luke?"

"Hindi, gusto ko sanang 'wag mong sabihin sa kanya."

"Like hell, Myka. You are not going to ask this from me," may pagbabantang wika ni Stone.

"Kahit na ano pa ang sabihin mo, I'll still ask, Stone." Then Myka turned off the phone.

"WHERE the hell is she, Stone?" dumadagundong ang boses na tanong ni Luke. Napagdesisyunan ng pamilya nila na mas mabuting ituloy na lang nila ang pagtawag kay Adam na Stone para sa proteksiyon nilang lahat. Fred was still out there somewhere. At kahit walang sinasabi si Stone ay alam niya na ongoing pa rin ang paghahanap dito.

It turned out that Stone had been trying to infiltrate Fred's group while he and Myka were hiding. Magtatagumpay na sana ito kaya lang ay nangyari naman ang pagkidnap sa kanila ni Myka. Muntik nang mapahamak ang asset ni Stone para lang makapagpadala ng tip kung saan sila itinatago ni Fred. Now, Stone was back to zero.

"Hindi ko alam," sagot ni Stone.

"That's bullshit," iritadong sagot ni Luke. Kanina pa kasi niya hindi mahanap si Myka. Naka-off ang cell phone nito at hindi ito sumasagot sa mga text niya. Nang tanungin niya ang mga magulang ay sinabi lang ng mga ito na hindi nila nakita ang dalaga. Pati si Raen ay hindi daw ito nakita. Now he was counting on Stone to give him an answer.

"Kuya," tawag sa kanya ni Stone saka ngumisi. Damn, he missed this.

"Yes, Adam?" Sila lang naman ang naroon kaya safe na tawagin niya ito sa tunay nitong pangalan.

"Chill, okay? ilang oras mo pa lang siyang hindi nakita nagkakaganyan ka na."

"That's the point. Ilang oras ko na siyang hindi nakikita."

Adam made a disgusted sound. Pagkatapos ay napangiti si Luke nang tila sumusukong umiling-iling ang kapatid. "Hindi ko alam kung nasaan siya, okay? Yun ang totoo."

"Pero may alam ka?" Luke used his lawyer voice. Ni hindi man lang tinablan si Adam.

"Tinawagan niya ako kaninang umaga at nagpaalam na magbabakasyon siya."

"Ano?"

"Sinabi ko na sa'yo ang lahat ng nalalaman ko. Now, can you just relax?"

"Nagpaalam siya sa'yo pero sa akin ay hindi?" hindi makapaniwalang tanong ni Luke. Bumangon muli ang inis niya nang tumingin sa kanya si Adam na para bang hindi nito naiintindihan ang ibig niyang sabihin. "Sinasabi mo bang umalis para magbakasyon ang girlfriend ko at hindi man lang siya nagpaalam sa akin?"

"Technically, I'm her boss habang wala pa si Gideon. Kaya dapat lang na magpaalam siya sa akin. Wait, did you say she's your girlfriend?"

"Yes," Luke answered in an exasperated voice.

"Alam ba niya na girlfriend mo nga siya?"

Napanganga si Luke sa kapatid. "What the hell was that suppose to mean? Magkasama kami maghapon at magdamag sa loob ng mahigit isang buwan. Not to mention we were held prisoner together. So after everything we've been through together, of course, she's my girlfriend."

"Pero sinabi mo ba sa kanya mismo na girlfriend mo siya?"

"Kailangan pa ba yun?" Malapit nang maubusan ng pasensiya si Luke. Bakit ba kung ano-ano pa ang pinagsasabi ni Adam? Mas gusto niyang matapos na ang usapang ito para masimulan na niya ang paghahanap kay Myka.

"Personally, I would say no. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay ganyan din ang iisipin ko. Pero iba ang mga babae. At si Myka, kahit pa hindi siya tulad ng mga tipikal na babae, ay babae parin. Who knows what goes through their minds? But one thing is sure, women need and want to hear shit like that."

"And you know this because?"

"I'm a STAID agent. I know psychology."

"Ah, damn!"

S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon