HINDI ipinaliwanag nina Striker at Starlight kung bakit hindi maaaring sumama ang mga ito sa pagpunta sa headquarters ng STAID. Ang alam lang ni Myka ay pumasok daw ang mga ito sa isang kasunduan noong bago sila umalis sa STAID. Isa sa mga kundisyon ng kasunduang iyon ay hindi sila pwedeng tumapak muli sa HQ. Myka thought it was absurd. Buhay na ng anak nila ang nakasalalay pero gusto pa rin nilang sumunod sa kasunduang iyon. Hindi tuloy siya makapagdecide kung dapat ba siyang humanga o mainis. Lalo na at hindi niya nagustuhan ang planong napagkasunduan nila. But the saddest fact was that she understood it was the best plan.
"Myka, okay ka lang ba?"
Si Stone ang nalingunan ni Myka. Tipid na tumango siya at saka muling tumanaw sa malayo. "I'll get the job done," sagot niya sa mahinang tinig.
"Hindi 'yan ang tinatanong ko."
"Kapag sinabi ko bang hindi, may magagawa ka ba?" naghahamong tanong ni Myka saka sinilip si Stone.
Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Stone. "I know you'll get the job done."
Tumango si Myka bilang sagot saka iniwan si Stone. Ayaw na niyang pag-usapan ang plano. She just wanted to be alone at that moment. Nagpunta siya doon sa terrace kanina para mapag-isa. Ganoon siya tuwing bago sumabak sa isang importanteng misyon. She always liked having a silent time alone. Pero obvious na hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na mapag-isa dito sa bahay ng mga Marasigan. Kahit saan siya magpunta ay may nakakasalubong siya. Pero sa lahat naman ng nakakasalubong niya doon ay hindi niya nakakasalubong iyong taong gusto talaga niyang makita.
Napapabuntong-hiningang lumabas si Myka sa bahay. Nakita niya kaninang may lumang swing sa likod ng bahay. Medyo natatakpan iyon ng mga halaman. It was the perfect place for her to be alone. She just stepped inside the stone path circling the old swing when somebody spoke.
"Kung babalik ka sa pinanggalingan mo, may makikita kang stone path papunta sa gilid ng bahay. May maliit na kubo doon na pwede mong tambayan."
Hindi agad nakilala ni Myka ang boses. Pabulong lang kasi ang pagsasalita ng lalaki. Pero ewan ba niya kung bakit ni hindi man lang siya nakaramdam ng panganib. Agad na pinagalitan niya ang sarili. It wasn't a good sign.
"You don't want to be here, Myka," muling wika ng lalaki. Hindi na iyon pabulong kaya nakilala na niya ang nagmamay-ari bilang si Luke.
"Bakit?" ganting tanong ni Myka habang dahan-dahang lumalapit sa aninong namataan niya.
Myka watched Luke move out of the shadow. He was now wearing a dark long sleeve shirt and dark jeans. He looked dangerous like that. Hindi ito mukhang abogado lalo na kapag ganyan ang ekspresyon ng mukha nito. "Trust me, you don't."
Sa lahat ng ayaw ni Myka ay yung sinasabihan siya kung ano ang gusto niya na para bang mas alam nila ang laman ng isip niya. Kaya naman lalo pa siyang lumapit. "I don't trust anyone," paanas na sagot niya.
Hindi sumagot si Luke. Ibinulsa lang nito ang isang kamay at saka tila tinatamad na sumandal sa bakal na poste ng swing. Pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pagtitig sa kanya. No other man has ever made her feel safe and afraid at the same time.
Ang STAID ay may sariling psychologist. Bago naging STAID agent si Myka ay katakot-takot na psych evaluation pa ang pinagdaanan niya. And even after she passed, the psychologist had to work hard on her so that she would realize her worth and advantages as a woman. Dati kasi ay hindi niya iyon naisip. Naniniwala siya noon na dapat niyang maging kapantay hindi lang sa utak kundi pati sa pisikal na aspeto ang mga lalaki. But the psychologist made her understand the glories of being a woman. Women don't need strength to defeat a man twice her size. Mas mapanganib ang utak ng mga babae. That's what made her confident before. But it was that same realization that made her feel afraid now. Dahil paano nga ba siya magtitiwala sa kakayahan niya ngayong nagugulo ang utak niya dahil kay Luke? Because of that, she was suddenly very, very afraid. Pero ang nakakagulat doon ay hindi siya natatakot para sa sarili niya, kundi natatakot siya para kay Luke.
Shit! This was definitely getting more and more complicated by the minute.
BINABASA MO ANG
S.T.A.I.D. 1 (COMPLETE) - Published under PHR
ActionMyka's latest mission as a STAID agent was very simple: Get in. Assist in protecting the target while waiting for extraction. Then get out. Ganoon lang dapat kadali ang lahat. But the moment she arrived on the scene and had a glimpse of her target...